CHAPTER 9

756 19 1
                                    

Advance Happy New Year my silent readers!

---------

"Congrats both!" masayang bati ni Vienna sa amin ni Keenan at pagkatapos ay niyakap kami nito pareho.

Kasalukuyan naming tinungo ang gazebo sa labas dahil magsisimula na daw ang celebration.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang gazebo ay napatingala ako sa kalangitan. Malapit ng dumilim. Ang bilis naman ng oras.Nagsisimula na ding magsilabasan ang kumikislap na mga bituin. Dinig ko din ang mga boses ng iilang mga tao sa labas pati na din ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Nakakarelax. And also the cold breeze of the air never fails to comfort me. Napangiti ako. This is truly heaven.

I almost forgot to share, kanina ay may dumating na dalawang bisita at iyon ay sina Zack at Frost na pinsan ko sa side ni mama. Hindi ko pa nga nakakausap ang mga iyon dahil nasa iba ang antesyon ko. Tsk.Tsk. Babawi na lang siguro ako mamaya. Mahaba-haba pa naman ang oras since limang araw daw kami dito sa resort.

"Thank you Vienna and sa regalo ko." nakangiti kong tugon nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa amin ni Keenan.

"Ang galing pareho kayong cumlaude. Proud siguro sina tito sa inyo." abot mata ang ngiti nitong untag sa akin habang sinabayan ang lakad namin ni bruha patungong gazebo.

Napakamot ako ng batok dahil sa hiya. Hindi ko ito sinagot sa halip ay napatingin ako kay bakla at halos matawa ako nang makita ko ang hitsura nito. Tahimik lamang ito sa tabi ko at ang mukha ay busangot pa din. Salubong din ang mga kilay nito. Akmang hahawakan ko ang siko ni Keenan upang kalabitin ngunit binilisan nito ang lakad at mas nauna pa sa amin ni Vienna sa gazebo.

Napanguso ako. Narinig ko namang bumungisngis si Vienna na katabi ko kaya mas lalong humaba ang aking nguso

"Lagot ka 'don." nakangising sabi nito sa akin.

Tinignan ko ito. "Eh kasi naman."

"Nabasag mo yata ang eggs niya."

Humagalpak pa ito ng tawa kaya napakagat ako ng sariling labi.

'Hindi ko naman kasi sinasadya!'

"K-kasalan niya din naman kasi." iwas tingin kong saad kay Vienna.

Mas lalo naman itong tumawa at ang gaga tinaas baba pa ang kilay. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.

"Pero maiba nga tayo Yna. Ano 'yong nakita namin kanina?"

Bigla naman akong namula ng maalala ang nangyari kanina. Si Keenan na nakapatong sa akin and then everyone saw it. Sa gulat pa ay nasipa ko ito sa kanyang ibaba. Medyo napalakas yata kaya ang resulta ay hindi ako nito inimik. Napabuntong-hininga ako. Galit na naman siguro ito sa akin.

"W-wala 'yon. Trip lang talaga ako ng bruha kanina." nauutal kong tugon kay Vienna. Tumaas naman ng bahagya ang kilay nito na para bang hindi sang-ayon sa aking sagot.

"Really? Pero anong feeling na pinatungan ng isang baklang yummy?" she asked again with a smirk plastered on her face.

Napahawak naman ako sa aking buhok at itinabing ito sa gilid ng aking tenga pagkatapos napahawak sa sariling pisnge. "Mesherep."

Dahil sa naging sagot ko ay mas lalo ulit itong tumawa. Pinapalo pa ako nito kaya todo ang naging iwas ako.

Sinamaan ko ito ng tingin. Napairap na lang din ako kalaunan ng hindi pa din ito tumigil sa pagtawa. Napatsk na lamang ako at napagdesisyonang mauna na lamang kay Vienna. Iniwan ko ito pagkatapos ay nagsimula ng maglakad patungong gazebo.

Badtrip talaga! Kasalanan 'to ni bakla e! Ako tuloy inaasar nila!

Pagkarating ko sa gazebo ay agad na niyakap ako nina mama at papa pati na din sina tita at tito. Pagkatapos ng yakapan ay bumalik ang mga ito sa kanya-kanyang mga gawa. Inilibot ko na lang din ang aking mata sa loob ng gazebo at napakunot ako ng noo nang hindi ko makita sina Red, Kuya Deon at Rust. Si bakla naman ay nasa may dulo ng upuan. Nakabusangot pa din ito at para bang may sarili itong mundo. Napailing ako.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon