Chapter 8

130 9 0
                                    

***Oliver***

Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng kaba ngayon.

It's the first day of second semester, and I know in a few days or so, we'll have to settle our OJT as fourth year students. Mabuti nga at madami namang connections si Mommy kaya hindi na 'ko mahihirapang maghanap. Pero hindi dahil sa OJT ako kinakabahan, ewan ko nga kung bakit, o baka naman excited lang ako kasi na-miss ko ang school.

"Oliver!" Narinig kong may tumawag sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Paglingon ko ay si Harlene pala. Nakangiti ito na para bang tuwang-tuwa at nakita ako. Magkaiba kasi kami ng kurso, pero parehong building ang pinapasukan namin dahil pareho kaming nasa college of Business.

"Thanks pala sa flowers na pinadala mo kaninang umaga sa bahay ha, nakaka-good vibe." Masayang sabi nito. Napakunot ang noo ko, wala naman akong pinapadalang bulaklak sa kanya nuon. And then I realized, kagagawan nanaman iyon ni Mommy.

"Ahh..." I said, speechless. Ngumiti na lamang ako at para hindi naman siya ma-offend ay kunyaring ako nga talaga ang nagbigay. "Buti naman at nagustuhan mo."

"Oo naman! Favorite ko kaya ang red. Saan mo pala nalaman? Siguro sinabi ng Mommy mo 'no." Sabi pa niya. Hindi lang niya alam, si Mommy na halos ang nanliligaw sa kanya.

"Well, alam mo namang magkaibigan mga magulang natin 'di ba." I just said. Ewan ko ba kung kabaitan pa ba 'tong pinapakita ko, o nagiging masama na dahil parang pinapaasa ko lang siya.

"Anyway, una na muna ako. May klase kasi ako ngayon. Sabay tayo mag-OJT ha? Nagkausap na rin kasi si Mommy and si Tita." She said, as expected, hanggang sa OJT ay kasama ko siya.

Nang makaalis na siya ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Harlene's a really kind girl, and as much as possible ayoko siyang lokohin. Pero ayoko rin namang i-disappoint si Mommy, especially alam na niyang may gusto ako sa pinsan ko. Baka pag-initan pa nu'n si Catherine kung nagkataon.

Lumakad na rin ako papuntang room nang sa 'di kalayuan ay napansin ko siyang nakangiti, kumakaway sa'kin. Pakiwari ko'y kanina pa siya nakatayo duon, hinihintay na mapansin ko sya't lapitan ko.

Pero, paano nangyaring andito siya? Anong ginagawa niya dito?

Sa kabila ng pagtataka ko ay masaya pa rin akong makita siya. I've been longing for her so much, kaya walang ano-ano'y hinagkan ko siya sa aking bisig. Too deep for an English-speaking like me, but it's what I really feel. I need to hug her and express just how much I miss her.

"Catherine..." Sabi ko habang hawak ang kanyang pisngi. "A-anong ginagawa mo dito? P-paano?"

"Dito na rin ako mag-aaral." Nakangiti niyang sabi. "Nasa loob rin ng University 'yung dorm ko, kaya hindi ko na kailangan pang umuwi sa amin, ang layo kaya."

Ang dami kong gustong itanong, but right now I just want to celebrate about the good news.

"Second year standing pala ako, kasi may na-credit naman akong subjects nu'ng home school pa 'ko so... 2 years pa bago maka-graduate."

"Don't worry, may isang sem pa naman ako para samahan kita dito. Tsaka unang beses mong mag-aral sa school talaga, ayoko namang mahirapan ka mag-adjust." Paliwanag ko.

"I know, kaya nga dito ako pinag-aral ni Mommy e, kasama ka." Sagot naman niya, at hinawakan ang kamay ko. "Sino pala 'yung kausap mo kanina?"

Medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakita pala niyang nag-uusap kami, bakit hindi niya 'ko nilapitan agad? At paano ko naman sasabihin na siya 'yung nireto sa'kin ni Mommy? Paano ko sasabihin na tila nahuhulog na rin ang loob sa'kin ni Harlene just because Mom keeps sending her flowers, chocolates, and such?

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon