CHAPTER 2

859 21 2
                                    

Mabilis lumipas ang oras at heto ako ngayon kakatapos lang magpasa ng mga requirements for our ojt. At laking pasasalamat ko dahil magsisimula na kami bukas. BS in Hotel and Restaurant Management ang kinuha ko dahil to be honest wala akong maisip kung ano talaga ang gusto kong kunin. Noong una never akong nagkainterest sa program na kinuha ko but at the end of the day natuto ko itong mahalin hanggang sa malapit na akong grumaduate which sobrang ipinagpapasalamat ko.

Habang si Keenan naman ay BSBA in Financial Management. Hindi ko din alam kung bakit ito ang kanyang kinuha pero ang sabi niya dati ay trip-trip lang din daw niya.

Para talagang siraulo ang bakla na 'yon.

Ngayon, kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng building namin.Napatingin naman ako sa aking relo nang mapagtanto kong kaka-11:30 lang. Medyo madami-dami na din ang mga estudyanteng nakakasalubong ko ngayon. Siguro ay break time na din ng mga iilan.

Bigla naman akong napahilot sa aking sentido ng bahagyang pumitik iyon. Mukhang ngayon lang yata gumana iyong hangover ko.

Napailing ako.

Wala pa naman akong dala na gamot. Uuwi na lang siguro ako total wala na din akong gagawin dito.

Tahak ko ang daan palabas ng building hindi nakatingin sa dinadaanan kaya ang resulta ay nabangga ako sa kung sino man.

Magsosorry na sana ako nang makilala ko kung sino ito. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at masamang akong tinitigan.

Bigla akong napalunok.

"K-Keenan" sabi ko sabay hilaw na ngumiti. Kinaway ko pa ng konti ang isa kong kamay upang di mahalatang kinakabahan.

Tumiim ang bagang nito at mas lalo akong sinamaan ng tingin.

"I ahmm..m-magpapasa ka pa lang ba ng requirements?" I asked. Tinignan ko pa ito kung may bitbit pero wala akong nakita. Siguro tapos na din itong magpasa.

Mas lalo pa akong napalunok nang hindi maipinta ang hitsura nito. Ni walang kangiti-ngiti ang mukha nito na siyang ikinapikit ko. Ramdam ko din ang bigat ng awra ni Keenan.

Shit. Dapat di ko siya kakausapin e!

"M-mauuna na ako sayo ah." saad ko dito sabay nag-aalinlangang ngumiti. Wala akong nakuhang sagot mula dito.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Uuwi na ako.

I need to avoid him.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hinigit ang braso ko dahilan ng aking paghinto. Nanlalaking ang mga matang nilingon ko ito.

I was super shocked. I saw how his eyes becomes even more darker. His stares, it gives me shiver. Para akong ililibing niya ng buhay!

"M-may kailangan ka ba? Is it about the breakfast kasi nakalimutan ko?" kinakabahan kong tanong.

Ansama ng tingin niya sa akin!

"You..I am pissed right now so how dare you to just walk away like that." matigas na pagkakasabi nito habang ang bagang nito ay tumitiim.

Tinignan ko ito at napalunok. Talagang inis na inis na nga! Gone the girly Keenan. All I can see right now is the super manly Keenan. Iwan ko ba pero mas lalong naging hot siya ngayon jusko.

Napakagat ako ng labi. He is still gripping my arm but not enough to hurt me. Tinignan ko ang kamay nitong nakahawak sa braso. Damn maugat.

Bigla naman akong namula nang maalala kong iyon pala ang ginamit niya kagabi to make me reached the heaven.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon