**Catherine**
Ilang araw na 'kong nakakulong sa kwartong 'to, with nothing but plain white walls. Wala kahit ni isang bintana, tanging pintuan lamang ang meron na palagi namang naka-lock.
No books for me, no internet, and no Oliver.
Tuwing mag-aalas dos i-media ay pinapatulog nila ako. Kaya ngayon, gising na gising ako.
Hindi ako baliw. I am still the loving and caring Catherine.
Tumayo ako mula sa kama nang makaramdam ako ng hilo, at tila ba may tumutulak palabas mula sa kalamnan ko. Napatakbo ako sa banyo, at duon sumuka.
Pangalawang beses na 'to nangyari, at hindi naman ako insensitive para maramdamang may nabuong bata na yata sa tyan ko.
Napaupo na lamang ako sa gilid ng banyo, parang batang umiiyak. This is all my fault, and there's no turning back unless ipalaglag ko 'to nang walang nakakaalam. Pero paano ko naman magagawa 'yun, bantay-sarado ako dito?
Oliver will hate me because of this. Kapag nalaman niya 'to at 'yung nangyari sa'min ni Richard, alam kong iiwan na niya 'ko ng tuluyan.
I can't let that happen. Sapat nang mawala na sa'kin ang lahat, 'wag lang si Oliver.
Ilang sandali pa ay may pumasok na nurse para dalhan ako ng pagkain at gamot. Lumabas ako ng banyo para salubungin din siya.
"Catherine, ubusin mo 'to ha, nangangayayat ka na." Sabi nito as if concerned talaga sa'kin. She knows enough na hindi ako baliw, pero bakit patuloy nilang kinokonsinte si Mommy?
"O, anong nangyari sa'yo?" Tanong pa niya, ngunit umiling lamang ako.
"Si Oliver po? Kailan niya 'ko bibisitahin?"
"Ah, 'yung boyfriend mo? Magpagaling ka muna, 'di naman mawawala 'yun. Sige na, mauna na 'ko ha, babalikan kita."
Paalis na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kanyang braso. Agad naman siyang napalingon sa'kin, her eyes wide-opened as if natakot sa ginawa ko. And then I noticed, unti-unti na niyang hinihila 'yung syringe from her pocket.
"Buntis ako... how will I take care of this?" Mahinahon kong sabi, and all of a sudden, tumutulo na muli ang luha ko. Alam kong kung hindi ko sasabihin ang totoo ay marahil tinurukan nanaman ako ng pampatugol.
Gaano na nga ba kapanget ang record ko sa ospital na 'to? Siguro kabilang na 'ko sa wild inmates kaya ganito na lang ang trato nila sa'kin.
"Tulungan mo naman ako, hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko," Pag-iyak ko, habang ipinasik niya muli ang syringe sa kanyang bulsa, na para bang unti-unti ko na rin nakukuha ang kanyang simpatya.
"Ayoko siyang mamatay, ayokong mawala 'yung bata, pero hindi ko alam kung pano 'to papanagutan ng mag-isa," sambit ko kasabay ng paghikbi. Umupo siya sa aking tabi at hinimas ko sa braso.
"Shh, tahan na. Ako na ang bahala magsabi sa doktor mo," Sinamantala ko ang pagkakalapit ng pwesto namin at hinugot ang syringe mula sa kanyang bulsa. Hindi ko ito alam gamitin kaya basta ko na lamang itong tinurok sa kanyang braso.
Napasigaw siya sa gulat at sakit, ngunit wala na 'kong panahon pang kaawan siya kaya dali-dali na 'kong tumakbo palabas.
Kailangan kong tumakas. Kung hindi ay tuluyan na 'kong masisiraan ng bait sa loob ng kwartong iyon.
"Catherine?!"
Sa hallway ay nakasalubong ko si Tita Olivia. Napatigil ako ng panandalian, habang siya ay gulat na nakatitig lamang sa'kin.
"Sorry po Tita, pero kailangan ko na po talagang umalis." Pakiusap ko at nilagpasan na siya bago pa man niya ako maabutan.
"Catherine! Saan ka pupunta?!" Sigaw nito at nagtawag na rin ng nurse upang habulin ako.
Na-alerto ang ibang tao sa ospital kaya naharang kaagad ako ng guard, pati na ang ibang nurses na naroon. Huminto na lamang ako, hinahabol ang paghinga.
Mahigpit nila akong hinawakan sa braso, tulad ng dati, para ikulong. Sa patuloy kong pag-iyak ay nakaramdam ako ng sakit sa tyan at hilo. Pakiramdam ko ay masusuka ako.
Ngunit nilabanan ko iyon. Ayokong malaman ni Tita Olivia na nagdadalang-tao na pala ako.
"Catherine?" Narinig ko ang boses niya, at pagtingala ko ay nasa harap ko na pala siya. Sa una ay medyo nanlalabo pa ang paningin ko, hanggang sa unti-unti na rin namang luminaw.
Tumakbo papalapit ang nurse na nakausap ko kanina, hindi siguro sedative ang naturok ko kanina kaya hindi siya nakatulog. "Buntis po siya, buntis ang pasyente." Tugon nito habang hinihingal katulad ko.
"B-buntis...?" Pagtataka ni Tita Olivia.
Agad akong natakot sa reaksyon niya. Gulat na gulat ito, at parang hindi makapaniwala.
"Buntis ka? Catherine...?"
"Tita..." Mahina kong tugon. Marahil ay iniisip niyang si Oliver na ang ama.
"Tinatanong kita! Buntis ka nga ba?!" Sa pagtaas ng boses niya ay muli na lamang akong napaluha. "Si Oliver ba?! Siya ba ang ama?!"
"H-hindi ko po alam..."
"Anong hindi mo alam?!" Ramdam ko ang galit ni Tita Olivia sa lakas ng sampal niya. Inawat na lamang siya ng ibang nurse at baka kung ano pa ang magawa niya sa'kin.
"Ma'am, ibabalik na po namin siya," sabi ng isa habang mahigpit pa rin nakahawak sa braso ko, as if papalag pa 'ko. As if may magagawa pa 'ko upang makawala.
"Anong hindi mo alam, Catherine?" Patuloy pa rin sa pagtatanong si Tita Olivia na para bang hihimatayin siya kung malaman man niya ang totoo.
At bago pa man ako tuluyang makalayo mula sa kanya ay muli itong nagsalita, "I swear I won't let you see my son anymore. Hindi mo na makikita si Oliver."
Defeated, I went back to my room. Tulala, at walang tigil ang pagtulo ng luha.
"Bibisitahin ka na lang ni Doc mamaya. Wag ka ng gumawa ng kahit ano diyan. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sabi ng nurse, lumabas, at sinigurong naka-lock ang pintuan.
Umupo ako sa kama and from there, cried to my heart's content.
BINABASA MO ANG
Catherine - her secret, her love
Romantik'The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?' Sino nga ba ang makakaalam kung paano kumilos ang puso? Paano mo matuturuan huwag mahalin ang taong alam mong makakasira sa'yo? Bagamat maraming pagsubok, Oliver and C...