CHAPTER 8

1.2K 23 7
                                    

"Oh anyare sa'yo iho?" bungad sa amin ni papa sa sala nang pareho kaming makababa ni Keenan. May dala itong isda at mukhang iihawin nila ito sa labas.

"Tito itong anak niyo jinumbag ako." maarteng sumbong nito kay papa habang kunwareng naiiyak sabay duro sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.

Pinagmasdan ko pa ang hitsura nito. Magulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot ko dito kanina. Pati ang damit ni bakla ay nagusot at wala sa ayos ang pagkakasuot.  Namumula din ang kabilang pisnge nito dahil siguro sa pagkakasapak ko dito kanina.

Deserve! Ang bastos ba naman kasi e. Ang gaga talaga kahit kailan napakabastos ng bibig!

"Binully mo na naman itong si Keenan anak." naiiling na natatawang wika ni papa sa akin. Pinanlakihan ko naman ito ng mata.

"True tito Davin. I feel so humiliated talaga." singit nito sabay aktong pinahid ang pekeng luha sa mga mata niya.

Ang arte ng bruha! Buti na lang talaga tanggap nina tita si bakla kahit baliko ito. Malaya niyang naiexpress ang sarili sa harap ng family niya at sa ibang tao. Kung hindi pa ay baka hinabol na ito ng shotgun ng daddy niya.

"Hindi pa ah! Siya kaya ang nagsimula. Ginantihan ko lang! Sinabi ba naman niyang sasakalin---". hindi ko na natapos ang nais kong sabihin nang takpan ni Keenan ang bibig ko.

"Hmmmpp!" pagpupumiglas ko kay Keenan at pilit na tinatanggal ang kamay nitong nakatakip sa bibig ko. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya sinamaan ko ito ng tingin. Ngunit ang bruha ay inirapan lamang ako bilang pagtugon nito.

'Bwesit ang lakas niya!'

Akmang tatadyakan ko ito nang pareho kaming mapalingon ni Keenan kay papa nang malakas itong tumawa. Hindi ito sumagot kaya sabay naman kaming napalingon sa isa't isa habang ang kamay ni bakla ay nanatiling nakatakip sa bibig pagkatapos ay ibinalik ang kanya-kanyang tingin kay papa na hanggang ngayon ay parang naluluha na kakatawa.

"Ok lang po kayo tito?" takang tanong ni Keenan kay papa.

Bigla naman itong huminto sabay tikhim at pilit na pinipigilan ang tumawa ulit. "Of course I'm ok. It's just that ang cute niyo lang tignan ng anak ko."

Kita kong ngumuso naman si Keenan sabay tingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Joker ka talaga tito noh. Di po kami cute tignan ng bruhilda mong anak. Look nga tito oh. Ang sama ng tingin sa akin." mahabang lintanya nito at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay papa.

"Tingin na may pagmamahal ang tawag diyan iho." natatawang tugon naman ni papa kay bakla na siyang ikinapula ng buo kong mukha.

'Kahit talaga ang hilig niyang ibuking ako!'

"Kadiri ka talaga tito. Tumayo tuloy balahibo ko." maarteng tugon nito.

Naningkit naman ang mga mata ko dahil sa naging reply nito kay papa. Kadiri pala ah.

Dahil medyo nainis ako kay Keenan ay malakas kong tinampal ang kamay nitong nakatakip sa bibig ko. Napaaray ito at pagkatapos ay sinamaan ulit ako ng tingin na siyang sinuklian ko din.

"Oh siya maiwan ko muna kayo dito mga anak. Babalik na ako sa labas para ihawin ito." putol ni papa sa amin sabay taas ng hawak nitong malaking isda.

Napairap naman ako pagkatapos ay nagdadabog na umupo sa may sofa sabay kibit-balikat. Habang si Keenan naman ay tinanguan sa papa na ngayon ay nagsimula ng lumakad palabas.

Nang tuluyan ng makalabas si papa ay agad itong tumabi ng upo sa akin. Lumayo naman ako dito ng konti dahil naiinis ako. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagsalubong ng dalawang kilay ni bakla dahil siguro sa ginawa ko.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon