CHAPTER 10

844 22 2
                                    

Kanina pa ako nakatayo dito sa loob ng banyo habang nakatingin sa sarili sa harapan ng salaman. Marahan pang nakangiwi ang mukha ko.

The bikini that I am wearing right now is super good. Wala akong problema if magsusuot ako ng ganito since di naman ako masyadong mahiyain. Well, it depends on the clothes that I wear. But the problem is sobrang sexy nito. Sobrang kitang-kita na ang kaluluwa ko pati na ang kurba ng katawan ko kasi nga bikini. The vibrant red color of the bikini really emphasizes my white skin.

'Inaamin ko sobrang ganda at ang sexy ko sa suot ko ngayon!'

Napahawak ako sa dalawang dibdib ko. I can tell na halos lumuwa na ito sa bikini na suot ko! Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako hindi. Bwesit! Bigla yata akong nahiya. Para tuloy akong malandi sa paningin ko jusko.

'Malandi na maganda bwahaha!'

Bigla naman ako napaigtad nang may kumatok sa pinto ng banyo. Napabitaw ako sa dalawa kong dibdib pagkatapos ay lumapit sa pinto. Kinuha ko muna ang t-shirt na suot ko kanina at isinuot ulit ito. Di na ako nag-abalang magsuot pa ng lower pants since maluwag naman ang damit ko at hanggang hita ko iyon.

Inayos ko na din muna ang hitsura ko pagkatapos ay binuksan ng konti ang pinto ng banyo. Bahagya ko pang inilabas ang ulo ko upang icheck kung sino ang kumatok. Nang makita kong si Red ito ay agad kong nilakihan ng bukas ang pinto.

Nakapamewang itong humarap sa akin. Malaya ko namang napagmasdan ang kabuuan nito. She's wearing a color olive green bikini. Bumagay ito sa kutis niyang hindi maitim at hindi rin maputi. The bikini she's wearing is perfect for her.

"Hoy ano yan 'te? Hubadin mo nga 'yang damit mo." nakapamewang na saad nito sa akin.

Napanguso ako. "Mamaya na kapag naligo na tayo."

Inirapan naman ako nito sabay kuha ng tuwalya na nakasabit sa may upuan ng kusina pagkatapos ay tinapis sa kanyang bewang.

"Tara na nga malapit na mag 10:30." lintanya nito sa akin sabay pihit patalikod at nagsimula ng lumakad palabas ng beach house.

Napakamot naman ako sa aking pisnge at tinanguan si Red pagkatapos ay sinundan. Di na ako nag-abala pang kumuha ng tuwalya dahil may damit naman ako na suot.

Pagkalabas namin ng beach house ay agad na sinalubong ako ng malamig na hangin. Dahil tanging damit lang ang suot ko ay nakaramdam ako ng lamig sa aking binti. Napahawak naman ako sa sariling buhok ng nilipad ito ng hangin. Napatingin ako kay Red. Nakalabas na ito ng gate kaya dali-dali ang mga naging hakbang ko.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang tawagin ako ni kuya Tristan. Nagkakamot ng ulo ko naman itong nilingon. Paglingon ko dito ay agad na bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni kuya at ng kanyang mga kasama. Halatang mga lasing na ang mga ito lalong lalo na si Frost na ngayon ay nakatulala sa ere. Nakanganga pa ang bibig. Parang baliw lang!

Si kuya Deon naman ay salubong na kilay na nakatingin sa akin, namumungay ang mga mata nito at pulang-pula na din ang mukha pati na si kuya. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa kay bakla dahil alam ko na kung ano ang hitsura nito ngayon. Paniguradong malakas na ang tama ng gaga. Ramdam ko pa nga ang matalim na titig nito sa akin.

"Maliligo kuya. Papalamig lang." tugon ko sa kapatid ko.

Mas lalong napakunot naman ang noo nito sabay tingin sa kanyang wristwatch. "Maliligo? Malapit ng mag 11 Yna."

"Eh ano naman. Kasama ko naman si Red." plain kong saad kay kuya Tristan.

"Bukas na kayo maligo. Delikado baka mapano pa kayo." masungit na saad nito sabay tagay kay kuya Deon na ngayon ay lutang na tumatango na para bang sumasang-ayon sa kapatid ko.

Addiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon