CHAPTER 4

830 17 1
                                    

Gabi na ng makarating kami sa condo  ni Keenan. Kanina ay talagang sinundo ako ng gaga at muntik ko pa itong masabunotan dahil sa inis. Pero ang bruha tawa lang ng tawa.

Nauna na akong pumasok sa loob habang si Keenan naman ay malaki ang ngiting nakasunod sa akin. Nang nasa sala na kami ay agad akong sumalampak sa couch habang nakabusangot ang mukha sabay hubad ng suot kong sapatos.

Sinamaan ko ito ng tingin nang umupo din ito sa dulo ng couch at pagkatapos ay maarteng pinagcross ang dalawa nitong hita.

"Alis diyan naalibadbaran ako sayo." inis kong saad dito.

Tinaasan ako nito ng kilay pero maya-maya ay ngumisi ito ng nakakaloka tila mas lalo pa ako nitong ininis.

"Isang ngisi mo pa tatamaan ka sa aking gaga ka." banta ko dito habang dinuro-duro pa.

Imbis na tumigil ay mas lalo pa itong ngumisi na siyang ikinausok ng ilong ko.

"Easy there baks. Bakit ka ba inis na inis sa akin hahaha." and with that he laugh.

Binigyan ko ito ng nakakamatay na tingin.

"Oh look at that face haha. Inis ka ba dahil kanina hahaha. Shocks don't tell me nag-expect ka talagang gagawin ko 'yon?" mapaglarong usal nito at ang bruha umaakto pang nagulat sabay takip sa bibig nito.

"Oemji kadiri ka. You know naman mas bet ko pa ang talong kaysa sa tahong. Like duh I can't imagine eating someone's tahong." dagdag pa nito. Maarte pa nitong pinaypayan ang sarili.

"Duh ako nag-expect? Masyado ka namang feeler diyan!" pagsisinungaling ko dito sabay irap.

Kita ko namang napanguso ito. Maya-maya ay bigla itong umusog ng upo sa akin kaya napaatras ako sa gulat.

"Ang arte nito. Umusog lang e." irap nitong pagkakasabi. Bahagya pa nitong hinawi ang buhok nitong tumatabon sa kanyang noo. Pagkatapos ay nakangisi ulit itong nakatitig sa akin.

"Pero nag-expect ka talaga baks noh that I'll lick your.....ano." biglang sabi nito sabay bitin ng pagkakasabi sa huli. Kita ko pang pinasadahan ako ng tingin sa mga hita ko kaya namula ako at napatakip doon gamit ang bag ng wala sa oras.

"Pervert ka?! Stop looking at me down there?!" namumula kong untag dito.

Pinatid ko pa ito nang mapansin kong sumulyap ito saglit doon.

"P-pinagsasabi mo diyan. I'm not looking at your ano ...I w-was looking at the floor. Ikaw itong feelingera." utal-utal nitong pagkakasabi sabay iwas ng tingin. Kita ko pang naging malikot ang mga mata nito siguro ay para iwasan ako.

Pansin ko namang namula ang gaga.

"B-bastos ka talagang gaga ka! Kita kong nakatingin ka!" namumula kong duro dito.

Napatayo pa ako upang pakalmahin ang sarili ko. Di ko alam pero sobrang nakakahiya ngayon. Napahawak pa ako sa pisnge nang makaramdam ako ng init doon.

" F-feeler ka.Makaalis na nga dito." di pa ako nakareact nang agad itong tumayo at nagmamadaling pumasok sa kwarto nitong nasa kanan.

Napaigtad pa ako ng malakas nitong isinara ang pinto ng kwarto.

Problema 'non.

"T-that jerk." mahinang wika ko sa sarili. At dahil di pa ako nakamove on sa ginawa nito kanina ay tinungo ko ang sariling kwarto na nasa kaliwa na nakahawak pa din sa aking pisnge.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humugot muna ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang aking sarili.

Nang medyo kumalma na ako ay saka ako nag unat ng katawan bago napagpasyahang pumasok sa loob ng banyo upang maligo.

Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay inisa-isa kong hinubad aking mga damit.

Now I am fully naked.

Agad naman akong pumailalim sa shower. Napapikit pa ako ng tumama ang malamig na tubig sa aking mukha pababa sa hubad kong katawan.

