Chapter 1
Irina
Linggo-linggo kong kinukulit si Troy. Nahihimigan ko naman na naiinis siya sa akin minsan pero wala namang kaso sa akin 'yon. I was right after all, matapang lang at nakakatakot ang awra niya pero alam ko may soft side siya.
Sa buong linggo na pangungulit ko sa kanya hindi ko pa siya nagagawang mapangiti or makita man lang na nakangiti. He's always focused on the book that he's reading tapos naka kunot pa yung noo niya.
"Hello, Troy!" bati ko sa kanya. Nasa may garden siya, probably hiding from me.
"You again? Stop pestering me!" reklamo niya.
"I baked you some cookies, customized yan a kaya sana magustuhan mo" sabi ko. His brows rested a bit and he looked at the cookies I made.
Kaya siya customized kasi ni-try kong ilagay sa cookie dough yung mukha niyang laging naka kunot. Hindi ko mabasa kung ano yung nasa isipan niya, shuta.
"I don't like sweets" he said.
"Alam ko kaya nga hindi ko tinamisan masyado yan e para makain mo" sagot ko.
"Thanks" he said and accepted the cookie. He places his book on the table infront of him and opened the cookie box and he took a bite.
Kumagat pa lang siya sa cookie na ginawa ko naghuhurumentado na ang puso ko sa saya. Hindi man ako marunong magluto, marunong naman akong mag bake.
"It's delicious, hindi siya masakit sa lalamunan. Salamat dito" sabi niya.
"Masaya ako na nagustuhan mo, may iba ka pa bang dessert na gustong kainin? Baka pwede kong magawan ng paraan para makain mo" sabi ko. Napaisip naman siya sandali.
"Brownies" he answered. I can do that naman.
"Hindi ka ba kumakain ng sweets sa bahay niyo? I mean mayaman naman kayo for sure bumibili kayo ng ganitong pagkain" sabi ko.
"My dad doesn't want us to eat this and besides kumakati lalamunan ko sa matatamis na pagkain" that's the longest words he said towards me.
"Ganon ba? Pagbe-bake kita ng brownies bukas a kaya hintayin mo ako ulit dito" sabi ko.
"Sure. Whatever" he answered. Nakangiti akong umalis doon at pumasok sa klase ko.
"Hash, samahan mo naman ako may car ka naman diba?" tanong ko.
"Ano meron?" he asked.
"May bibilhin lang ako sa mall, ihatid mo na lang din ako sa tapat ng subdivision namin" utos ko pa.
"Sige po mahal na reyna" sarkastiko niyang sabi.
Pagkatapos nang klase nagkita kami ni Hash sa parking area. Pagkapasok ko pa lang sa sasakyan ni Hash ay bumungad sa akin ang mukha ng tatlong unggoy na nasa backseat.
"Anong ginagawa niyo dito?" inis na tanong ko.
"Ano? Kayo lang magde-date ni Hash? Hindi kami kasama? Unfair!" reklamo ni Sanji.
"Oo nga, unfair!" sabay na sabi ni Ryu at Miru.
"Gusto daw nilang sumama e" sabat ni Hash na kakapasok lang sa sariling sasakyan na pakamot kamot pa sa batok niya na parang hindi din niya inaasahan.
YOU ARE READING
Regret Duology 1: Endless Love
Ficción GeneralHappy ending is not meant for everybody and people might say it's not also for us but I would trade everything I have to rewrite our own happy ending. Let us find each other again in our next life. -Troy Delgado and Irina Salvacion Started: Septembe...