Chapter 11

142 11 5
                                    

***Oliver***

Gabi na nang magising ako. I checked the time, it's almost 11 in the evening.

I just love how she cuddles herself to me. Mahimbing ang pagkakatulog niya, and I seriously don't want to ruin the moment. Kung pwede lang e habang buhay na kaming ganito.

Binaba ko ng onti ang sarili ko para matitigan siyang mabuti. I tried searching for any similar features of Tita Bea and Tito Richard, but I realized ibang-iba pala talaga ang mukha niya. Maybe she looks like her grandparents? But then I guess it doesn't matter. We still have to face the fact that we're cousins.

Napakunot ang kanyang noo, slightly stirring from her sleep. I gently ran my fingers down her spine and pulled her closer to me.

Napangiti ito, which mean she's awake now.

"Can we just stay like this, forever?" Tanong nito at bahagyang minulat ang kanyang mata.

"Soon, we will..." I can't promise right now, but I know, and I'm being hopeful, that we stand a chance.

"Baka hinahanap ka na sainyo?" Pag-aalala niya at itinayo ang sarili.

Umupo na rin ako, kinuha ang mga damit, saka inayos ang sarili. Maging siya ay nagbihis na rin. Hindi ko na nga halos maisip pa'ng umalis at bumalik sa bahay. I'd rather stay here, with her.

Muli kong inilapat ang kamay ko sa kanyang noo to check her temperature. Bumaba na nga ang lagnat niya, kaya mas kampante na 'ko ngayon.

"Uuwi na ba tayo?" Malungkot nitong tanong. And with that, I figured she doesn't want to. Katulad ko, ayaw pa niyang mapalayo sa'kin. Katulad ko, she doesn't want to end this night yet.

"Let's go out for a walk." Sagot ko.

Kinuha ko ang jacket at ibinalot ito sa kanya lalo pa't medyo malamig sa labas at baka mabinat pa siya. I then hold her hand, helped her up, and opened the door for the both of us.

Sa ngayon ay walang ibang laman ang isip ko kundi siya, at 'yung masayang oras na pagsasaluhan namin. But then I guess I was too overwhelmed to think of the possibilities. Siguro ay masyado akong naging kampante kaya hindi ko na naisip ang posibilidad na mahuli kami.

Yes, you read it right. In front of us, is Mom and Dad. Nakaupo lang sa sofa si Daddy na tila malalim ang iniisip, habang si Mommy ay palakad lakad at napahinto na lamang nang makita kami.

Pareho naming inalis ang magkahawak naming kamay, both frozen by the glares we're receiving. Kung pwede lang kumaripas ng takbo para takasan ang kahihiyan na 'to e... kaso hindi naman sila ibang tao, at hindi kami fugitive para gawin 'yon. They're my parents, and I am their only son.

Napatayo si Daddy nang makita kami at agad akong hinila, only to hit me hard. Napatumba ako at napahawak sa halos namanhid kong pisngi.

"Warren!" Sigaw ni Mommy na marahil ay kanina pa nag-aalala.

Hinawakan nito ang balikat ni Daddy, na kung hindi pa napigilan ay gusto pa 'kong banatan. Napaatras si Catherine at sa gulat niya ay napatakip sa kanyang mukha. I wanted to hold her and take her out of here, but I know it will just add wood to the fire, and I'm old enough to figure out it's disrespectful.

"Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa isip mo e!" Muli nitong sambit habang nanlilisik ang mata. "Sarili mong pinsan, Oliver!"

"Warren... ako nang kakausap sa mga bata." Mahinahong sabi ni Mommy, though I can see pain and worry in her eyes. "Sige na, please."

"Kausapin mo 'yan nang tumino! Hindi uuwi nang bahay, tapos malalaman lang nating inuwi ang pinsan niya." Ngayon ko lang nakitang magkaganito si Daddy. Kulang na lang ay ipatapon niya 'ko sa malayong lugar at itakwil bilang anak niya.

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon