Ang akala ko ay malapit lang ang pupuntahan naming beach resort with my family and Keenans. Pero nagkamali ako. Sa Batangas pala ang punta namin. Halos umabot din ng tatlong oras at alas 2 na bago kami tuloyang nakarating. It's outside from Manila kaya medyo natagalan. Gamit naming sasakyan ay ang cargo van nina bakla. Mismong daddy kasi niya ang nagpresenta kanina 'nong nasa school pa kami na iisang sasakyan lang ang gagamitin namin para less hassle daw and para na din magkakasama kami lahat sa biyahe.
Nasa backseat kami ng sasakyan nakapwesto ni Keenan at ng kuya ko. Napapagitnaan nila ako pareho. While sina mama at papa ay nasa mid seats habang si tita ay nasa front seat. And Keenan's dad was in the driver's seat at ito mismo ang nagmaneho.
I was bored the whole travel dahil wala akong makausap. Si bakla naman na katabi ko ay hindi ako inimik. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana buong biyahe. Mukhang inis pa ata sa akin dahil kanina. Iyong kapatid ko naman ay kanina pa nakatutok sa cellphone nito. Napatsk ako. Ang boring nila kasama! Pero buti na lang talaga huminto na ang sasakyan meaning andito na kami.
Lahat kami ay nakapaskil ang saya sa mukha at excited ng matanaw ang dagat. Maliban na lang kay bakla na hanggang ngayon ay wala pa din sa mood. Nanatiling nakabusangot ito at kapag nagtatagpo ang mga mata namin ay iniirapan lang ako nito.
Prolema nito?
Since iisang sasakyan lang ang gamit ng buong pamilya ay sabay-sabay na kaming lahat na lumabas. Kanya-kanya din kaming bitbit ng mga dala naming gamit. Nagpaiwan muna ang daddy ni Keenan since ito mismo ang nagmaneho at nagpaalam na ipaparking daw muna nito ng maayos ang sasakyan.
Pagkalabas namin ay agad kaming sinalubong ng mabango na simoy ng dagat. Napapikit ako dahil doon. Ang gaan sa pakiramdam. Ngayon lang ulit ako nakapagbeach simula 'nong maging busy ako sa school. Buti na lang talaga grumaduate na kami kaya wala na akong aalahanin pa. Good God! This is so exciting. Mag-eenjoy talaga ako sa celebration na 'to together with my whole fam and Keenans!
"So bigat talaga." dinig kong reklamo ni Keenan. Napukaw ang atensyon ko dahil 'don. Tinignan ko ito pagkatapos ay palihim na napairap.
Ang oa talaga ng gaga. Isang maleta lang naman ang dala nito tapos isang traveling bag anong mabigat doon? Parang di lalaki amp.
Inagaw ko ang tingin kay Keenan at nilipat sa may loob ng beach resort. Napalabi ako. Infairness maganda ang resort. Halatang private at exclusive. Hindi ko pa nakita ng buo ang loob dahil sa may entrance palang kami pero alam kong maganda ito.
Mula sa kinatatayuan ko ay nagningning naman ang mga mata ko dahil tanaw ko ang kulay asul na dagat at ang puting buhangin nito. Humugot ako ng malalim na hininga nang makaramdam ako ng kaginhawaan. Napangiti ako. Kapag dagat talaga nawawala agad ang stress ko sa buhat. Napatawa ako ng mahina. Excited na akong magswimming mamaya.
"Nak pakibitbit nga nito." tawag sa akin ni mama kaya nilingon ko ito. Nakasukbit sa balikat nito ang isang packbag habang may hawak itong maleta sa kanyang kamay.
Napatingin muna ako kay kuya. Baka kasi nagfefeeling señorito ang gago e. Napataas naman ang kilay ko nang makita kong madami din itong dala. Bahagya pang nagkasalubong ang mga kilay nito habang bitbit ang mga gamit. Himala!
Naiiling kong binalik ang tingin kay mama at nilapitan ito. Pagkatapos ay ako na mismo ang nagbitbit ng maletang kanina ay dala-dala niya. Bigla namang lumapit si papa sa akin at inabot ang mga regalo na bigay nila kanina.
Jusko ako na naman itong madaming dala. Buti na lang talaga hindi mabigat. Bakit ba kasi andami nilang dala na gamit. Para namang lilipat na kami ng tirahan nito.
"Baka makalimutan mo." untag ni papa sa akin habang inaabot sa akin ang mga regalo sabay agaw ng packbag kay mama at ito mismo ang nagdala.
Napangiti ako dahil doon. Napakagentleman naman ng tatay ko na 'yan. Sanaol.

BINABASA MO ANG
Addiction
AcakAng babae ay para sa lalaki Ang lalaki ay para sa isang babae Ngunit para sa kanya, siya na bilang isang bakla, si Keenan Fuentes, ay para lamang sa lalaki. Pero nagbago ang lahat when she met this girl Yna Zamora and they became best of friends. Ma...