***Catherine***
"Teka! Hintayin mo naman ako!" Sigaw niya mula sa likod ko. Nang payagan kasi kami lumabas ay agad na 'kong tumakbo na para bang nakawala sa hawla. Mom seems to trust Oliver anyway, kaya hinayaan na rin niyang makapag-unwind muna ako.
Tumawa lamang ako at mas lalong binilisan ang takbo ko. Akalain mo 'yun, kalalaki niyang tao e hindi ako mahabol.
Nang maabot ko ang swing ay agad akong sumampa. Para talaga akong bata kapag kasama ko ang nag-iisang playmate at kaibigan ko.
"Nauna ako ngayon!" Proud ko pang sabi. Masyado lang akong masaya na ngayong malaki na kami, para pa rin kaming batang naghahabulan sa playground, but this time, mas mabilis ako.
"Nah, I just let you won. Baka kasi umiyak ka kapag inunahan nanaman kita." Pagyayabang pa niya saka umupo sa kabilang swing.
"Talaga lang ha. Sino kaya ang uto-uto nuon dahil hindi marunong mag-Tagalog." Sumbat ko nang maalala ko kung paano siya pinagtripan nu'ng mga batang nakilaro sa amin nuon.
Nakakatawa nang isipin ngayon, ngunit nu'ng mga bata pa kami, nakakaawa siya pagmasdan. But still, he defended me; he protected me from those bullies kahit na hindi pa niya naiintindihan ang mga pagkantsaw sa kanya.
"At least I'm not weak." Tugon nito, tumayo mula sa swing, at tinulak naman ang sa akin. I love it when he does this. Para akong ibong nakakalipad, lalo pa't ang lakas ng tulak niya at halos matilapon na 'ko.
"Oli ano ba! Mahuhulog na 'ko!" Natatawa kong sigaw, habang siya ay tila nang-aasar pa din.
"Onti na lang iiyak na'ko!" Muli kong sigaw, this time, agad na niyang hininto ito. One good thing about him is that, he would never hurt me.
"Sorry na..." Sabi niya at humarap sa'kin. Effective ang pagdadrama ko, though I feel guilty kasi halata sa mukha niya ang konsensya.
"You fell for it." Tumawa ako habang nakatingin pa rin sa worried expression niya. Bakit nga ba sa harap lang niya lumalabas ang pagkakulit ko?
Hindi ito nagsalita, but he was still looking at me. Dahan-dahan itong lumapit sa'kin, hanggang sa hindi ko na namalayan na sobrang lapit na pala ng kanyang mukha.
I stopped laughing at once.
Ganito ba ang pakiramdam ng sobrang lakas ng tibok ng puso? Halos hindi ka makahinga, halos hindi ka makapagsalita... ganito nga ba ang pakiramdam ng pusong nagmamahal?
Sa dinami-rami ng historical books na nabasa ko, alam kong legal nuon ang marriage within relatives. Their love wasn't illegal nor forbidden. Ngunit sa panahon namin, baki hindi na kami pwede? I know how absurd my thoughts were, I just can't help but think of all the possibilities.
"O-oli..." Nauutal kong sabi; sa sobrang awkward na ay hindi na 'ko makapagsalita.
Ngumiti ito at lumayo sa'kin, pagkatapos ay tumawa ng pagkalakas-lakas. So he did it para gantihan ako?
"You fell for it!" Tawang-tawa nitong sabi, oviously ginaya ang line ko.
"Ugh. I hate you!" I groaned habang pinagsusuntok siya sa balikat. Nakakainis kasi, pahiyang-pahiya ako du'n.
"I love you too." He said... what?
Napatigil ako duon at, siguro, namula nanaman. Sira ba ang tenga ko, o sadyang mali lang ang rinig ko?
"A-ano...?" Tanong ko pa as if gusto ko namang ulitin niya.
"Sorry, 'di na pwedeng ulitin." He teased even more. Why would he say that to me, anyway?
"Okay, kunwari na lang 'di ko narinig." Sagot ko saka bumalik sa swing. Whatever he said, alam kong hindi iyon tama.
