CHAPTER 17

69 5 0
                                    

JEFFREY'S POV

Pabalik ako sa Room namin habang hinahabol si Sophia hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko ,Napaka Put*ngina ko, kami na sa sana ngayon ng babaeng minamahal ko pinaniwalaan ko Yung isipan ko na di nya sagutin napakagago ko!!!

“Jeffrey” saad nitong si Shinie nang habulin ko si Sophia,si shinie ay hindi namin ka klase kundi katabi lang ng Section namin at nung gabing nag date kami ni Sophia ay nagconfess sakin si Shinie na gusto nya ko kaya ang ginawa ko non ay niligawan ko sya ,oo ganon kadaling niligawan ko sya ng isang araw lang dahil NapakaP*ta ko nagpadala ako sa isipan ko.

Agad akong tumakbo patungo sa Room at hinahanap si Sophia.

“S-saan si Sophia?”tanong ko rito sa mga kaibigan ni Sophia

“umuwi muna si Sophia sa kanila at kung may plano kang sundan sya wag na wag mong gagawin yun Jeffrey”

“Support pa naman kami sayu noon para ka Sophia pero manloloko ka rin pala Jeffrey”

“h-hindi nyo kase ako Naintindihan”

“naiintindihan ka namin gusto mo na agad sagutin ka ni Sophia”

“True willing to wait daw pero naghanap ng easy to get hahaha”

Umalis nalang ako at hinayaan ko nalang ang mga pinagsasabi sakin ng mga kaibigan ni Sophia,ang importante ngayon ay makausap ko sya.

Pagdating ko sa May Gate ay naka sirado na eto at hindi na pwedeng lumabas.

“Guard p-pwede lumabas mo na ako may pupuntahan lang ako saglit”

“Hindi na pwedeng lumabas iho, bumalik ka nalang Classroom mo”

HAYS KUNG MINAMALAS NGA NAMAN, KAYLANGAN MAMAYA MAKALABAS AKO, KAILANGAN KONG MAKAUSAP SI SOPHIA.

Bumalik nalang ako sa Classroom namin at tahimik na nakaupo,habang nagdidiscuss si maam ay patago kung Kinuha ang Cellphone ko,gusto kong i message si Sophia Ngunit pag open ko ng Facebook account ko ay naka block na ako sa kanya,paano na kaya to, Kumusta na kaya si Sophia ngayon? Kasalanan ko to eh,sumuko agad ako,kami na sana ngayon.

*****

SOPHIA'S POV

“Okay lang Sophia,madami pa namang iba jan shaka wag kang mag alala, pagsasabihan ko ang ate ni Jeffrey na hindi na sya pwedeng pumunta rito”

“bakit ganon ate kung kailan sasagutin ko na sya,don na sya sumuko”

“naku hayaan mo yun,alam mo may dahilan ang Lahat kaya nangyare yan”

Napayakap nalang ako sa ate ko,sya lang kase Ngayon ang mapagsasabihan ko pag may problema ako.

“ate pasok muna ako sa Kwarto ko ah”

“s-sege basta wag kang magpadala sa Jeffrey na yun ah,madami pa namang iba jan” tumango nalang ako at agad na umakyat patungo sa kwarto ko.

Hindi ko maiwasang mapaiyak sa mga nangyayari sakin ngayon,kaya ba nangyare to dahil maaring mahal ko pa si Kuya Steven? Hays ewan ko ba nagugulohan na ako,Pero siguro mali rin ako,mali na binigyan ko ng chance si Jeffrey kung Hindi parin naman nawawala ang pagmamahal ko kay kuya Steven.

umiiyak parin ako Ngayon habang nakahiga sa kwarto haha Ang sakit kase eh lalo na yung tungkol kay kuya Steven dahil hanggang ngayon naaalala ko parin kung pano sila naghalikan ni ate Lorraine.

*****

AFTERNOON

JEFFREY'S POV

Kailangan kung puntahan si Sophia ngayon,hindi na ko kumain,mas importante sakin si Sophia,sana mapatawad nya pa ako.

Love Me And Forget Your AgeWhere stories live. Discover now