Chapter 15

2 0 0
                                    

Chapter 15




Irina

Maaga akong pumasok dahil nga madami akong schoolworks na need i-submit ngayong araw. Yung iba nagawa ko na at isa-submit na lang, yung iba naman ay ngayon ko pa lang gagawin.

"Nagugutom na ako" reklamo ni Sanji. Kelan ba nabusog ang isang to?

"i-submit na natin to para makakain na tayo" sabi ko naman sa kanya.

Pagkatapos naming mag submit ay sabay na kaming lima na nagbayad ng 3k para sa final exams namin next week. Deadline of submissions ngayong araw at need talaga namin i-submit at baka ma blangko yung grades namin sa portal.

"Sa wakas makakahinga na ako" sabi ni Sanji.

We passed our projects, outputs and tasks on time at wala na kaming hahabulin pang deadline. Right now, we just need to breathe for a moment and then focus on our final exams. Wala na kaming iisipin na deadline, ang tanging iisipin na lang namin ay mag-aral para sa exams.

Exam week na namin next week at mas makakapag-focus talaga kami sa pagre-review dahil isang exam lang ang kukunin namin per day. Major subjects namin ay napunta sa monday, tuesday at wednesday, yun minor subjects naman namin sa thursday at friday.

Mas madali para sa akin mag review kasi kung aling subject yung mauuna, yun muna ang pagtutuonan ko ng pansin. That is an advantage for me as a student kasi kapag isang subject lang sa isang araw, ma-a-absorb ng utak mo ang nire-review mo at kapag tapos naman na yung exam mo, you can take a rest, makakapagpahinga ang utak mo at ma refresh siya para makapag-review ka naman sa susunod na subject.

"Aral kayo mabuti ha, dapat pasado tayong lima dito" sabi ko sa kanila.

"Yes boss!" sagot naman nilang apat.

Ever since nakilala ko sila, naging grade conscious nadin sila, nahawa siguro sila sa akin. Nag-e-enjoy naman kami sa pag-aaral kaya walang pressure, ang mahalaga pasado kaming lima at walang maiiwan ni isa sa amin, dapat sabay sabay kaming makagraduate dito.

Sabay kaming nag enroll dito kaya dapat sabay rin kaming makatapos. Tsaka na namin iisipin ang trabaho kapag tapos na kami mag-aral. Malay niyo diba, iisa rin kami ng workplace or sabay din kaming mag-apply ng trabaho.

"Deserve natin ng mcdo" sabi ko sa kanila.

"Tama. Tara sa mcdo, ako magbabayad" sabi ni Hash.

"Ayown!" sabi ni Ryu.

Umalis kaming lima sa school. Dahil nga tapos na kaming mag-submit, wala na din kaming klase, free time na namin to at bahala na kami kung mag-aaral kami o hindi, tapos na rin naman yung mga lessons namin kaya wala hindi na rin nagme-meet yung mga prof namin.

Nag drive kami papunta sa mcdo, sa branch talaga kami kumain hindi sa mall. Si Miru tsaka Hash yung nag order, tapos ako, si Sanji tsaka Ryu naghihintay lang dito sa table.

"Picture muna tayo, alam niyo na Instagram purposes" sabi ni Ryu. Marami kasi siyang followers sa instagram.

Nag picture kami tapos ni-send ni Ryu sa gc namin yung pics na nakuha niya tapos kumain na kami. I love mcdo talaga lalo na kapag libre.

"After exams, ano ganap natin?" tanong ko sa kanila.

"Mcdo tayo ulit" sabi ni Sanji.

Ganap kasi namin after exams mag bar, inaabot kami ng madaling araw kakainom at kakasayaw sa bar. That's why I asked kung may ganap kami after exams.

"Kamiss mag bar" sabi ni Miru.

"Pahinga muna tayo sa bar na yan, tama si Sanji mcdo na lang ulit tayo after exams, libre ko na ulit" sabi ni Hash.

