Chapter 14

0 0 0
                                    

Chapter 14




Irina

Weeks passed after nung vacation namin ay balik eskwela na kami kaagad. Finals na kasi kaya bakbakan na naman sa outputs, quizzes and todo review na naman sa upcoming na exams.

"Kain tayo!" pag aya ni Sanji. Nagsitangu'an naman sila kaya sumama na din ako.

Pagkarating namin sa cafeteria ay nagbinida bida na si Sanji na mag order pero si Hash ang magbabayad. Walang nagawa yung isa dahil hinatak na ni Sanji papunta sa counter.

"Nag order ako ng siomai para sayo" sabi ni Hash.

"Kumpleto yan, Rina ha. May chilli oil garlic at  calamansi, nahati na din yan into bite size" sabat naman ni Sanji.

Napakunot ang noo ko sa amoy ng siomai. Ang baho ng garlic. Natahimik naman sila sa biglang asal ko.

"Ayaw mo?" tanong ni Hash.

"Hindi naman sa ganon, wala lang talaga ako sa mood kumain ngayon" sagot ko.

"Gusto mo tubig?" tanong ni Ryu at tumango naman ako. Ryu handed me a bottled water at ininom ko naman agad 'yon.

Habang abala sila sa pagkain ay nagpaalam naman ako na pupunta kay Troy at nag okay naman sila kaya umalis na ako. Habang naglalakad ako sa field ay biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Agad akong tumakbo sa cr ng mga babae at pumasok sa cubicle para sumuka. Dalawang beses akong sumuka bago ako lumabas. I looked at myself in the mirror and I noticed how pale I was, nanghihina din ang katawan ko.

"Irina?" I heard Troy's voice kaya napalingon ako. Kakalabas ko lang ng banyo.

"Troy, kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"I went here when I saw you" sagot nito. Worry plastered on his face when he saw me.

"Troy ang sama ng pakiramdam ko, feeling ko nilalagnat ako" I told him. He immediately touched my forehead and my neck.

"Ang init mo nga" sabi nito.

"Let's go to my condo, doon ka muna magpahinga" I didn't argue with him anymore.

Sumakay kami sa kotse niya at hinatid niya ako sa condo niya. I laid on his bed as he lowered down the airconditioner.

"Kumain ka na ba?" he asked.

"No. Wala akong gana e" sagot ko.

"I won't force you to eat but please do eat when you're hungry" sabi ni Troy.

"Bumalik ka na sa school, baka ma late ka pa" sabi ko sa kanya.

"Are you sure you're okay here alone?" he asked.

"I can manage, Troy" I said. He kissed my forehead and left.

Nakatulog din ako agad dahil sa bigat ng ulo ko at nagising bandang alas kwatro ng hapon. Bumangon ako para kumain, naghugas na din ako ng pinagkainan ko.

Pagkatapos kong maghugas ay bumaliktad na naman ang sikmura ko. Tinakbo ko ang banyo at sumuka sa inidoro. After kong sumuka, I flushed it down at nagpahinga muna saglit.

"Oh my gosh" I suddenly remembered. May nangyari sa amin ni Troy sa bahay. Gosh, why did I forgot about that time.

Bumaba ako sa building para pumunta sa botika at bumili ng pregnancy test. Dalawa ang binili ko at agad akong bumalik sa condo ni Troy.

Pumasok ako sa banyo and I tried the first pregnancy test and I waited until I saw two red lines which means it's positive, I am pregnant. Hindi ako makapaniwala, ginamit ko ang pangalawang PT at ganon pa rin ang resulta.

Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot sa kalagayan ko ngayon. Mama trusted Troy so much at baka magalit sila samin, pareho pa kaming nag-aaral ni Troy. We got carried with the pleasure that we forgot about the consequences of our actions.

Binalik ko sa plastic ang dalawag pregnancy test at tinago sa bag ko. As of now, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Troy, pinapangunahan ako ng kaba at takot.

"I'm home. How are you?" He asked the moment he entered his unit.

"Okay na ako Troy, pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Hinahanap kasi ako ni ate" pagsisinungaling ko.

"Sure" sabi nito.

Pumasok siya sa kwarto niya para iwan doon ang mga gamit niya at inalalayan ako hanggang sa makababa kami ng building.

"Diyan na lang ako sa tapat, Troy" sabi ko. The car stopped and I stepped out of his car.

"May problema ba, Rina?" he asked.

"Wala naman. Ingat ka pabalik ha, thank you" sabi ko at naglakad na papasok sa subdivision namin.

Pagkapasok ko sa bahay ay wala ni isang tao. I also didn't bother to look for them ang importante nakauwi na ako. Dumiretso na ako sa kwarto ko, nag half bath tapos nagsuot ako ng pajama bago humilata sa kama ko.

Lutang na lutang ako at ngayon lang nagsink in sa akin na nagugutom ako. Bumaba ako saglit para maghanap ng makakain. Kumain naman ako kaso kaunti lang tapos kinain ko na lang yung ice cream sa ref namin bago bumalik sa kwarto ko at magpahinga.

Troy:
Tuloy ba tayo sa restaurant bukas?

Me:
Sorry Troy. Madami kasi akong schoolworks na isa-submit bukas.

Troy:
It's okay, may next time pa naman.

Me:
Salamat Troy, magpapahinga na ako.

Troy:
Sure. Sleepwell

Hindi na ako nagreply pa at tumunganga na naman sa kisame ng kwarto ko. Kailangan kong lakasan ang loob ko dahil hindi ko 'to matatago sa mahabang panahon, kailangan ko lang ng tiyempo, huhugot muna ako ng lakas ng loob.

"Irina" bungad ni ate pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko.

"Po?"

"Kumain ka na ba?" tanong ni ate.

"Opo. Papahinga muna ako, medyo pagod ako sa school" sabi ko.

"Sige, masama ba pakiramdam mo? Uminom ka na ng gamot?" dagdag pa ni ate.

"Hindi naman ate, masakit lang katawan ko, itutulog ko lang po ito" sabi ko naman.

Ate Erin nodded and closed the door of my room. For now, kailangan kong mag doble ingat para sa sarili ko at para sa anak ko. Pause muna tayo sa pag-iinom, balik tayo siguro after nine months. Natutuwa ako na medyo kinakabahan kasi, hindi ako makapaniwala na magiging nanay na din ako. Kakayanin ko kaya? Handa ba ako? Sigurado ako hindi ito magiging madali para sa akin lalo na at hindi pa maayos ang relasyon ni Troy at ng Daddy niya.

Regret Duology 1: Endless LoveWhere stories live. Discover now