Napaungol pa ako ng marahan nang makaramdam ako ng kaginhawaan. Ang daming nangyari sa araw na 'to idagdag mo pa ang kakabalaghang nangyari sa amin ni Keenan weeks ago which is still fresh pa din para sa akin.

Good thing he didn't ask me about what really happened. Kung bakit hubad ang bakla paggising nito. I wonder, bakit kaya hindi naghisterical ang gaga.He looks normal like nothing happened. Maybe he did really forget it. Well, I am a bit disappointed dahil talagang nakalimutan niya nga but I feel at ease at the same time. Siguro ay dahil ayaw kong magiging awkward ang pakikitungo nito sa akin.

Pero heto ako naman ang nakakaramdam ng awkwardness sa aming dalawa!

Mga halos 20 minutes din ang itinagal ko sa loob ng banyo bago naisipang tumigil at lumabas na. Pero bago ako tuloyang lumabas ay kukunin ko na sana ang bathrobe na nakasabit malapit sa may pinto ng banyo when I noticed na wala iyon doon. Napatampal naman ako sa noo nang maalala kong nilabhan ko pala ito kahapon at nilagay ko sa kabinet.

Kaya no choice ako kung hindi ang lumabas ng nakahubad. Confident ko namang tinungo ang kabinet since ako lang naman ang nasa kwarto. Pakembot-kembot pa akong lumakad hanggang nasa mismong harapan na ako ng aking kabinet.

I was busy humming and was about to open my cabinet nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Shit. Nakalimutan kong ilock ang pinto!

Gulat ko itong nilingon only to found out that it was Keenan. Bagong ligo din ito dahil sa basa nitong buhok. Nakasuot ito ng plain white shirt at itim na pajama.

"Baks---" naputol ang nais sana nitong sasabihin ng marealize nito ang hitsura ko.

Naestatwa ito. But I saw how his eyes glued on my exposed body lalong lalo na sa dibdib ko. Kita ko pa ang pagtaas-baba ng adams apple nito.

"Ahhhhhh...Putang-ina ka Keenan!!" malakas na sigaw ko at nagtatarantang tinakpan gamit ang dalawa kong kamay ang hubad kong katawan. Ang isa ay sa dibdib ko ang isa naman ay sa aking ibaba.

Sobrang nakakahiya! Pulang-pula na ang mukha ko!

Mas lalo pa akong napasigaw nang hindi man lang ito gumalaw mula sa kinatatayuan nito sa halip ay mas titig na titig pa ito sa akin.

"Eyes up here Keenan! Stop looking!" sigaw ko pa ulit.

Napakurap naman ito ng dalawang beses pero hindi pa din ito gumalaw.

"Keenan!" naghihisterical kong tawag dito. Natataranta na ako.

This time gumalaw na ito. Napalunok pa ito ng ilang beses bago tinitigan ako sa mukha at nag-iwas ng tingin.

"S-sorry I didn't mean to.." nauutal nitong tugon. Kita ko ang pamumula ng buong mukha nito.

"Labas ka muna! Shit ka talaga!" pagtataboy ko dito sabay natatarantang binuksan ang kabinet gamit ang isa kong kamay na nakatakip sa aking dibdib.

I saw how Keenan's eyes widen nang makita niya ang exposed kong dibdib.

"Bastossss! Labas!" pasigaw kong taboy dito sabay dali-daling kinuha ang roba at sinuot.

Kita ko naman itong napalunok at nag iwas ng tingin. Napahigpit pa ang kapit nito sa door knob.

"Y-yeah. Sorry." pagkatapos 'non ay wala pang ilang segundo nang dali-dali itong umalis. Nagpanick pa ang gaga at muntik ng madapa.

Nang tuloyan ng makaalis si Keenan ay nagmamadali ko namang tinungo ang pinto ng aking kwarto upang ilock.

Huminga pa ako ng malalim at napahawak ng mahigpit sa tali ng roba at sinubukang ikalma ang sarili.

I was out words. Di ko alam ang sasabihin.

Napalunok pa ako ng ilang beses at nahiya kalaunan nang maalala ko kung paano ako tignan ni Keenan kanina. Kung paano niya tignan ang katawan ko. Gagong bakla na 'yon!

Shit! Nakakahiyaa!

Paano ako lalabas nito mamaya. Wala akong mukhang maihaharap kay Keenan.

To be continued.....

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon