CHAPTER 3

1.3K 23 6
                                    

Mabilis lumipas ang araw at heto ako ngayon pang-limang araw na sa pag-oojt sa isa sa mga kilalang Italian Restaurant dito sa lugar namin. Kasama ng anim kong classmates ay ginampanan namin ang pagiging restaurant steward.

At dahil kilala ang restaurant na pinag-oojtihan namin ay dagsa ito ng mga tao. Halos busy kaming lahat at wala ng time magpahinga. Nakaassign kami nina Faye at Kyle sa paghuhugas ng mga plato at paglilinis sa kusina.While my other three classmates, Cassy, Nico, and Drake tends to assist in keeping the restaurant and lounge clean.

Nakakapagod ngunit sobrang worth it at enjoy naman.Ikalimang araw palang namin pero ang dami ko ng natutunan. 6 am until 5 pm 'yong oras ng ojt namin kaya parang halos bugbog sarado ang katawan ko.

Bahagya ko namang minasahe ang balikat ko nang makaramdam ako ng pagod.

"You okay?" biglang sabi ni Kyle habang tinutuyo ang bagong hugas na plato gamit ang malinis na towel. Nilingon ko pa ito at tumango. Lumapit naman si Faye sa amin at humikab.

"Tiis lang us girl. Pagkatapos nito graduate na tayo." nakangiting wika nito.

Ngumiti ako at pagkatapos ay nagpatuloy sa ginagawa.

Time had passed at alas 5 na so ibig sabihin tapos na ang oras ng ojt namin. Kanya-kanya na kaming nagsilabasan sa restaurant pero bago yan ay nagpaalam muna kami sa manager.

Pagkalabas namin ay agad akong napainat ng katawan ganon din ang ginawa nina Faye at Cassy. Shit parang gusto ko ng umuwi at matulog.

"Grabe nakakapagod." reklamo ni Cassy sabay suklay ng buhok.

Nagstretch naman si Faye habang ang tatlong lalaki kanyang unat din.

"Uuwi na ba agad kayo?" tanong ni Nico sa amin.

Sabay namang tumango sina Faye at Cassy habang ako ay panay hilot ng aking balikat. Ramdam ko namang may tumabi sa akin kaya nilingon ko ito.

"Kaya pa?" Kyle asked.

Tumango ako at napanguso. Sa loob ng limang araw kaming anim ay naging magkalapit sa isa't isa. Especially sina Kyle at Faye since sila ang kasama ko sa kusina.

"Parang gusto ko na lang maging kamote." biro ko.

Natawa naman ang mga kasama ko.

"Ikaw uuwi ka na agad?" tanong niya ulit.

Tumango ako at napatingin sa paligid. Maraming naglalakihang mga gusali at maiingay na tunog ng mga sasakyan. Madami ding mga tao ang nagkakalat. Umangat naman ang aking tingin sa kalangitan. Kita kong malapit ng magdilim.

Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako.

"Wag muna kayo umuwi. Palamig muna tayo." usal ni Drake at inakbayan si Cassy.

Napaaray naman si Drake nang sikohin siya ni Cassy kaya napatawa ako.

"Nako kayo na lang. Kailangan ko ng umuwi."pagtanggi ko.

Napatingin ako sa aking relo only to find out na malapit ng mag-alas 6.

Ang bilis ng oras.

Wala sa oras na napatingin ako sa bag kong dala ng tumunog ang cellphone ko don. Agad kong kinuha ito at binuksan. Bumungad sa akin ang text ni Keenan.

'Baks out ko na. Done na ba ojt mo? Sundoin kita.'
-Keenan.

Di ko mapigilan ang mapangiti nang mabasa ko ang text nito.

'Wag na. Kaya ko na baks umuwi ka na lang ng deretso.' pagtipa ko at pinindot ang reply button.

Napaigtad naman ako nang biglang may sumundot sa bewang ko.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon