CHAPTER 6

1.3K 22 1
                                    

"Congratssss!" masayang bati ko kina Keenan at Lucas matapos ang seremonyas ng graduation namin.

Mabilis lumipas ang panahon, natapos na namin iyong 600 hours na ojt namin. Ang hirap maging estudyante. Andami naming pinagdaananan na hirap, lungkot at stress para lang makatungtong sa stage at heto nga kaming tatlo sabay nakapagtapos bilang cumlaude. Parehong nakaguhit ang masayang ngiti sa aming mga mukha.

"Congrats ganda." pabalik na bati sa akin ni Lucas at niyakap ako. Nakangiti ko namang niyakap ito pabalik. Marahan pa ko pang tinapik ang balikat nito at pagkatapos ay kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

Nang makakalas na ako kay Lucas ay bigla namang tumikhim ang katabi nito. Tinignan ko ito. Nakataas ang kilay nito sa akin habang nakakibit balikat. Ang suot nitong toga kanina ay nasa balikat na nito ngayon gaya ng kay Lucas.

Hindi naman ako nagpatinag at tinaasan ko din ito ng kilay pabalik. Susungitan pa ako nito ah!

"Oh bakit?" nakataas kilay kong tanong. Umirap naman ito na siyang ikinasingkit ng mga mata ko.

Rinig ko namang tumawa si Lucas kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin na siyang ikinatahimik nito ngunit nagpipigil lamang ito ng tawa.

"Tsk. tsk. Bakit si fafi Lucas lang ang may yakap tapos ako wala?" masungit na tugon nito sa akin habang nakataas pa din ang kilay.

Bahagya naman akong namula dahil sa sinabi ni Keenan. Gusto niya bang yakapin ko din siya?! Pero ang sungit niya! Kahit kailan talaga.

Napanguso ako. "Bakit ba ang sungit mo sa akin?"

Hindi ito sumagot sa tanong ko sa halip ay binuksan nito pareho ang kanyang mga bisig na parang bang iniimbitahan ako ng yakap. Nagtataka ko namang pinagmasdan ang gaga.

"Ginagawa mo oy."

Umirap ito. "Ako naman gaga."

"Ano?" taka kong tanong. Nagulat naman ako nang bigla tumabi sa akin si Lucas sabay yuko at bumulong sa may tenga ko.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Keenan dahil 'don. Napangisi ako.

Inggit ang bruha!

"Yakapin mo din daw siya." bulong ni Lucas sa akin pagkatapos ay umayos ng tayo.

May munting ngisi sa labi nito. Napaaray naman ito ng sikohin ko ito sa kanyang gilid.

"Ano na baks? Bilis nangangalay na ako." tawag pansin sa akin ni Keenan. Nakabukas pa din ang mga bising nito habang walang gana ako nitong pinagmamasdan.

Sinamaan ko ito ng tingin.

Napakademanding! Pero gusto ko din namang yakapin siya eme.

"Tagal." reklamo nito. Umirap pa ito at pagkatapos ay humakbang palapit sa akin sabay hila at niyakap ako.

Ang isang kamay nito ay nakapulupot sa bewang ko habang ang isa ay nasa may ulo ko at marahang hinahaplos ang buhok ko.

Napasinghap ako dahil don. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras ngayon. Si Lucas na kasama namin ay bigla na lamang naglaho sa paningin ko at tanging kaming dalawa lang ni bakla ang nakikita ko.

Hindi ko inexpect ito. Bigla na lamang dumagundong ang dibdib ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa ginawa ni Keenan.

Ngayon ay yakap ako ng bruha habang ang mukha ko ay nasubsob sa matigas nitong dibdib. Napalunok ako. Hindi ko inaasahan hihilahin ako ni bakla!

"Congrats, Yna." mahinang bulong nito sa akin sabay higpit ng pagkakayakap sa akin.

Heto na naman ang puso ko. Nagiging abnormal na naman. Simpleng gesture lang ni Keenan, nagiging baliw na.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon