Chapter 16
Irina
Pagkalipas ng ilang araw ay nanumbalik ang lakas ko. Inaatake pa rin ako ng kaba ko kasi pakiramdam ko may nagmamasid sa lahat ng galaw ko sa tuwing lalabas ako ng bahay namin. Pakiramdam ko may nagbabantay sa akin.
Nag review na lang ako dahil exam week na namin ngayon. Nasa garden lang ako, mag-isang nag-aaral, hinihintay ko na lang din na mag alas nuebe para kumuha ng exam. Ilang araw ko na ding hindi pinapansin si Troy magmula nang pumunta ang papa niya sa bahay namin.
"Irina, pasok na tayo 8:40 na" bigla akong nakita ni Ryu sa garden kaya sumabay na lang ako sa kanya.
Nauna kami ni Ryu na pumasok, siguro papunta pa lang yun tatlo. Hindi na ako umimik at nakipagchismisan kay Ryu kasi nire-refresh ko yung inaral ko. Saktong pagpatak ng alas nuebe ay nakarating na yung tatlo at hindi rin gaano katagal ay pumasok na din ang proctor namin sa exam.
"Kindly put all your phones inside your bags and put your bags down. I only want to see your pen on your desk" sabi ng proctor. Nilapag naman namin sa sahig ang mga bag namin.
Pumikit ako saglit at nagdasal.
Lord, ikaw na po bahala sa exam namin. Tulungan mo po kaming maalala lahat ng inaral namin, maraming salamat po, amen.
"When you receive your test paper, you can start and please refrain from creating noise to avoid distractions and do not talk with your seatmates. If you are caught cheating, automatic zero in your exam and I'll tear your test paper apart. Goodluck!" sabi nito.
Nagstart na kaming sumagot. This exam is only one hour and thirty minutes, I need to finish this within an hour so I can review it during the remaining thirty minutes. Halos lahat ng ni-review ko lumabas kaya medyo mabilis kong nasagutan ang exam though meron talagang medyo tagilid kasi alam niyo na nagdadalawang isip ako sa sagot ko.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos ang isang oras. I reviewed my answers tapos sinigurado ko talaga na nasagutan ko lahat ng items at nasiguro ko rin na may naisagot ako sa limang essay sa last part ng exam namin.
"Thirty minutes left. If you're already finished, pass your paper in front and leave the classroom" sabi nito.
Chineck ko din kung may pangalan ang papel ko para siguradong hindi ako mapalya. Medyo confident din sa mga sinagot ko kasi nag-aral naman ako no. After checking, I stood up and passed my paper, inayos ko na din ang gamit ko at lumabas na ng classroom.
I waited for the four of them outside our classroom until they were finished. Sumunod na lumabas si Hash tsaka Ryu, kaya sinamahan nila akong hintayin si Sanji tsaka Miru. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas sila, kaya nagdesisyon kaming pumunta sa canteen.
"Buti na lang naalala ko lahat ng inaral ko" sabi ni Sanji.
"Kain tayo, gusto kong ipagpahinga ang braincells ko" sabi ko.
Nag order kami ng lunch tapos dessert. Nag leche flan lang ako for dessert tapos nag four seasons na delmonte juice, yung nasa bottle.
"Healthy living yarn, Irina?" natatawang tanong ni Sanji.
"On the way na ako sa pagbabago" tanging nasabi ko.
Natawa naman sila sa sinabi ko. Siyempre hindi ganito ang gawi ko dati e, mas prefer ko mag softdrinks tuwing lunch namin. Hindi kasi ako bumili ng chichirya that's why siguro they find it unusual.
Kailangan pagkatapos kong kumain, may pagkain ulit na nakahanda para sa akin. Chichirya is the most convenient for me, ganon.
"Videoke tayo" aya ni Sanji.
"Panget ng boses mo" -Ryu
"Sintunado" -Miru
"Sakit mo sa tenga" -Hash
"Tsaka na kapag bingi na kami" -ako
"Deadma lang sa basher" sabi ni Sanji sabay irap sa amin.
"Panget mo talaga Sanji" sabi ni Ryu sabay tawa, parang demonyo talaga tumawa 'tong si Ryu.
"Hatid niyo ko, gusto kong magpahinga" sabi ko sa kanila.
Bigla kasi akong inatake ng katamaran ngayon at kailangan ko itong pigilan kasi baka hindi ako makapag-aral kapag kinampihan ko to. Hinatid ulit nila ako sa labas ng subdivision namin bago sila umalis. Pag-uwi ko sa bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto ko.
Wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari nung nakaraan. Hindi ko rin sinabi kay Troy dahil nga exam week namin at alam kong pinag-iigihan niya ang pagre-review, ayaw ko siyang ma distract at ma disturbo kaya sinarili ko na lang muna, saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya ang nangyari.
Pinag-iisipan ko pa rin ang sinabi ng tatay niya at pinipigilan kong umiyak kasi baka makasama ito sa baby. Umu-uwi ako ng maaga para makapagpahinga ang katawan ko at ang utak ko kasi hindi na ako nagpupuyat tuwing gabi kasi masama magpuyat ang buntis, ganon si ate nung pinagbubuntis niya si Neri.
"Makisama sana ang utak ko ngayon" sabi ko at ginugol ang natitirang oras ko sa pag-aaral.
After studying, I took a break to relax my brain after absorbing our lessons. Nagsaing na din ako at agad na bumalik sa kwarto ko kasi parang hinihila ako ng kama ko at gusto ko lang humilata buong araw. Hanggang sa nakarating sina ate sa bahay ay nakahilata pa rin ako, si ate na nagluto ng ulam namin dahil nakapagsaing na rin naman ako.
"How's your exams, Irina?" Papa asked.
"Maayos naman po pa" sagot ko.
"Magpahinga ka ha, wag ka magpuyat, you can still review again tomorrow" paalala naman ni mama. I nodded and then I finished my food.
Pagkatapos kong kumain ay nilapag ko ito sa lababo bago nagpaalam sa kanila.
"Akyat po muna ako ma, may kailangan pa po kasi akong tapusin" sabi ko. Tumango naman sila kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Ang hirap palang mag adjust no? Noon kasi babad ako sa puyat at sa pagkain ng chichirya at pag inom ng alak tsaka softdrinks parang ang bilis ng transition e. Ngayon 9:00 pm kailangan ko ng matulog, kailangan kong kumain ng prutas at gulay at uminom ng mga healthy na inumin.
Iniiwasan ko rin na magpalamon sa katamaran kasi kung tutuosin, mas gusto kong humilata sa kama buong araw at huwag nang pumasok sa school. Hindi naman nahihilo o sumasakit ulo ko, hindi rin ako nasusuka, tinatamad lang talaga ako.
Naghalf bath lang ako tsaka nag pajama bago nagreview ulit ng lessons at notes ko para bukas. Nung medyo nakabisado ko na ay niligpit ko na ang gamit ko para makapagpahinga na ako. Ganito ba talaga pag buntis? Nagiging tamad na nga nagiging antukin pa.
YOU ARE READING
Regret Duology 1: Endless Love
Fiction généraleHappy ending is not meant for everybody and people might say it's not also for us but I would trade everything I have to rewrite our own happy ending. Let us find each other again in our next life. -Troy Delgado and Irina Salvacion Started: Septembe...