Chapter 14

144 8 3
                                    

AN: Hi guys! I suggest you listen to the music (My heart will go on) above while reading this. Ang ganda kasi talaga, especially for the 90s kids na alam 'yung Titanic <3 <3

***

**Oliver**


"Hey, why don't we read a book?" I asked to somehow lift up the mood.

Halos 30 minutes na rin kasi akong nagbabantay sa kanya, ngunit hindi na siya muling nagsalita pa. She's laying down but not really sleeping. Natural lang naman na hindi ako mapakali sa ganitong sitwasyon kahit na gustong-gusto ko nang malaman ang mga kasagutan sa tanong ko.

Tumayo ako at kumuha ng isa sa mga libro niya. Kahit ano naman siguro ang kunin ko dito, matutuwa siya knowing she's a bookworm.

"Uhh, here's a poem written by Priscilla..." Umubo ako ng kaunti para medyo maayos ko naman itong basahin sa kanya.

Nang magsimula na akong magbasa ay dahan-dahan siyang umikot ng pwesto, paharap sa'kin. Habang nakahiga siya, kitang-kita ko pa rin ang pagkamulat ng kanyang mga mata, na para bang nagkaroon na siya ng interes sa mga sinasabi ko.

"My heart has always recognized you as its most beloved..." I am so not used to these kind of poem, but for the sake of her, I tried to add some emotions while reading.

"...that even if we're miles apart now, we will be in each others arms again," Pagpapautuloy nito. As expected from her, memorize niya ang bawat linya. "soon in paradise when everything is eternal."

Bahagya akong napangiti, quite impressed by how she delivered the lines naturally, na para bang siya mismo 'yung main character sa story.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan, agad naman akong tumayo nang makita ko si Mommy, Daddy, at Tita Bea. Kasama nila si Aling Lita pati na rin ang tatlong nurse na mukhang kararating lamang. I know Catherine must be expecting visitors soon given her condition, but I was only anticipating for Tita Bea and Aling Lita.

"Oliver, anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ni Mommy. May halong pagkadismaya at pagtataka ang mga mukha nila nang makita ako.

"Sorry Mom, I just need to check on her." I bravely admitted. Wala na naman akong maitatago sa kanila now that they know about us.

"Oliver, leave us for a while please." Kalmado pang sabi ni Daddy bagama't kitang-kita ko na ang pagtitimpi sa kanyang mukha. Anytime by now ay baka kung ano pa ang magawa niya sa'kin kapag hind ako umalis. But literally, I didn't move.

I just can't leave Catherine.

"I will stay, Dad. This involves me too. Do whatever you want, but I will stay." Mariin kong sabi.

Nang makita nilang hindi talaga nila ako mapapaalis sa kwarto ay pumasok na lamang sila palapit sa kama ni Catherine. Inayos ng isang nurse 'yung dextrose, habang 'yung dalawa ay nag-aassist. Pinagmamasdan kong mabuti ang bawat kilos nila. Maya-maya ay inalis na ang dextrose, pagkatapos ay may hinandang gamot para sa injection.

"Bea, kailangan mo ba talagang gawin 'to sa bata?" Narinig kong tanong ni Mommy kay Tita Bea, na halos wala nang maipakitang emosyon kundi lungkot.

Namamaga na ang kanyang mga mata, tila walang humpay sa pag-iyak.

"She almost killed Richard."

Napansin ni Mommy 'yung reaksyon ko nanag marinig ko 'yun. Tita Bea is full of hatred nu'ng sinabi niyang muntik patayin ni Catherine si Tito Richard. But I don't understand.

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon