CHAPTER 11

879 25 4
                                    

Kinabukasan, paggising ko ay tanging ako na lamang ang naiwan sa kwarto. Hindi ko na makita sina Red at Viena. Kukusot-kusot mata ko pang nilibot ng tingin ang buong kwarto upang icheck sila ngunit di ko na sila mahagilap. Napabusangot ako. Kaya pala ang tahimik, nauna na palang gumising ang mga gaga! Mga walang hiya talaga. Di man lang nila ako ginising! Lagot sila sa akin mamaya.

Bigla naman akong napatingin sa wall clock at dali dali akong napabangon nang makita kong malapit ng mag alas nuwebe. Napakamot ako sa sariling pisnge. Napahaba pala ako ng tulog tsk. Pero kahit na ganon ay inaantok pa din ako. Pakiramdam ko ay kulang pa din ako sa tulog. Dahil talaga 'to kagabi e jusko! Kung hindi ba naman ako nilandi ng bakla na 'yon!

Napahawak naman ako sa aking tiyan nang biglang humilab ito. Alright! Gutom na ako kaya kailangan ko na talagang bumangon.

Kahit na medyo sabog pa ako ay pupungas akong umalis ng kama. Pagkaalis ko ng kama ay nag-unat muna ako ng katawan upang mahimasmasan. Pagkatapos 'non ay saka ko napagdesisyonang magpalit ng damit at mag-ayos ng sarili. Una ay kumuha na muna ako ng susuotin sa bag ko pagkatapos ay nagpalit para paglabas ko ay magmukha na akong tao. Now, I am wearing a white crochet bralette on my top na pinarisan ko naman ng itim na shorts and a beach kimono for my cover ups. After kong magbihis, ang mukha ko naman ang sunod kong pinagtuonan ng pansin. Naghilamos na ako ng mukha kanina kaya hindi na ako nag-abala pang linisan ito but chineck ko pa rin kung may muta ba o wala. Pagkatapos 'non ay nilagyan ko ng konting pulbo ang mukha ko. Nag-apply na din ako ng konting liptint sa lips para hindi ako maputla tignan. Ang buhok ko naman ay napagpasyahan kong lang na ipusod.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dinouble check ko pa sa salamin ang aking sarili upang tignan kung ok na ba ang hitsura ko. Halos napatampal naman ako ng noo nang makalimutan kong takpan ang kiss mark na iniwan sa akin ni Keenan kagabi. Dali-dali kong tinungo ang bag ko at hinanap ang concealer doon. Nang makita ko ito ay agad kong tinakpan ang kiss mark na nasa leeg ko gamit ito. Nang ok na ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Pagkababa ko ay tanging nadatnan ko lang sa sala ay si kuya Deon na abala sa pagkalikot ng cp nito. Di ko makita sina mama at sina tita. Even kuya Tristan, Rust, Keenan and my two cousins ay wala. Napabusangot ako pagkatapos ay salubong ang kilay na nilapitan si kuya Deon.

"Nasaan ang mga tao dito?" nakamewang na tanong ko kay kuya Deon nang makalapit ako dito pagkatapos ay kinalabit ito.

Nag-angat ito ng tingin sa akin sabay ngumiti. "Good morning Yna."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Walang good sa morning ko kuya."

Natawa naman ito dahil sa sagot ko sabay tayo at ginulo ang buhok ko. "Ang aga-aga ang sungit mo."

"Saan sila? Bakit ikaw lang ang andito?" ulit kong tanong kay kuya Deon. Inilibot ko pa ang tingin dito sa sala ng beach house. Mula dito sa loob ay dinig ko ang ingay ng hampas ng alon sa dagat.

Kita ko namang napakamot ito ng ulo. "Di ko nga alam e. Pag gising ko 'di ko  na din sila mahagilap. Akala ko nga ako na lang naiwan dito ikaw din pala."

Napanguso ako. "Itext mo nga sila kuya. Di ko sila matext wala akong load e."

"Tinext ko na sila pero wala pang reply." tugon nito sa akin sabay balik ng upo. Sumunod naman ako dito pagkatapos napahawak sa tiyan ko ng tumunog ulit ito.

Rinig ko namang natawa si kuya Deon kaya nakanguso kong tinignan ito.

"Anong nakakatawa?"

Natatawang umiling ito sa akin sabay kalikot ulit sa cellphone nito. Hindi na ito nagsalita pa kaya napasandal na lamang ako sa sofa sabay pikit ng mga mata. Bigla yata akong inantok ulit. Psh.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon