Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7


Irina

Pagkatapos nung nangyari sa dinner ay palagi na kaming magkasama ni Troy sa mga sumunod na araw. Hindi na ako nagkaroon ng oras para sa mga kaibigan ko kasi puro na lang ako Troy, Troy, Troy, Troy.

Troy and I grew close each day goes by and we became comfortable with each other's company. After class, hinahatid niya ako pauwi, minsan gagala kami buong gabi to escape responsibilities and other things. I can feel peace in Troy's embrace, kahit madaming problema basta kasama ko lang siya.

"Try mo naman 'to" sabi ko kay Troy habang bumibili kami ng takoyaki tapos kumain kami ng shawarma.

When we got tired, pumunta kami ni Troy sa open plaza at umupo doon sa gilid. Maraming ilaw dito pero walang masyadong tao, nasa park sila siguro o di kaya ay busy sa pagpipili ng pagkain sa mga stalls.

"Irina I have a question" sabi ni Troy.

"Sige ano yun?"

"Anong gagawin mo kung magpapakamatay ako?" tanong ni Troy.

Hindi ko talaga nagustuhan yung tanong ni Troy, biglang sumama ang loob ko. Alam ko naman na hindi mangyayari 'yon but why would he mention that out of the blue.

"Siyempre magpapakamatay din ako, ganon kita ka mahal e" sabi ko kay Troy. I don't know if he took my answer seriously but I wasn't kidding when I said that.

"Do you believe in the red string of fate?" Troy asked. I didn't know he believe in those, siguro sa kakabasa niya ng libro. Pero ako din naman naniniwala sa mga ganon.

"Oo naman, dahil ang red string ang nagsisimbulo ng pagmamahalan ng dalawang tao, diba?" sagot ko kay Troy.

"Red string keeps two lovers intact. Kapag naghiwalay tayo babalik at babalik pa rin tayo sa isa't isa" dagdag ni Troy.

"Especially when we have a very deep connection. I will always find a way back to you" sabi ko pa kay Troy.

"Okay, let's change the topic, alam mo ba may restaurant akong nahanap, masarap ang pagkain doon gusto mo try natin?" sabi ni Troy.

"Sure why not" sagot ko.

"Naalala mo ba yung tanong mo sa akin dati?" biglang sabi ni Troy.

"Alin don?" sabi ko naman, dami kong tinanong sa kanya e.

"Tungkol sa pamilya ko, diba gusto mong makilala ang kapatid ko" sabi niya sa akin. Hindi ko naman siya pine-pressure na ipakilala ako sa family niya pero nung na mention niya kasi na may kapatid siyang babae nakuha nito ang atensyon ko, siyempre ako kasi ang bunso sa amin kaya nangangapa din ako ng nakababatang kapatid.

"Gusto ka talagang makilala at makita ng kapatid ko sa personal pero hindi ko siya magawang i-alis sa bahay kasi bantay sarado siya ng mga tauhan ni daddy" sabi naman ni Troy.

Nag o-open up na si Troy sa akin tungkol sa pamilya niya pero hindi pa buo ang tanging alam ko lang ay strikto ang papa niya at namatay naman ng maaga ang mama niya dahil sa kalaban ng papa niya sa negosyo.

"Natatakot ka ba sa papa mo?" tanong ko kay Troy.

"To tell you honestly, I was really afraid of him before to the point I do everything he asks me to even if it is against my will pero ngayon, nakakuha ako ng lakas ng loob para suwayin siya ngayon at nagagawa ko ang mga gusto kong gawin" Troy explained. It must have been hard for him to grow up without his mom tapos ganyan pa ang papa niya.

Mabait naman daw ang Papa niya pero nagkaganon lang daw siya nung nawala nga ang Mama ni Troy, nalulong ito sa alak pero patuloy pa rin ang takbo ng negosyo nila Troy pero hindi maiwasan na dumagdag ang mga kalaban nito.

"I know you're having a hard time with your family, hindi kita pipilitin na ipakilala ako sa papa mo kung hindi mo pa kaya" I assured him. For now, he's all that matters.

