"Girl bilis! Mahuhuli na naman tayo." nakangusong bungad sa akin ni Red ng makababa ako sa sala. Patingin-tingin pa ito sa kanyang wrist watch.
"Excited ka naman masyado Red. Nag-aayos pa nga 'yong tao e." reklamo ko dito habang sinusuklay ko ang sarili kong buhok. Inayos ko din ang suot kong simpleng red sleeveless dress na hanggang hita ko lang at hapit ito sa katawan ko.
Kita ko namang tumaas ang kilay nito. "Gaga! 7 na kaya. Nauna na naman sina Vienna."
Napairap ako dito. Ayaw ko talaga ng minamadali ako e habang nag-aayos tsk.
"Oo na!" walang choice kong sabi. Hindi na ako nag-abala pang magdala ng cellphone baka kasi maiwala ko pa doon. Nauna na si Red sa aking lumabas kaya sinundan ko ito.
Plano kasi namin ngayon mag-iinom sa b-bar dito sa resort. And since gusto naming itodo ang pag-enjoy dahil pang-apat na araw na namin dito, nag-aya ang mga kasama namin. Gusto ko din naman kaya forda go ang ferson.
Minutes had passed at ito na kami ngayon ni Red sa loob ng b-bar. Maganda ang loob. Native 'yong style ng bar kaya nakakagaan sa pakiramdam.
Pagkapasok palang talaga namin dito kanina ay unang bumungad sa amin ay ang patay sindi na ilaw. Sakto lang din 'yong lakas ng music at hindi masakit sa tenga. Hindi rin gaano karami ang tao kaya hindi crowded.
"Where are they na ba?" kamot-ulong tanong ni Red at palingon-lingon sa palagid.
Inilibot ko din ang tingin ko upang hanapin ang mga kasamahan namin ni Red. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanila dahil nakita ko agad ang mga ito. Nasa malapit lang sila ng bar counter nakapwesto.
"Red tara. Ayon sila." tawag ko dito. Agad naman itong lumingkis sa braso ko pagkatapos ay sabay naming tinungo sina kuya.
"Hi girls!" bati sa amin ni Kuya Deon. Si kuya Tristan naman ay nginitian kami sabay tingin ng kakaiba kay Red. Di 'yon nakita ng gaga kaya napailing na lang ako. Ibang klase talaga!
Si Vienna naman ay agad na humiwalay sa pagkikipaglampungan kay Rust at agad kaming niyakap ni Red sabay beso sa amin na siyang ginantihan din namin. Pagkatapos ng aming batian ay inilibot ko ang aking mata upang hanapin si Keenan. Nagtaka kasi ako na wala ito ngayon. I mean siya lang ang wala dito. Hindi ba siya sumama kina kuya papunta dito?
Napailing ako. Pabor na din siguro sa akin ang hindi muna makita sa bakla. Iniiwasan ko kasi ang gaga matapos may mangyari sa amin noong nakaraang gabi. But to be clear, hindi niya ako pinasok nong araw na 'yon mga bes! Kinain lang! That's all!
'Gosh naalala ko na naman. Good heavens!'
"Hoy gaga ok ka lang?" siko sa akin ni Red ng mapatulala ako. Binigyan ko naman siya na ano-sa-tingin mo look.
Lumagok ito sa hawak nitong alak kaya napataas ako ng kilay. Grabeng babae 'to. Kakarating lang namin uminom na agad. Gusto niya atang maturn-off si kuya Tristan sa kanya.
"Duh. Tulaley ka teh."
Napaiwas ako ng tingin. "W-wala ata si Keenan."
Rinig ko namang may tumawa kaya napalingon ako. It's kuya Deon. Tinaasan ko ito ng kilay kaya napailing ito. Lasing na ba 'to o may saltik lang? Anong nakakatawa sa tanong ko?
Tumayo si kuya Deon habang may hawak na baso ng alak. Inabot niya sa akin ang dala niya na siyang tinanggap ko naman. Agad din namang bumalik ito sa kanyang kinauupan kalaunan.
"Si Keenan ba? Ayon oh" turo ni kuya Deon sa may pintoan ng b-bar.
Napataas naman ang kilay ko sa aking nakita. May kausap itong lalaki. Aminin kong gwapo ito pero mas lamang pa din si Keenan ko. Noong una ay parang normal lang na pag-uusap ang ginawa ng dalawa pero maya't maya ay lumingkis na ang kamay ng gaga sa braso ng lalaki sabay tawa ng malandi. May pahampas pa ang bruha! Di ko naman maiwasan ang paningkitan ng mga mata dahil doon. Pakiramdam ko ay umusok na din ang ilong ko dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
Addiction
De TodoAng babae ay para sa lalaki Ang lalaki ay para sa isang babae Ngunit para sa kanya, siya na bilang isang bakla, si Keenan Fuentes, ay para lamang sa lalaki. Pero nagbago ang lahat when she met this girl Yna Zamora and they became best of friends. Ma...
