"Keenan bwesit ka alis diyan sa ibabaw ko gago" singhal niya sa binata. Pareho kasi silang natumba na dulot ng kalasingan. Andito sila ngayon sa sala ng kanilang condo at hindi na nga nakaabot sa kanya-kanyang mga kwarto.
Paano nga ba sila nalasing ng todo. Ang plano naman talaga nila ay iinom lang sila ng konti dahil pareho silang stress sa school. Ang dami kasing gagawin ngunit agad din naman nilang natapos yun nga lang stress na stress sila pareho. Dahil malapit na silang grumaduate sa kursong ay naghahanda na sila para sa kani-kanilang ojt. Titikim lang naman sana sila ng alak para kumalma pero anong nangyari? Heto sila ngayon, inalalayan ang isa't isa kahit parehong lasing.
"Bakla ano ba alis. Ang bigat mong bruha ka" ungot niya sa kaibigan.
Sinamaan niya ito ng tingin at bahagya niyang ginalaw ang kanyang katawan upang gisingin ang lalaki. Hindi pa din ito natinag. Sinamaan niya ito ng tingin at nakita niyang parang komportable pa ito sa naging posisyon nila.
Nasa ibabaw niya ito at ang mukha nito ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Ang dalawang kamay ng kaibigan ay nasa magkabilang gilid niya. Hindi siya komportable sa posisyon nila. Bigla siyang nakaramdam ng init.
Mariin siyang pumikit at sinubukang itulak ang kaibigan paalis sa kanyang ibabaw.
"Keenan kapag hindi ka umalis gago ka sisipain ko 'yang bayag mo!" naiinis niyang sambit.
Pero wala siyang nakuhang sagot ngunit ang pag-ungol lamang nito. Huminga siya ng malalim. Di niya keri 'to may nararamdaman siyang kakaiba sa kaibigan.
Napatingin siya sa kanyang relos. Napahilot siya bigla ng makitang malapit ng maghating gabi. Naistress ata siya bigla.
'letse may pupunta pa kaming school bukas'
Nahihilo siya at hindi nakakatulong ang kaibigan niyang nasa ibabaw niya ngayon. Gusto na niyang pumasok sa kanyang kwarto kainis.
Di na siya nakapagpigil at malakas na sinampal ang binata.
"What the fuck?!" gulat na saad nito at biglang napalayo sa kanya ngunit nakaibabaw pa rin ito. Gamit ang isang kamay ng kaibigan ay hinawakan ang sarili nitong pisngeng namumula dahil sa pagsampal niya habang ang isa naman ay ginamit bilang pagsuporta upang hindi siya madaganan.
"Did you just slap me bitch?!"
Tinaasan niya itong ng kilay. Nasa lapag pa din siya ng sala. Hindi siya makaalis dahil nasa ibabaw pa rin niya ang kaibigan niya. At kahit tinulak na niya ito ay di ito umalis.
'Tinawag niya akong bitch?'
Nainis ata siya bigla.
" So ano ngayon? Ayaw mo kasing umalis sa ibabaw ko. Aakyat pa ako sa kwarto" inirapan niya ito ngunit sinamaan siya nito ng tingin gamit ang mapupungay nitong mga mata.
Sinamaan din niya ito. Pero maya-maya ay hindi na siya naging komportable dahil sa lalim ng titig ng kanyang kaibigan sa kanya.
Ngunit di siya nagpatinag at tinitigan niya din ang lalaki.
'Bwesit ang gwapo ng gagang 'to'
Medyo madilim ang sala ngunit dala ng sinag ng buwan galing sa bintana ay kita niya ang buong mukha ng kaibigan na naging kulay pula tanda ng kalasingan. Nakita niyang ngumisi ito.
Tumayo ang kanyang balahibo sa anit dahil sa uri ng ngisi ng binata. Bigla nag-iba ang awra ng kaibigan.
"Alis nga diyan gaga, matutulog na ako" sambit niya sa kaibigan at akmang tatayo ngunit bigla siya nitong pinigilan. Hinawakan siya nito sa balikat at pagkatapos ay itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya.
BINABASA MO ANG
Addiction
RandomAng babae ay para sa lalaki Ang lalaki ay para sa isang babae Ngunit para sa kanya, siya na bilang isang bakla, si Keenan Fuentes, ay para lamang sa lalaki. Pero nagbago ang lahat when she met this girl Yna Zamora and they became best of friends. Ma...