A/N: To my silent readers, sorry ngayon lang nakapag-ud. Madaming nangyari kasi nitong mga nakaraang buwan. Sana mag-enjoy kayo sa plain update ng story na 'to. Thank you and God Bless!
--------------
IKATLONG araw na namin ngayon dito sa beach resort. Sina mama at papa ay nauna ng umuwi kahapon kasi may kailangan pang asikasohin ang mga ito sa bahay at sa negosyo namin. Ang dalawang pinsan ko naman ay sumabay na lang din kasama ang mga magulang ni Keenan dahil may naiwan ding trabaho ang mga ito. Tanging natira na lamang dito sa resort ay ako, si Keenan, si kuya Tristan, si Red, si kuya Deon at ang dalawang magjowa na sina Rust at Vienna. Bago pa sila umalis kahapon ay bilin nilang lahat na dapat ang mag-enjoy kaming mga naiwan dito. Kaya heto kami ngayon nagplanong maligo sa dagat. Hapon na kaya masarap maligo dahil hindi mainit.
"Sexy naman." puri ni Red sa akin habang nakangisi paglabas ko ng beach house. Sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa.
What I am wearing right now is a black bikini na bumagay naman sa kutis ko and then a sarong for my cover ups. Kung napapansin niyo, I like putting some cover ups kapag nagsuot ako ng bikini.Hindi sa nahihiya ako pero pabor kasi sa akin ang rumampa sa dalampasigan kapag may nakatapis sa katawan ko. Well, kanya-kanya na lang talaga tayo ng style sa buhay. But anyways, huhubarin ko rin naman ito kapag maliligo na ako. Gusto kong makita ni Keenan ang maganda kong katawan eme. Baka if ever na makita niya ako with my bikinis maging tunay na lalaki pa ahihi.
"Ikaw din naman. Baka mahulog na si kuya sayo niyan." ngising tugon ko dito. Bigla namang namula ito sabay maarteng hinampas ako.
"Shere ke telege hihihi."
Napangiwi ako. "Pabebe nito. Tara na nga."
"Iwan ko sayo girl noh." pairap na sabi nito sabay lingkis ng kamay nito sa braso ko.
"Nauna na ba sila?" tanong ko dito at nagsimula ng lumakad patungo sa dagat. Hindi ako nito sinagot kaya nilingon ko ito. Nagtaka naman ako nang mapansin kong nakatingin si Red sa may dibdib ko.
"Anlaki talaga ng dede mo girl. Ganyan ang gusto ng mga afam eh!" wika nito na siyang ikinasamid ng sarili kong laway.
"Siraulo ka talaga!"
Ngumisi naman ito pagkatapos ay inilapit ang mukha nito sa may tenga ko at bumulong na siyang ikinahinto ko.
"What if ipadede mo si Keenan diyan girl baka umusog pagkabakla 'non."
Pakiramdam ko ay biglang nag-init mukha ko dahil sa sinabi ni Red. Namumula ko siyang tinignan pero ang gaga mas lumaki pa lalo ang ngisi nito sa labi sinabayan pa ng pagtaas-baba ng sariling kilay.
"Ilan ba nahithit mo?! Diyan ka na nga." sambit ko dito at nauna ng lumakad kay Red. Narinig ko pang tinawag ako nito pero di ko na ito binigyan pa ng pansin.
Bwesit bigla akong nahiya! Si Red talaga sira ulo!
Napatingin pa ako sa dibdib ko at mas lalo akong namula nang totoo ang sinabi nito. I mean duh alam kong malaki naman talaga pero nakakahiya pa din lalo na pagsinabihan ka mismo ng ibang tao. Jusko! Pero infairness magandang suggestion 'yon.
'Matry ka later! Char.'
"Yna dito!" kaway sa akin ni Vienna nang makarating ako sa may dagat. Malapit lang ang bruha kaya agad kong narinig ang pagtawag nito sa akin. Kasama ni Vienna si Rust, si Deon pati na din si Keenan. Kahit malayo ay ramdam kong nakatitig ito sa akin kaya medyo naconscious ako pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Andito ako para maligo hindi para magpaapekto sa baklang mahilig magbigay ng mixed signals noh duh.
"Wetweew." salubong ni kuya Deon sa akin pagkatapos kong lumusong sa tubig at makalapit sa kanila. May ngisi sa mga labi nito.
Pabiro ko namang tinaponan ito ng tubig sa mukha na siyang ikinatawa ni kuya Deon at ng magjowang si Vienna at Rust.
BINABASA MO ANG
Addiction
AcakAng babae ay para sa lalaki Ang lalaki ay para sa isang babae Ngunit para sa kanya, siya na bilang isang bakla, si Keenan Fuentes, ay para lamang sa lalaki. Pero nagbago ang lahat when she met this girl Yna Zamora and they became best of friends. Ma...