Pumalakpak naman kaming tatlo ni Sanji at Ryu sa tuwa kasi libre na naman ulit. Secured ang libreng mcdo after final exam. Sa sobrang tuwa ko sarap e perfect ng exam namin, charot.

"Salamat sa libre, Hash. Habang buhay ka naming sasambahin" sabi ni Sanji.

"Una na ako ha, magsisimula na akong mag review" sabi ko.

"Hatid ka na namin, uuwi na din naman kami" sabi ni Hash.

"Magre-review din kayo?" tanong ko.

"Parang ganon na nga, wala na rin naman kaming gagawin e" sagot ni Miru.

Sumakay kami ulit sa kotse ni Hash and as usual, ako ang unang ihahatid sa tapat ng subdivision namin. Mabilis lang din akong nakarating sa bahay dahil hindi naman gaano kalayo ang binyahe namin.

"Ingat kayo! Bye!" I said and waved at them goodbye. Bumusina pa si Hash bago tuluyang umalis.

Pagkarating ko sa bahay namin ay wala pang tao. Dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo dahil hindi ako makakapag-aral ng mabuti kapag malagkit ang katawan ko, masyadong uncomfortable ang ganon.

Troy:
Are u home?

It was a text from Troy and I immediately replied.

Me:
Kakauwi ko lang, currently studying, hbu?

Troy:
Just got home, also studying.

Me:
We'll go to the restaurant, maybe after exams. That way we can celebrate. So let's ace our exams first.

Troy:
Sure. Goodluck to us.

I didn't reply na kasi nga magre-review pa ako. Limang oras akong nag-aral hanggang sa matandaan ko na lahat ng inaral ko. I decided to take a break and went to our kitchen to see if there's something healthy that I can eat.

Nag decide na lang ako na bibili na lang ako ng prutas sa labas. I twitched the door knob and I suddenly froze. He would be the last person I would want to meet right now. Hindi ako makagalaw sa kinatatayu'an ko pero sa isipan ko, nagdadasal ako na sana wala siyang gawin na ikapahamak ko at ng anak ko lalo na at wala akong ibang kasama ngayon dito sa bahay.

"A-anong pong kailangan niyo?" I managed to ask him even when my voice is shaking. Nanginginig din ang mga tuhod ko, kinakabahan ako para sa sarili ko.

"Are you Irina Salvacion?" he asked.

"Yes po" I answered.

"How much do you need just for you to stay away from my son?" he asked.

"H-hindi ko po kailangan ng pera niyo sir. I only need Troy himself" I answered.

"Stop leeching from my son" madiin niyang sabi at bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Madiin ang pagkakahawak niya sa akin.

"I'm warning you, break up with him. You're not good for him and I'm only giving you two weeks, kapag hindi mo sinunod ang utos ko ako mismo ang maghihiwalay sainyo" sabi nito at binitawan ako saka sumakay sa mamahaling sasakyan niya at himarurot na paalis.

Pagkaalis nito ay agad na nagsibagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napaupo ako sa sahig dahil kanina pa nangangatog sa kaba ang mga tuhod ko. Kahit kinakabahan ay pinilit kong patahanin ang sarili ko dahil baka kung ano ang mangyari sa anak ko.

Wala ako sa sarili habang bumibili ng prutas. Pagkauwi ko sa bahay ay nilapag ko lang ang prutas sa lamesa at bumalik sa kwarto ko. Wala ako sa sarili at pakiramdam ko pinagsukluban ako ng langit at lupa. Lahat ata ng ni-review ko kanina biglang nawala, tanging kaba at takot ang laman ng sistema ko ngayon.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang iwan si Troy. Hindi ko kakayanin kapag umiyak si Troy sa harapan ko. Bakit sobrang hirap? Ang hirap mong mahalin Troy, pero nangako ako sa'yo na hindi kita susuku'an.

Regret Duology 1: Endless LoveWhere stories live. Discover now