Chapter 12

120 12 2
                                    

**Catherine**


What are prayers for, kung ang napangasawa mo naman e hayop?

Pagpasok ko pa lang ng bahay, si mommy agad ang una kong nakasalubong. Nakaupo lamang siya sa sofa habang taimtim pa rin na nananalangin. Ano nanaman ba ang hinihiling niya sa Diyos? Na maging maayos silang mag-asawa, na sana magdalang tao na 'ko masabi lang na may anak silang hindi ampon?

"Hi, Mommy." Bati ko bagama't ineexpect ko nang hindi niya 'ko gustong makita o makausap.

Pagkamulat ng kanyang mga mata ay kitang-kita ang pagkapula nito. Siguro'y walang humpay nanaman ang pag-iyak nito. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Sorry po..." Mahina kong tugon, kahit papaano'y alam kong wala akong mukhang maihaharap sa kanya, kahit na nagkagulo na at pinayagan niyang mangyari sa'min 'yun ni Daddy.

"Kagagaling ko lang sa ospital, nasa kritikal na kundisyon ang Daddy mo." Hindi na niya halos nabigkas ng maayos ang ilang salita dahil tuluyan nanaman siyang napahikbi.

Unti-unti na rin akong nabalutan ng pag-aalala. Noong isang gabi lang ay kasama ko siya, paano mangyayari 'yung sinasabi ni Mommy?

"Kailan pa po? Alam na po ba 'to nila Tito Warren?" Tanong ko. Marahil ay isa rin sa mga rason kung bakit galit na galit si Tito kanina ay dahil nalaman na niya ang kundisyon ng kanyang kapatid.

"Hindi pa, ngayon ko lang din nalaman, nu'ng tinawagan ako ng ospital."

"Bakit hindi niyo pa po siya pinupuntahan?"

Napailing si mommy sa tanong ko. Pakiwari ko'y inuunahan nanaman siya ng takot dahil hindi nga siya sanay sa labas.

Napabuntong-hingi ito at saka sinabing, "baka hindi ko kayanin. Ngayon pa nga lang, kapag naiisip ko kung anong kalagayan niya, anong itsura niya, baka himatayin na 'ko."

"Sasamahan ko po kayo. Wala naman pong mangyayari kung uunahan kayo ng takot, 'di ba?" Sambit ko.

Maya-maya pa ay nakumbinsi ko rin siyang pumunta na sa ospital. Kahit ako ay kinakabahan na rin, ngunit iba 'yung kabang nararamdaman ko. Kaba na gawa ng hinalang ako ang may kasalanan kung bakit may masamang nangyari kay Daddy.

***

Pagdating namin sa ospital ay hindi lamang mga doktor at nurses ang naroon. May dalawang pulis at ilang reporter ang nakaantabay rin sa tapat ng kwarto.

"Ma'am, kayo po ba ang pamilya ng pasyente, asawa ni Mr. De Verde?" Tanong ng pulis sabay lapit din ng dalawang reporter.

Bahagya lamang napatango si Mommy. Ramdam kong hindi pa niya kayang makipag-usap kaya inalalayan ko na ulit siya papasok nang harangin naman kami ng pulis. Hindi ba kasama sa training nilang rumespeto muna bago gawin ang trabaho?

"Sorry Ma'am, pero may kailangan ho muna kayong malaman. Malaki po ang ebidensyang may foul play na naganap sa aksidente."

Nanlaki ang mga mata ni Mommy. Hindi ito makapaniwala sa narinig, tanging galit at pagkalumo ang bumalot sa mukha niyang kanina ay puno ng lungkot at pag-aalala.

"P-paanong foul play? A-anong ebidensya...sino?" Pautal-utal na sabi ni Mommy.

Kinuha ng isang pulis mula sa bag ang dalawang gamit na nasa loob ng plastic. 'Yung isa ay hugis gas bomb, at yung isa naman ay sirang cellphone ni Daddy.

"Nakatanggap kami ng text mula sa cellphone na 'to, saktong alas dos imedia ng madaling araw. Nakalagay 'yung eksaktong address kung saan namin nahanap ang pinangyarihan ng aksidente."

Agad namang umantabay ang dalawang reporter upang malaman din kung anong isasagot ni Mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bigat ng naramdaman ko nang marinig ko 'yon. Sino naman ang gagawa ng ganu'ng bagay?

Ilang sandali pa ay halos hindi ko na maintindihan kung anong pinag-uusapan nila kaya nagpaalam muna ako kay Mommy na kung pwede ay pumasok na 'ko sa loob. Gusto ko na rin makita ang kalagayan ni Daddy.

Pagpasok ko naman sa loob ay may nurse pa akong naabutan.

"Kamag-anak ka ho ng pasyente?" Tanong nito.

Tumang-tango ako at napaupo agad sa sofa.

"Ayos ka lang hija? May kasama ka ba?"

"Opo, nasa labas po si Mommy. Ako na po muna ang magbabantay kay Daddy." Sagot ko na lang at pinilit pa rin ngumiti kahit na medyo masama na talaga ang pakiramdam ko.

"Osige, parating na rin naman si Doc para kausapin ang Mommy mo. Kapag may kailangan pa, pindutin mo lang 'yung button du'n ha?" Malumanay niyang sabi, niligpit ang kanyang gamit, at saka na 'ko iniwan.

Bakit ang tagal naman ng usapan nila sa labas? Kung sa bagay, napaka-importante nga naman ng dapat pag-usapan. Buhay rin ni Daddy ang nakataya dito. Paano kung balikan siya nu'ng taong gustong pumatay sa kanya, at madamay pa pati si Mommy?

Pabigay na sana ang mga mata ko nang may narinig akong ungol. Tumayo ako at lumakad palapit kay Daddy. Isang galaw ng kanyang daliri ang nagpapahiwatig na gumising ito.

Napatitig ako sa emergency button, at sa orasang katabi nito. Ilang segundo pa ay tila halo-halong bulong na ang mga naririnig ko.

Anong gagawin mo, Catherine?

Hindi ba dapat tawagin mo na 'yung nurse at ang Mommy mo?

Hindi ba isa itong magandang balita na may pag-asang mabuhay ang Daddy mo?

Pero Daddy mo nga ba talaga siya? Ampon ka lang, 'di ba?

Hindi ba ikaw rin naman ang may kagagawan ng aksidente?

Paano kapag nabuhay siya, edi nabuking ka na?

Edi mas lalong hindi na kayo magkakatuluyan ni Oliver?

Isipin mo, Catherine, mabubulok ka sa kulungan ng mga baliw.

Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Alas dos imedia na!

Kumilos ka na kung ayaw mong mahuli!

Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako mamamatay tao.


***

AN: Hi guys! Sorry po talaga at sobrang bagal ko mag-update. Huhuhuh. Nakalimutan ko din kung ano bang surname ang ginamit ko sa pamilya nila Richard/Warren kaya nag-imbento na lang ulit ako ngayon. hahaha. I'll update soon po again <3 Lovelots :*



Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon