***Oliver***
Hindi ako manhid para hindi isiping okay si Catherine. I know something's wrong... that something is bothering her. Hanggang sa paghatid ko sa kanyang klase ay balisa siya. Sometimes she won't even look at me and would just whisper something. But sometimes she also looks fine, like she's back to being normal.
Natatakot na 'ko para sa kanya, ngunit kahit anong pangungulit ko ay wala siyang maisagot. Buong araw ko na yatang iniisip 'to, na pati usapan namin ni Harlene e muntik ko nang makalimutan. Sasamahan kasi kami ng Mommy niyang maghanap ng company for OJT, but she hasn't texted me so I've decided to just wait her in the hallway, in front of her room.
Bahagya akong sumilip sa bintana ng pintuan, and I found out na hindi naman sila nagkaklase. I fact, tatlong estudyante na lang ang nasa loob, wala din 'yung professors, pero may mga gamit.
I then knocked and slowly opened the door. "Exuse me, classmate niyo si Harlene, 'di ba?" Pagkatanong ko nu'n ay nagkatinginan silang tatlo as if I said something weird.
Nang tumingin sa'kin ang isa, napansin ko ang pamumula ng kanyang mata, na para bang kanina pa siya umiiyak.
"Uhm, wala ba siya dito?" I asked again when I didn't get any answers.
"Wala na po si Harlene." Biglang sabi ng isang babae, utterly hesitant and seems to regret saying it. Hanggang sa hindi na rin niya napigilan ang sarili. Tuluyan na rin siyang napaiyak.
Napakunot ako ng noo, call me slow or what but I'm really not getting it. "P-paanong... pa'nong wala na?"
"Lumabas silang lahat para tignan kung anong nangyari. Tumalon daw siya sa rooftop... hindi namin kayang makita kaya..." Pagpapatuloy nito, still trying her best to explain despite her sobs, "kaya we stayed. Sa building lang natin nangyari 'to."
Halos nandilim ang pandinig ko. Hindi ko na narinig pa 'yung mga sinabi nila, maging ang pag-iyak nila. All I have now is emptiness, and questions that might never be answered.
Anong nangyari?
Did I provoke her?
Was it my fault, kung bakit niya ginawa 'yun?
Nagmamadali akong lumalakad papunta sa taas, at sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng buong katawan ko. Hindi ko maintindihan. It's as if a part of me has been shut down. I know we didn't talk so much, but for goodness's sake, she's still a friend! I know her, I've met her, I've talked to her, and now she's dead?!
Pagdating ko sa rooftop ay may nagkukumpulang mga estudyante na. Malayo pa lang ako, ramdam ko na ang tension. Call me a coward now, but I don't think I can even walk forward and look down to witness her, lifeless.
Umatras ako upang bumaba na lang ulit. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis, someone surprisingly caught my attention.
Si Catherine... isa siya sa mga estudyanteng nagkukumpulan upang masilip ang ibaba. The only difference is that, tila nakatayo na lang siya sa isang tabi at hindi nakikipagsiksikan.
Muli akong naglakas loob na lapitan siya. Hinawakan ko siya sa balikat sabay tawag ng kanyang pangalan. She gradually looked at me, her eyes filled with tears.
"Oliver..." Bulong nito. Para akong natunaw nang makita ko siyang umiiyak. Maybe she saw Harlene's lifeless body way up here kaya ganito na lang ang reaksyon niya. Maging ang ilang estudyante ay umiiyak na rin.
"Shh..." Wika ko at niyakap siya. I want to soothe her, at least. At kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam ko dahil andito siya.
"Oliver, umalis na tayo dito..." Pakiusap nito, still sobbing.
"Yes... yes." Sagot ko naman. Hindi pa rin maalis sa'kin ang pagkabahala. "We should."
Inalalayan ko siya sa paglalakad. Her whole body is obviously tensed. Malamig ang kanyang kamay, habang ang kanyang noo naman ay pinagpapawisan. Nag-alala na 'ko nang muntik na siyang matumba nang pababa kami sa hagdan. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanya, pagkatapos ay inilapat ko ang isa kong kamay sa kanyang leeg. Mataas nga ang lagnat niya.
"We need to go to the clinic." Nagmamadali kong sabi, but she refused at instant.
"Ayoko... sa dorm na lang ako." Nanghihina nitong sabi.
"Pero walang mag-aalaga sa'yo du'n." Problemado ko namang sabi. Right now, I can't and I shouldn't take my eyes off her. I know she's suffering from something that she obviously can't tell. Ayokong matulad pa siya sa mapait na dinanas ni Harlene. Ayokong may mangyari ding masama sa kanya. Because if it's Catherine who died, I don't think I will survive either.
Sinakay ko muna siya sa sasakyan para dalhin sa guest house na kalapit-bahay lang din namin. My Mom won't be happy to see us together, but I also can't just leave her by herself so I'm doing the safest choice. Wala pa naman kaming guest kaya duon ko muna papatuluyin si Catherine, or I might as well just stay with her. Basta alam kong hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa.
"Saan tayo pupunta?" Mahina nitong sabi nang medyo malapit na kami. Kitang-kita ang pamumutla niya, kaya naman sobrang bilis na ng pagmamaneho ko.
"Just hang in there, Catherine." Pakiusap ko, squeezing her hand.
Pagkapark ko ng sasakyan ay agad akong tumakbo palabas para buksan 'yung pintuan. Buti at may duplicate ako ng susi kaya hindi ko na kailangan pang magpaalam.
Binalikan ko si Catherine sa loob para buhatin na sana, but she insisted na kaya niya. She managed to stand up, but I made sure I'm backing her up.
"Okay lang naman ako, Oliver. Gusto ko lang magpahinga." Sabi pa niya, though in fact, she's so sick.
Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama, kinumutan, saka lumabas ulit para kumuha ng gamit. Good thing about our guest house is kumpleto ito sa gamit. Pati first aid kid ay meron. Halos every week naman kasing may pinapatuloy sila Mommy dito.
"Inumin mo muna 'tong gamot para bumaba naman ang lagnat mo." Mahinahon kong sabi saka nilapag ang tubig sa lamesa. Inalalayan ko siyang umupo, and then helped her drink the medicine.
"Ano ba kasing ginawa mo at ganyan na kataas ang lagnat mo?" I asked, though I doubt if she would tell me.
"Sorry..." Malungkot nitong sabi, trying to hold back her tears, but still she ended up crying.
"Catherine..." It really breaks me, seeing my girl cry.
"Sorry, Oliver. Magiging pabigat lang ako sa'yo..."
Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya 'yun, but it's not gonna work for me. It's not gonna make me leave her.
"Shh," I breathed, holding her face this time. "Don't think about anything for now, okay? Hindi ka pabigat, Catherine. Kung ano man 'yang gumugulo sa'yo ngayon, you can tell me. If not now you can't, then I'll wait. I'm here to comfort you at least."
She then leans her head on my chest and wraps her arms around me. The scent of her makes me want to stay forever.
"I love you, Catherine." I whispered through her ear, slowly planting kisses to her lips, down to her neck.
"I love you too." Mahina niyang tugon, at sa bawat paghalik ko ay mas napapakapit siya ng mahigpit sa'kin, as if she longs for this too.
I lay her down once again, allowing our desires to consume us right here, right now, and for a period of time, forget what has happened.
BINABASA MO ANG
Catherine - her secret, her love
Romance'The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?' Sino nga ba ang makakaalam kung paano kumilos ang puso? Paano mo matuturuan huwag mahalin ang taong alam mong makakasira sa'yo? Bagamat maraming pagsubok, Oliver and C...