Chapter 3
Irina
Kinabukasan ay na late ako sa pagpasok. Early ako para sa second period, oo tanggap ko naman na, ang mahalaga pumasok pa rin naman ako diba. Hindi mawala sa isip ko ang usapan namin ni Troy, ayon tuloy puro Troy lang ang nasa isip ko buong klase buti na lang hindi ako tinatawag sa gitna ng klase.
"Lunch tayo! Libre ni Hash" sabi ni Miru.
"Mukha kang palibre, hampaslupa ka ba?" sabat ni Ryu.
"Pake mo ba e masarap ang libre" sagot naman ni Miru.
"Libre naman ako a, masarap din" sabi Ryu at nginiti'an si Miru sa manyak na paraan.
"Kadiri ka Ryu" sabat ni Miru at makikita mo ang disgusto sa mukha niya at umaakto pa siyang nasusuka.
"Sanji bili moko ice cream" sabi ko kay Sanji na nananahimik.
"Ako na naman ang nakita mo" pailing iling na sabi ni Sanji.
"Sige na, yung chocolate hehe" sabi ko, hindi siya sumagot at sinamahan si Hash na mag order.
"Panget mo pala mag pa cute Irina" tawang tawa na sabi ni Ryu.
"Kesa naman sa'yo mukhang manyakis" sagot ko kay Ryu at bigla namang humagalpak sa tawa si Miru habang hinahampas hampas pa yung lamesa.
"Wow Miru, tawang tawa. Nakakatawa yon?" natawa din ako kasi napikon si Ryu.
"Pikon ka na niyan?" natatawa pa ring sabi ni Miru pero hindi na siya pinansin ni Ryu at nakasimangot na lang ito sa gilid niya.
Sakto namang dumating si Hash na may dalang lunch tapos si Sanji na may bitbit na dessert.
"Wow yayamanin ka talaga Sanji" sabi ni Miru.
"Tumahimik ka ngang buraot ka, pag untugin ko kayo ni Ryu diyan e" sabi ni Sanji at umupo sa tabi ko.
"Tanginang yan Sanji, ako na naman e nananahimik na nga ako dito" inis na sabi ni Ryu.
"Tumahimik na nga kayo at magsikain na tayo, napaka annoying niyo" sabat ni Hash.
"Arte mo, Hash" sabay na sabi namin ni Sanji, Miru at Ryu.
Pagkatapos naming mag bardagulan ay agad na kaming kumain, tahimik lang kami habang kumakain, hindi naman halata na patay gutom kaming lima diba. Pagkatapos naman naming kumain ay saktong nag ring yung bell kaya nagsipasok na kami sa mga klase namin.
Ilang oras na lang at magde-date na naman kami ni Troy my love so sweet. Kadiri, Irina. Pero totoo naman, mamamasyal kami ni Troy mamaya sa amusement park para naman mabigyan ko ng liwanag at kulay ang buhay niya.
Pagsapit nang uwian ay nauna akong umalis sa kanilang apat, sumibat ako kaagad papunta sa parking lot and there I saw my prince waiting for me standing beside his BMW with his arms crossed.
"Himala nauna ka sa'kin a" biro ko sa kanya. He cleared his throat as he opened the door for me.
"We just finished early"
Pumasok na ako agad at nag drive siya papunta sa amusement park na hindi kalayuan dito sa school namin. Hindi naman siya walking distance pero isang sakay lang naman ay makakarating ka na doon.
YOU ARE READING
Regret Duology 1: Endless Love
General FictionHappy ending is not meant for everybody and people might say it's not also for us but I would trade everything I have to rewrite our own happy ending. Let us find each other again in our next life. -Troy Delgado and Irina Salvacion Started: Septembe...