Chapter 17
Irina
Second day of exam. As usual 9:00 am ulit yung schedule ng exam ko at 10:30 ito matatapos. 8:00 am nasa school na ako, tumatambay kahit saan, naghahanap ng fresh air at nagre-review habang hinihintay ang oras ng exam.
Nag breakfast muna ako sa canteen at saktong may pancake sila. Kumain na lang ako ng pancake tapos uminom ng mainit na gatas at bumili ng bottled water. Stay hydrated mga anteh.
Pagpatak 8:45 ay nagsisimula na akong maglakad papunta sa building namin. Umupo na ako sa pwesto ko habang hinintay ang apat na unggoy na dumating.
"Saan tayo magla-lunch?" tanong ni Sanji.
"Puro ka pagkain, hindi ka naman nagbabayad" reklamo ni Hash.
"Kaya nga ako nagtatanong kasi ako naman ang magbabayad" sagot ni Sanji. Tama ba tong naririnig ko?
"Tama ba 'tong naririnig ko?" sabi ni Ryu. Same thoughts Ryu.
"Mamaya niyo na problemahin yan kasi nandito na yung proctor natin" sabi ko sa kanila at umayos naman sila.
When I received my test paper, I immediately started answering. Kaya naman ang test one kaya lang yung test two medyo natagalan ako situational kasi, kailangan ko pang isa-isahin yung meaning ng choices para ma explain ko sa sarili ko at ma-i-apply sa situation na binigay.
I also slayed my essay and I finished my exam within an hour. I checked if I wrote my name and if there are items na hindi ko nasagutan then tumayo na ako para ilapag sa table yung test paper ko bago lumabas ng classroom.
Habang naghihintay ako sa kanila ay nag-isip-isip na ako ng pwede naming kainan. Minsan lang manlibre itong si Sanji kaya lulubos lubusin ko na. Na-u-umay na rin ako sa pagkain sa canteen, ayaw ko mag mcdo kasi hindi pa tapos ang hell week este ang exam week. Nagsimula nang maglabasan ang mga kaklase ko at nakita kong lumabas na si Miru tsaka Hash.
"Hoy!" tawag ko sa kanila. Lumapit naman agad sila sa akin at nag suggest agad itong si Miru kung saan kami kakain.
"Unli Wings tayo" sabi ni Miru.
"Pwede pwede" sabi ko at tatango tango naman si Hash.
Pagkalabas ng dalawa ay agad na kaming umalis sa school at pinuntahan itong unli wings na sinasabi ni Miru. Hindi naman siya gaano kalayo, pero bawal lakarin, one ride lang din naman siya galing sa school.
"Order ka na Sanji" utos ko.
"Miru, siguraduhin mo na bayad na si Sanji bago tayo kumain" sabi ni Ryu. Natawa naman ako sa sinabi ni Ryu, ang lala talaga ng trust issue ng isang to.
Pagka order nila ay naghintay lang kami saglit bago dumating ang order namin at agad na namin itong nilantakan since nakakagutom talaga.
"Tangina Miru, bakit ngayon mo lang kami dinala dito" sabi ko sa kanya. Ang sarap ng wings nila dito, masarap yung timpla ng sauce tsaka affordable lang.
"Oo nga, edi sana hindi tayo nagta-tiyaga sa pagkain sa canteen" sabat naman ni Sanji. Worth it ang bayad ni Sanji sa pangkain namin. Kasi nasarapan din siya sa unli wings.
Ang dami nang nakain namin, nakakahiya man pero busog kaming lima. Malalakas kasi kami kumain lalo na kapag 'eat all you can' at kahit anong unli pa yan. Pambato ko mga tropa ko.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid nila ako pauwi sa amin at nagsi-uwian na din naman sila agad. Puro exam lang naman inatupad ko buong linggo pero pakiramdam ko pang isang bwas yung pagod na nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang likod ko na sumasakit.
Troy:
u still up?Me:
yeah, i'm studying kaso masakit ang likod ko.Troy:
can i come over? i miss uMe:
sige pero hanggang 11:00 pm ka lang ha, exam week pa rin ngayonTroy:
yes ma'am, omwI didn't bother to reply and just waited for Troy to come. Tulog na si ate Erin at si Neri, wala naman dito sina mama at papa and besides hindi pwedeng hindi ko makita ang taong ito. Maya maya pa ay dumating na din ito.
"I brought you some snacks" he said as he handed me a few bags. He brought me some chocolates and some ice cream.
"aw thanks, troy" I said as I kissed him on his cheeks.
"Anything for you, gusto mo bang masahi-in kita?" he asked and I nodded.
Dumapa naman ako sa kama at nagsimula na si Troy sa paghilod sa likod ko. Agad gumaan ang pakiramdam ko, grabe parang pasan na pasan ko naman ang buong mundo niyan.
"How's your exams?" I asked him while he was still massaging my back.
"It was easy, binilisan ko para makasama na kita buti na lang pumayag kang pumunta ako ngayon kahit sandali lang" sagot naman ni Troy.
"Siyempre hindi naman kita matitiis" sabi ko naman.
We talked for another hour about our plans doon sa restaurant, excited talaga si Troy na mag date kami after ng exams namin at ako din naman sabik na makasama siya. Minsan lang naman kami gumala ng ganito ka bongga.
Pagsapit ng 11pm ay nagpaalam na si Troy na babalik na sa condo niya, he also needs to study kaya tiis tiis na lang muna kaming dalawa.
"Ihahatid lang naman kita sa labas" sabi ko kay Troy.
"No need. Mag study ka na at mag pahinga, ako na bahala mag close ng gate niyo" natatawang sabi ni Troy.
"Sige na nga. Ingat sa daan ha, I love you" aking sambit at niyakap siya.
"I love you more" sabi nito at hinalikan ang aking sentido bago umalis.
When Troy left, I immediately went back to my bed to review at bago ako matulog ay nagtipa muna ako ng text para kay Troy.
Me:
text me when u get homeHindi kaagad ito nakapag-reply kaya naghintay muna ako saglit baka bumabyahe pa siya. Ilang minuto akong naghintay hanggang sa tumunog ang notification ng phone ko.
Troy:
just got home, sleepwell love goodnight
Hindi na ako nag reply pa at nagpahinga na lamang. As long as he's home panatag na ako. Gusto ko nang matulog kanina e, kaya lang hindi mapakali ang isip ko at hindi mapanatag ang puso ko hangga't walang text si Troy na nakauwi na siya. Now that he did, I can sleep peacefully.
YOU ARE READING
Regret Duology 1: Endless Love
General FictionHappy ending is not meant for everybody and people might say it's not also for us but I would trade everything I have to rewrite our own happy ending. Let us find each other again in our next life. -Troy Delgado and Irina Salvacion Started: Septembe...