Napabuntong hininga ito at tumigil na sa katatawa. Muli siyang umupo sa kabilang swing at tulad ko ay marahang dinuyan ang sarili.
"Yeah, you should never hear those words from me." He confessed, suddenly.
"Uh, bakit naman?" Tanong ko pa, kunwari talaga walang alam.
"Because I don't stand a chance. Hindi pwede." Sagot nito. Napaisip tuloy ako, talaga ba'ng umaamin na siya sa'kin? Talaga ba'ng mahal niya ako?
"Teka Oliver, pinsan mo ako." Paglilinaw ko sa kanya.
"I know, ano ba'ng iniisip mo?" He denied, again, laughing. "C'mon, Catherine, you're my best friend, my best cousin... kahit na bihira lang tayong magkita. Of course I love you. Binibiro lang naman kita."
Maniniwala na sana akong biro nga iyon, pero marunong din naman akong bumasa ng emosyon ng tao. I know he was being sincere. Kung hindi ko ba pinaalala sa kanyang mag-pinsan kami, hindi ba niya babawiin ang lahat?
"Bumalik na nga tayo sa loob, baka hinahanap na'ko ni Mommy." Medyo naiinis ko pa'ng sabi. Tumayo ako at nauna nang lumakad, ngunit agad din siyang sumunod sa'kin.
"Paunahan ulit?" Paghahamon pa niya. Parang bata talaga.
"Ayoko mayabang ka e." I said, so he held my hand instead at hinila nanaman ako patakbo.
***
Pagdating namin sa bahay ay nasa sala na silang lahat, si Mommy at Daddy, pati na rin sila Tita Olivia at Tito Warren. Naka-on ang TV ngunit nagkukwentuhan pa rin sila.
"Oh, anak..." Bati sa'kin ni Mommy ngunit agad namang napahinto pagkakita sa'min ni Oliver. Maging sila Tita ay napatitig sa amin, as if something's wrong about us. Nagulat na lang ako nang alisin ni Oliver ang pagkakahawak sa kamay ko.
We were holding hands, at nakita nilang lahat iyon.
Tumayo si Tita Olivia at nilapitan kami. "Hindi ba parang nu'ng mga bata lang sila? They were so close back then." Komento nito kaya parang nawala ang awkwardness kahit papaano. "Osya, magpahinga muna kayo?"
"Mom, I'm fine." Sabi ni Oli dahil as usual, pinupunasan nanaman siya ni Tita na parang bata.
"Catherine, samahan na muna natin si Oliver sa guest room, and then you rest as well." Dagdag pa ni Mommy. Nagpaalam muna kami kay Daddy at kay Tito Warren saka sumunod na lang.
18 years old na 'ko, but I'm never treated as an adult. Pagkaalis nila Mommy ay bumalik ako sa guest room, kung saan nagbibihis pa si Oliver.
"Hey!" Gulat nitong sabi at tinakpan ang sarili. "Don't you even know how to knock?"
Tumawa lang ako at inimitate pa siya kung paano ako batiin sa kwarto tuwing dumadating siya. "Hello?" Pang-aasar ko.
"As if namang may itatago ka." I said, but turned my back otherwise.
"Bakit ka andito, mamaya makita ka pa ng Mommy mo." Sabi nito nang makaharap na 'ko dahil tapos na siyang magbihis.
"Guest ka naman dito e, anytime pwede kitang bisitahin."
"Ah ganun, I guess I just have to lock the door from now on." Paghahamon pa niya, kaya inunahan ko na siya sa pag-lock at baka palayasin pa 'ko dito. Minsan na lang naman ako magkaroon ng kaibigan sa bahay, kaya siguro sabik din akong makasama siya.
"Hindi mo 'ko mapapalabas." Natatawa kong sabi, until I realized he was doing it again... that stare, and that close distance between us.
BINABASA MO ANG
Catherine - her secret, her love
Romance'The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?' Sino nga ba ang makakaalam kung paano kumilos ang puso? Paano mo matuturuan huwag mahalin ang taong alam mong makakasira sa'yo? Bagamat maraming pagsubok, Oliver and C...