CHAPTER 1

1K 27 1
                                    

Yna Zamora

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay mahimbing pa din na natutulog. Ang braso nito ay nakadantay sa aking bewang. Pareho kaming wala saplot at tanging kumot lamang ang nakatapis sa aming hubad na katawan.

Pinamulahan ako ng mukha ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Last night, Keenan was so different. He became aggressive and hungry as he tasted every inch of my body. Well, except my private part. He just made me cum using his long fingers. Halos binaliw niya ako kagabi.

Napasuklay ako sa buhaghag kong buhok.

Gosh! Anong mukha ang maihaharap ko sa baklang to kapag nagising na siya? Paniguradong nakalimutan na ni Keenan ang pinaggagawa niya sa akin kagabi. Alam kong dala lamang iyon ng alak kaya ang kapal ng mukhang gahasain ako kagabi hmp!

Pero kagabi halos di ko siya makilala. Iba ang naging tingin niya sa akin. Nandoon ang paghanga at sabik sa kanyang mga mata. Kagabi doon ko din nasaksihan kung paano naging isang tunay na lalaki ang bruha!

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang umalis sa kama. Nagpagpasyahan kong maligo muna kasi feeling ko ang baho ko na tapos may pasok din kami. Bahagya pa akong napapikit nang sa pag-apak ko sa sahig ay siya namang paggalaw ni Keenan. Umungol ito na siyang ikinalunok ko.

Jusko wag ka muna gumising!

Ingat na ingat akong tumayo upang hindi makagawa ng anumang ingay at pagkatapos ay dali-daling pumasok sa loob ng banyo na tanging kumot lamang ang nakatapis sa aking katawan. Pagkapasok ko sa banyo, ang unang bumungad sa akin ay ang hitsura ko sa salamin. Buhaghag ang buhok, nagkalat din ang mascara sa aking mga mata. Para tuloy akong aswang!

Namula naman ako nang mapansin ko ang pantal-pantal sa may bandang leeg ko. Pinakinatitigan ko ito at bigla atang umusbong ang usok sa aking ilong nang mapagtanto ko kung ano ang mga iyon.

That jerk! How dare he to leave some kiss marks on my neck!

Inalis ko din ang pagkakatapis ng kumot sa katawan ko at halos malaglag ang aking panga dahil sa nakita. Ang dami kong kiss mark! May lima sa bandang dibdib pababa sa may puson ko. Meron din sa may hita ko.Buti na lang madali ko itong matatakpan pero ang marka sa leeg ko hindi. Damn paano ba 'to.

Naningkit ang aking mga mata.

Diring-diri ka pa sa aking bakla ka tas kagabi halos kainin mo na ako ng buhay!

Namula naman ako nang maalala ko ulit ang nangyari kagabi. Kung paano niya ako halikan, kung paano niya paglandasin ang kanyang dila sa aking balat. Kung paano niya ako hawakan sa ibaba. Napailing ko at biglang napapaypay. Shit bakit bigla atang uminit ngayon.

Erase! Erase! Don't even think about it girl! Dala lamang iyon ng alak.

Ilang beses pa akong huminga upang ikalma ang sarili bago tuluyang naligo.

Hindi na ako gaanong nagtagal sa loob ng banyo dahil may hinahabol akong oras. May kailangan pa akong ipasang requirements bago kami makapag-ojt. Kompleto na naman mga requirements ko kaya ipapasa ko na lang.

Plano ko talagang magpass ng maaga para wala na akong poproblemahin. Siguro dapat mga 9 nasa school na ako.

Gamit ang nakatapis na kumot na suot ko kanina ay lumabas ako ng banyo ng walang ingay. Napatingin pa ako sandali sa kama nang makita kong natutulog pa din ang bruha! Nag-iba na ang posisyon nito ngayon. Kung kanina ay nakatagilid ito ngayon naman ay nakatihaya na. Yakap nito ang unan na gamit ko. Ang kumot naman ay nakatapis sa bandang ibaba nito kaya kitang kita ko ang malamuscle nitong katawan.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon