Chapter 13

1 0 0
                                    

Chapter 13




Irina

I woke up earlier than Troy. He's still sleeping like baby. Bumaba ako para kumuha ng makakain. Pag nag check in ka kasi may free breakfast na kasama.

Kumuha lang ako ng sopas, pancakes, kape tsaka toasted bread at nilagay sa isang tray bago bumalik doon sa kwarto namin ni Troy.

Pagbalik ko ay natutulog pa rin siya kaya tinabi ko muna ang pagkain tapos pumasok na ako sa banyo para maligo, ang lagkit ng katawan ko, nakalimutan ko nagbanlaw lang pala ako kahapon hindi ako naligo ng maayos.

"Morning" Troy greeted me with a tired look pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo.

"Does your head hurt?" I asked.

"So bad" he answered.

"Bangon ka na, let's have breakfast, may sopas at kape diyan" sabi ko.

"Nasaan sila?" tanong niya, he was looking for my family.

"Nasa kabilang kwarto, kain na tayo uuwi na tayo maya maya" sabi ko.

Kumain kami dito sa may balcony habang pinagmamasdan ang kagandahan ng karagatan, ang simoy ng hangin at ang hampas ng mga alon. How I wish ganito na lang palagi.

"Pagbalik natin, puntahan natin yung restaurant a" Troy reminded me.

"Sure" I answered.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagligpit ng mga gamit namin bago lumabas ng suite. Paglabas namin ay naabutan namin sina Mama na nasa labas, naghihintay ata sa amin.

Sabay sabay kaming bumaba at nag check out. Iniwan namin yung key card sa front desk tapos pumunta na kami sa dalampasigan at tumawid sa tulay tsaka sumakay na sa pump boat pabalik sa port. When we reached the port sumakay na kami sa sasakyan ni Troy at hinatid kami ni Troy sa tapat ng bahay namin.

"Troy iho, dito ka na maghapunan" sabi ni Mama.

"Wala na po kasi akong extrang damit tita, kailangan ko po munang maligo" sagot naman ni Troy.

"Ganito na lang umuwi ka na lang muna sainyo tapos bumalik ka kaagad dito bago maghapunan, okay ba 'yon?" tanong ni Mama. Troy looked at me before he answered.

"Sure Tita" sabi ni Troy matapos niyang tulungan si Papa sa pagdala ng mga gamit namin sa loob ng bahay.

When Ate, Mama and Papa entered the house I turned to Troy to talk to him just for a few seconds.

"Please don't disappoint Mama, pumunta ka ha" sabi ko kay Troy. He held both of my hands as he kissed my forehead.

"Okay. I'll see you later" sagot ni Troy at pumasok na sa kotse niya at tuluyan nang umalis.

Pumasok naman ako sa bahay para mag ligpit at maka ligo na rin, mainit kasi sa beach tapos bumyahe pa kami sa tirik na araw sa gitna ng dagat.

"Irina, padedehin mo muna si Neri please, tulungan ko lang si mama sa kusina" sabi ni Ate. Hindi na ako sumagot ng ibigay niya si baby Neri sa akin.

"Cute² mo talaga" pagkausap ko sa batang napa cute habang pinapadede siya.

Habang hinele hele ko si baby Neri ay may kumatok sa pintuan, sakto namang busy yung mga tao kaya ako na lang nagbukas dahil kami lang ni baby Neri ang nasa sala. Mabuti na lang din at tulog na si baby Neri. Inalis ko na ang dede niya baka mabilaukan siya. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan si Troy. I know that's him, it's almost time for dinner.

Regret Duology 1: Endless LoveWhere stories live. Discover now