"Hindi naman sa hindi ko kaya Irina pero nag-aalala lang ako sa'yo at sa maaaring gawin ni Papa. He's not easy to deal with at natatakot ako para sa kaligtasan mo, I know what he's capable of" dahil sa sagot ni Troy ay natahimik ako. Kahit na ganon ay hindi pa rin ako aatras, I promised Troy to stay beside him and I'll keep it as long as I'm alive.








Troy

Pagkatapos kong ihatid si Irina sa tapat ng subdivision nila ay agad akong dumiretso sa family house namin dahil tinawagan ako ni Papa na umuwi.

Pagkapasok ko sa main door ay sinalubong ako ng sampal ni Papa at napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"What do you want? Pinauwi mo ako para lang sampalin?" I was pissed to the core. Masaya ako kanina kasi magdamag kaming magkasama ni Irina at gusto kong umuwi kasi may bago na naman akong ike-kwento kay Trisha.

"You think I'm blind and dumb?!" he shouted at me, alam ko ang ibig niyang sabihin at iyon ang higit na ikinakatakot ko.

I don't care if he slap me, kick me, punch me to death but I can't stand him if he touches even a strand of Irina's hair.

"Don't even think about it" banta ko kay papa ng makabangon ako.

"Wag mong sagarin ang pasensya ko Troy ha, ano?! Ipagpapalit mo ang pamilya mo dahil lang diyan sa babaeng yan?!" sigaw ni Papa.

"Wala akong planong ipagpalit kayo. Priority ko ang pamilyang to at ang babaeng mahal ko bakit ba hirap na hirap kang intindihin 'yon!" sigaw ko pabalik kay Papa.

"I have eyes everywhere Troy, don't f*ck with me" his voice was suddenly cold.

"Hindi dahil wala na si mama ay wala na din akong karapatan na magmahal!" dagdag ko pa. I know it's pointless to argue with dad especially when he's on his drunken state pero hindi ko na kaya, gusto ko nang ilabas lahat ng mga iniisip ko.

"Kasi pare-pareho lang sila! She'll eventually leave you kagaya ng ginawa ng mama mo sa atin!" ang kitid ng utak ni Papa.

"I can protect my woman, papa, you just have to trust me" sabi ko sa kanya.

"Protect? Trust? Paano? You're as weak as sh*t! She will be targeted by our enemies sooner or later" Papa smirked. Why is he so evil?

"I promised not to leave her side Papa, kaya gagawin ko 'yon kahit pa buhay ko ang kapalit" sabi ko pa.

"Bullsh*t! Promises are meant to be f*cking broken! I don't want to fight you on this matter, Troy. Break up with her immediately or I'll take matters on my own hands" banta ni Papa. Parang binagsakan ako ng yelo sa ulo at bigla na lang akong inatake ng matinding kaba.

I left him there and I went upstairs to see my sister. She was crying when I entered her room pero nung nakita niya ako ay agad siyang tumakbo para yakapin ako. Binuhat ko siya at pinaupo sa kama niya.

"Shh stop crying Trish, everything's fine" alo ko sa kapatid ko na walang tigil sa pag-iyak.

"Kuya you're not gonna leave right? Daddy is bad pero I'm your kakampi naman" she said while sobbing.

"Hindi ka iiwan ni Kuya, sleep ka na may pasok ka pa bukas" I said as I wiped her tears and tucked her to bed.

"I love you, Kuya" she said as she kissed me on my cheeks.

"I love you more, Trisha" I kissed her forehead and waited for her to fall asleep bago ako umalis sa kwarto niya.

Pagod na pagod na ako kaya naisipan kong dito na lang matulog sa bahay, mukha kasing hindi ko na kakayanin pang mag drive tsaka ang sakit ng mukha ko. Kahit pinagbubuhatan ako ni Papa ng kamay ay kahit isang beses hindi ko siya pinatulan. Pero kapag si Trisha na ang pinagbuhatan niya, siyempre hindi ako tatahimik lang at manunuod.

Regret Duology 1: Endless LoveWhere stories live. Discover now