Chapter 8

0 0 0
                                    

Chapter 8



Irina

Pagkatapos nang klase namin ni Troy ay niyaya niya akong lumabas, kakain lang daw kami at mag uusap.

"May restaurant akong nakita, hindi kalayuan dito, sabi nila masarap daw doon" sabi ni Troy. He keep on spoiling me with foods kasi he knows that I'm not a materialistic kind of person.

"Baka naman mamahalin yang restaurant na sinasabi mo a" biro ko kay Troy.

"Hindi naman, affordable naman siya" sagot ni Troy.

"See you later" sabi ni Troy sa akin. Tumango naman ako bago niya ako hinalikan sa noo at pumasok na sa klase niya. Pumasok na din ako sa klase ko.

"Grabe hindi ka na namin mahagilap a" sabi ni Miru.

"Parang di tropa no?" sabi ni Ryu.

"Ginanon ganon na lang tayo" sabi ni Sanji.

"Napaka ano niyo, ayaw pa aminin na miss niyo lang ako e" sabi ko sa kanila.

"Ew" sabay na sabi ni Ryu, Miru, Sanji tsaka Hash.

"Sasama ng mga ugali niyo" sabi ko at inirap silang apat.

Lunch break came at balak ko sanang samahan si Troy kumain but the boys dragged me already kaya wala akong choice, pagdating ko sa cafeteria ay agad kong inilabas ang phone ko para i-text si Troy.

Me:
Hindi kita masasamahan mag lunch ngayon, sorry a.

Troy:
It's fine, there's still plenty of time.

Me:
Kumain ka ha, wag magpalipas ng gutom.

Troy:
Sure, ikaw din.

I didn't bother to reply at nakipag-asaran na lang sa mga kaibigan ko. To be honest, na miss ko din ang kakulitan nila kasi hindi na ako nakakasama sa kanila tuwing break, lunch break, uwian at tuwing gagala sila.

Wala akong ibang inatupag kundi si Troy. Troy dito, Troy doon, buti na lang talaga at hindi sila gaanong nagtatampo sa akin, naiintindihan naman nila ako kung bakit mas inuuna ko ang jowa ko kesa sa kanila.

"Oy Irina, hindi ba nagseselos si Troy sa amin?" tanong ni Ryu.

"Hindi naman siguro" sagot ko. Siyempre kung masama ang loob ni Troy dahil lalake ang mga kaibigan ko, for sure sasabihin naman niya 'yon sa akin.

"Buti naman kasi kami nagseselos na sa kanya" seryosong sabi ni Miru tapos binatukan siya ni Sanji.

"Pinagsasabi mo" sabi ni Sanji.

"Wag mong pansinin si Miru, Rina ah may saltik talaga yan" sabat naman ni Ryu at tumawa na lang ako tapos nagsisimula na namang mag bangayan si Ryu tsaka Miru, umiiling na lang si Hash at Sanji dahil ang ingay nilang dalawa.

"Maayos naman bang makitungo si Troy sa'yo Irina?" tanong ni Sanji.

"Oo naman Sanji" sagot ko kasi totoo naman 'yon.

"We're glad to hear that pero na meet mo na ba ang tatay niya?" tanong ni Miru after nilang mag bangayan ni Ryu.

"Hindi pa eh" sagot ko naman.

"Why? What's his reason?" at sumali na nga si Hash sa usapan.

"I don't know his reason pero hindi ko naman siya pinipilit, okay lang naman sa akin kahit hindi ako makilala ng papa niya" paliwanag ko. Hindi ko talaga pine-pressure si Troy tungkol sa pamilya niya. Hindi ko naman bini-big deal 'yon kasi masaya naman kami ni Troy kahit kaming dalawa lang.

"Wag mo pa ring kalimutan ang bilin namin na mag-ingat ka palagi" sabat naman ni Sanji.

