Chapter 9

117 9 8
                                    

***Catherine***

I never have anyone to claim as my own. My parents are not my parents, and my boyfriend might end up marrying another girl.

Buong gabi lang akong nakaupo sa study table ko, kahit wala pa namang kailangan aralin. Pakiramdam ko ay nababaliw na 'ko kakaisip. Sanay naman akong walang kasama sa kwarto, pero bakit ngayon, I feel so alone.

Pakiramdam ko nawala na ang lahat sa'kin nang nalaman kong ampon ako. Chineck ko ang aking cellphone, wala man lang text o tawag mula kay Mommy. Talaga bang kinalimutan na niya 'ko?

Ilang sandali pa ay pumasok 'yung caretaker, may bisita daw ako sa labas. Nag-ayos lang ako ng onti at baka si Oliver 'yun dahil hindi naman sila nagpapapasok ng lalaki sa loob. Ngunit paglabas ko, si Richard pala.

"Daddy..." Nahihiya kong sabi. I only address him as that 'daddy' because I respect him at 'yun ang tinuro sa'kin, but I don't really consider him as the father who stood up for me.

"Let's talk." Seryoso nitong sabi at pinasakay ako sa kotse. Pinaalam na daw niya 'ko sa caretaker, at ihahatid na rin niya 'ko pauwi.

"Nag-usap na kami ni Bea. Pumayag na siya." Sabi nito saka binuksan ang makina.

Napatingin ako sa kanya. Alam kong nasiraan lang ako ng bait nu'ng araw na 'yun, pero hindi ko akalain na papayag si Mommy samantalang nagalit siya nang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yun.

"Po?" Tanong ko.

"I never look at you as my daughter, Catherine. So it would be easier for me. Besides, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na handa mong gawin 'to?"

I can't believe him. I really can't. Pero totoo naman ang sinasabi niya, ako ang nagtulak sa sarili kong gawin 'to. Nang dahil sa kahibangan ko'y iaalay ko ang sarili ko sa tatay-tatayan ko.

"Paano po 'yung pag-aaral ko?" I asked, silently.

"Once you're pregnant, you'll stay with us."

And with that, we went straight to hotel.

***

Kinabukasan, pinilit ko pa ring pumasok bagamat wala na 'ko halos sa sarili ko. Alam ko ang nangyari kagabi...isang bangungot na malapit nang kunin ang pagkatao ko.

"Good morning!" Bati sa'kin ng isang gwapong lalaki pagkalabas na pagkalabas ko sa dorm. Napakunot ang noo ko at nakatitig lamang sa kanya. Ang ganda ng mga bulaklak, pero ewan ko ba, parang walang dating sa'kin.

"I personally bought these flowers to you. Buti nga ngayon pwede na nating gawin 'to, unlike nuon na hanggang Facebook o skype lang." He said, and when he noticed my troubled face, he asked, "Catherine, hindi mo ba nagustuhan? Gusto mo bang palitan ko?"

"Hindi... thank you, Oliver." Sabi ko at tinaggap 'yung bouquet. Hindi ko akalain na muntik ko pang makalimutan ang pangalan niya.

"Nagbreakfast ka na ba? You don't look okay." Wika nya sabay tapik sa pisngi ko. Sa gulat ko'y agad kong inalis ang kamay niya na para bang pakiramdam ko ay nahaharass na 'ko.

Pati siya ay nagulat sa ginawa ko.

"C-catherine," Nauutal nitong sabi, "What's wrong?"

"Huh?" Pagbabalik ko ng tanong as if bumalik na 'ko sa katinuan. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari. Para na 'kong nasisiraan ng bait.

"May nangyari ba?" Muli niyang tanong. Kitang-kita ko ang concern sa mga mata niya. "Catherine, sabihin mo, may nangyari ba?" Mas seryoso na ang tanong niya. Kaunti na lang ay pagtataasan na niya 'ko ng boses, hanggang sa tuluyan na 'kong napaiyak.

Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon, at wala akong ibang alam para bawasan ito kundi umiyak. I cried in his arms, knowing he's the only one who could help me.

***

Sa klase ay tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay sa professor. Ang iba kong kaklase, mas piniling i-entertain ang mga sarili sa pag-iingay o kaya gamit ang kani-kanilang gadgets. Gusto kong magbasa ng libro, ngunit hindi ko magawa. Katulad kanina ay nakatulala lamang ako.

"Uy, Catherine, right?" Tanong ng isang babae malapit sa'kin. Kanina pa siya nakikipag-usap sa dalawa pa niyang kaibigan, pero nagsawa siguro sa pinagkukwentuhan kaya gustong usisain ang buhay ko.

Tumingin ako sa kanya, bahagyang ngumiti, at saka tumango.

"Hindi ba pinsan mo si Oliver? Pareho kasi kayo ng surname."

"Kapag pareho ba ng surname, magkamag-anak na?" Tanong ko.

"Ah," Sagot niya na para bang nawiweirduhan na yata sa expressionless kong mukha. "Napapansin kasi ng mga nakakakilala kay Oliver na parang kayo. E sa pagkakaalam ng lahat, magpinsan kayo."

"Oo nga, tsaka ang alam ko nililigawan niya si Harlene." Dagdag pa ng isa niyang kasama. Sabi ko na e, na-bored lang sila sa pinag-uusapan nila kanina kaya ako na ang inusisa.

"Hindi niya nilligawan si Harlene." Sagot ko na lang dahil 'yun ang alam ko.

"So kayo nga? Girlfriend ka niya?"

"Oo."

Tila nagulat ang tatlo sa pag-amin ko. Akala ko ba napapansin na nilang intimate ang relasyon namin? E bakit ganu'n sila maka-react? Dahil magpinsan kami? Maniniwala ba sila sa'kin kapag pinagpilitan ko pang hindi nga kami magpinsan?

"Sabi ko na e, pinaasa lang niya si Ate Harlene." Komento niya at nag-agree naman ang dalawa.

"Hindi niya niligawan si Harlene. Sinabi niya sa'kin na hindi. Pinagkasundo lang sila, pero ako ang mahal ni Oliver."

"Girl, chill!" Bigla niyang sabi ngunit halos nag-iinit na ang ulo ko. "Kung 'yan gusto mo paniwalaan, edi go. Sinasabi lang naman namin 'yung mga nalaman namin. Tsaka kanina ka pa nga namin gustong kaibiganin e, ang suplada mo naman." Sambit niya habang nakakunot ang noo.

"Anong pangalan mo?" Kung magkakaroon lang din ako ng kaibigan, dapat alam ko ang pangalan niya.

Napatitig sila ng masama sa'kin, hindi ko alam kung bakit parang natakot sila bigla sa tanong ko.

"I'm Jasmine..." Pabulong niyang sabi. "Sigurado ka ba gusto mong makipagkaibigan niyan?"

"Baka naman gusto mo kaming kulamin." Pagbibiro pa ng isa saka nag-iba ng topic. Pati si Jasmine ay nakinig na lang din sa dalawang kaibigan, though maya't-maya pa rin ang lingon sa'kin na para bang may pangambang gagawan ko siya ng masama.

As if namang may kaya akong gawin? Isa lang akong babaeng pinagkaitan ng sariling buhay.

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon