***Catherine***
Pangatlong araw na nila Oliver dito sa bahay, mamayang hapon ay aalis na sila, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap.
Ang awkward e. Tuwing nagkakasalubong kami ay agad akong umiiwas, lumalayo, na para bang isa na siya sa mga taong hindi ko makakasundo. Para na 'kong nawalan ng kaibigan dahil sa nangyari.
Bakit ba kasi ginawa niya 'yon?
Nabigla ako ng sobra, at hindi pa 'ko handa. Aaminin ko, hindi ko maiwasang kiligin tuwing sumasagi ito sa isipan ko. But the fact that we're cousins, alam kong hindi iyon tama.
"By the way, baka hindi na rin kami magtagal," Sabi ni Tito Warren habang sama-sama kaming kumakain ng lunch.
Oliver and I were both silent.
"Akala ko ba hapon pa ang uwi niyo?" Tanong naman ni Mommy.
"May pupuntahan ba kayo?" Dagdag pa ni Daddy.
"Imimeet kasi namin 'yung kasamahan ko sa trabaho," Sagot ni Tita Olivia, "We've decided kasi na nasa tamang age na naman si Oliver for arrangement, and 'yung co-worker ko na 'yun, she also has a daughter that might be the perfect match for our son."
Halos naluwa ko yata ang kinakain ko nuon.
"But don't get us wrong," Agad na sabi ni Tito, "Hindi naman namin sila ipipilit sa isa't-isa. Gusto lang namin sana ma-ensure 'yung future ni Oliver, nasa kanya pa rin ang choice."
"Bakit hindi natin subukan sa mga shareholders or business partners natin? I'm pretty sure may mga anak din sila." Sabi ni Daddy. "Itong si Catherine nga e du'n ko na lang hahanapan."
Napapalunok na lang ako ng 'di oras sa mga naririnig ko. Si Oliver naman ay parang walang reaksyon. Alam na ba niya 'yung tungkol dito kaya balewala na lang sa kanya? Kung ganu'n, bakit pa niya 'ko hinalikan?
"Yeah, we've also thought about it. Kaya lang, matagal na kasing nangungulit 'yung co-worker ko na 'to. Isa rin naman siya sa investors ng school, she also has a good reputation so, we might as well try." Paliwanag ni Tita Olivia, "And it's up to Oliver kung gusto niya talagang i-pursue."
Paano kapag ako pa rin ang pinili niya? Shocks, I was almost crying. Bakit ko ba nararamdaman 'to, samantalang pinagtabuyan ko siya?
***
"Oliver..."
Naglakas loob na 'kong pumasok sa kanyang kwarto habang abala na siya sa pag-iimpake. I bit my lip sa sobrang kaba.
Nakakahiya, halos wala na 'kong mukhang maihaharap sa kanya but I still tried otherwise. Napatingin lang siya sa'kin ng sandali at saka pinagpatuloy ang ginagawa na para bang isa na lamang akong hangin na dumaan.
"Sorry, about the other day..." Sabi ko. Sorry kasi sinampal ko siya. I knew how hurt he must be, and I just ignored it. But now I'm regretting everthing.
"Sorry din." Matipid nitong sagot, still busy with his stuffs.
Napalunok na lamang ako at naisip na lumabas na lang. At least nakahingi na 'ko ng tawad sa kanya. "Uhm... ingat ka... bye."
Pagkasabi ko nuon, at pagka-bukas ko muli ng pinto ay bigla niya 'kong hinawakan sa braso at hinila sa loob. He then closed the door, locked it, and stared at me.
"I know you have something to say. Sabihin mo na, while it's not too late." Seryoso nitong tugon.
Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Halong kaba, takot, at kilig nanaman ang sa tingin kong dumadaloy sa'kin ngayon. Paano ko nga ba sasabihin na mahal ko din siya, na nabigla lang ako kaya ko siya nasampal, na hindi kami pwede kasi magpinsan kami?!
"W-wala... I just want to say goodbye..." Mahina kong sabi, and gradually, he loosened his grip. Napanghinaan nanaman ako ng loob.
"Thanks, bye..." Sagot naman niya, na tila nadismaya sa sagot ko. Binuksan nito ang pinto, senyales na maaari na 'kong lumabas.
Tumango lamang ako, saka niya binalikan ang kanyang mga gamit. Ngunit hindi pa 'ko nakakalabas nang parang may nagtulak na lang sa'kin pabalik, as if all of a sudden I had the guts to hug him behind.
"I'm sorry..." Naiiyak ko nang sabi at mas hinigpitan ang pagyakap sa kanya. I didn't want him to turn around, I didn't want him to see me crying. "Sorry kasi sinaktan kita... hindi ko masabi 'yung gusto kong sabihin sa'yo... sorry because I'm too weak. Alam kong mali 'to, but I'm really happy when you're around. Alam kong mali na magkagusto sa'yo, na mahalin ka... pero paano ko maiiwasan? It's what I feel."
There, I said it. Nasabi ko na, kasi tama naman siya e, habang hindi pa huli ang lahat, mabuti pang aminin ko na.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko mula sa kanyang bewang at umikot paharap sa'kin. He looked confused, but hopeful.
"You... love me?" Kinakabahan niyang tanong.
Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya saka muling sinabi, "I'm sorry..."
Inangat niya ang mukha ko habang nakahawak sa dalawang pisngi ko.
"Tama ba 'yung narinig ko, Catherine? You love me?" Muli niyang tanong. Tumango na lamang ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha. And then gradually, he wrapped his arms around me.
"I love you too." Bulong niya.
Para akong nawalan ng tinik sa puso ko. Hindi ko na inisip 'yung mga consequence na haharapin namin dahil dito, hindi ko na inisip na mali, na bawal, hindi ko na inisip 'yung mga taong masasaktan namin... right now it's just him and I, just the two of us.
BINABASA MO ANG
Catherine - her secret, her love
Romance'The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?' Sino nga ba ang makakaalam kung paano kumilos ang puso? Paano mo matuturuan huwag mahalin ang taong alam mong makakasira sa'yo? Bagamat maraming pagsubok, Oliver and C...