"Irina, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit maraming kaaway ang daddy niya?" ramdam ko sa boses ni Hash ang pag-aalala sa sitwasyon ko.

"K-kasi nangunguna ang pamilya nila pagdating sa negosyo" medyo may pag aalinlangan sa boses ko.

"You're wrong. His dad sold his soul to be part of the mafia, that's why he has a lot of enemies" sabi ni Hash. Hindi na mention ni Troy sa akin ang tungkol sa mafia na yan kahit na simula pa lang ay ganon na rumors na naririnig ko pero ipinagsawalang bahala ko lamang ang mga iyon.

"H-hindi naman ako inaano ng Papa ni Troy kaya wag na kayong mag-alala sa akin" pinipilit kong sumigla ang boses ko.

"Hindi kita tinatakot Irina, pero hindi ka pa niya ginagalaw" seryosong sabi ni Sanji. Bakit parang kilalang kilala nilang dalawa ni Hash ang pamilya Delgado? Dahil ba sa negosyo? Malabo naman kasing business partners ang mga magulang nila kung ganito ang sinasabi niya sa akin ngayon.

"All we are asking for you is to be careful, because sooner or later lalabas at lalabas din ang tatay ni Troy para hanapin ka" segunda naman ni Hash, bigla naman akong inatake ng matinding kabam

"We can't protect you all the time lalo na at palagi kayong magkasama ni Troy, hindi nga namin alam kung saan kayong dalawa pumupunta, even ate Erin doesn't know your whereabouts" sabi pa ni Sanji. May alam din kaya si ate?

"Alam ba to ni ate?" nagkatinginan pa muna si Sanji at Hash na parang may gustong sabihin pero hindi pwede.

"Nagulat nga lang din kami nang malaman namin na payag ang ate mo sa relasyon niyo ni Troy kahit alam nito ang mundong kinagagalawan ni Troy" paliwanag ni Hash. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig at nalalaman ko.

"It's not too late to back out Irina" sabi pa ni Sanji.

"I can't. I promised Troy, I'll stay by his side kahit anong mangyari" I defended him. I just couldn't break my promise.

"Even if it costs you your life?" Hash asked. It took me a while to answer but my decision was firm.

"Even if it costs me my life" pinal kong sabi.

Pagkatapos naming mag usap ay tahimik na akong sumabay sa kanila pabalik sa classroom. Tahimik din si Sanji at Hash, tanging si Ryu at Miru lang ang maingay dahil busy na naman ang mga ito sa pagbabangayan.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. I need to talk to my ate, kailangan ko ding kausapin si Troy. I just want honest answers from the both of them.

Me:
Troy, ihahatid ako ng mga kaibigan ko, sorry pwedeng bukas na lang tayo kumain doon sa restaurant na sinasabi mo?

Troy:
Wala namang problema sakin, Irina. Did something happen?

Me:
Wala naman Troy, hinahanap lang ako ni ate baka may kailangan siya.

Troy:
Sure. Take care, I'll see you tomorrow

Me:
See you, maghapunan ka ha

Troy:
yes ma'am, ikaw din.

Hindi na ako nagreply. Nakasakay kami sa sasakyan ni Hash, as in kaming lahat. Si Sanji, Ryu tsaka Miru sa likod ako naman sa passengers seat.

"Salamat sa paghatid. Ingat kayo" sabi ko nang makababa ako sa tapat ng bahay namin.

"Bye Rina!!" sigaw ni Ryu tsaka Miru. Kumaway na lang ako sa kanila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Maaga ka yata?" bungad ni ate ng makapasok ako sa bahay namin. As usual, she's carrying baby Neri.

"Ate pwede ba tayong mag-usap?" panimula ko. Natahimik naman si ate sandali pero agad ding nawala 'yon. Nilapag niya sa malambot na crib si Neri bago humarap ulit sa akin.

"Tungkol saan ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ni ate.

Regret Duology 1: Endless LoveWhere stories live. Discover now