Nakalabas na kami ng Gate ngayon ni Jeffrey, sa totoo lang natutuwa nakong kasama si Jeffrey.
“Sophia, antayin lang natin sundo ko ah,sumabay kana samin”
“m-may taga sundo ka pala?”tanong ko rito haha sa bagay mayaman ba naman.
“oo si mang John di mo lang sya nakita nung pumunta kayo sa bahay dahil rest day nya yun” sagot nito kaya pala walang Guard don at mga katulong nung pumunta kami haha.
“ah p-pero Jeffrey sasakay nalang ako trycicle”
“ano kaba wag na”
“Jeffrey nakakahiya kase”
“Sophia sege na naman para naman malaman ko ring saan ka nakatira hehe.” nakangisi pang sagot nito.“eh andon na si mang John oh tara na” saad nito saka hinawakan ang kamay ko patungo sa Sundo nya haha sanaol Ganda ng kotse.
“J-jeffrey wag nalang kase”
“sege na sophia bat ka pa mahihiya sakin eh Magiging Asawa rin naman kita hehe”
“siraulo haha”
“dali na pasok kana” saad nito kaya pumasok nalang ako sa kotse haha nakakahiya.
Napapanibagohan akong sumakay ng kotse shempre hindi ako kasing yaman ni Jeffrey eh haha.
“oh sophia okay ka lang ba jan?”
“o-okay lang”
“parang giniginaw ka ah, e-eto oh Jacket”
“naku haha wag na Jeffrey malapit na rin naman rito ang bahay namin eh haha”sagot ko rito haha naalala ko tuloy yung Jacket ni Kuya Steven,sa totoo kase tinago ko yun gusto ko namang isuli pero nahihiya na rin kase ako dahil naanohan ko yun ng dugo hehe pero natapos ko ng labahan yun ah baka ano iniisip nyo jan.
“J-jeffrey bababa nako”
“ah dito ka pala nakatira”
“oo salamat Jeffrey ah” saad ko saka lumabas ng Kotse
“ano kaba wala yun” sagot naman ni Jeffrey at lumabas rin ito.
“b-bakit ka pa bumaba”
“may tatanong lang san pala yung bahay nyo jan?”
“yun oh,turo ko rito. S-sege Jeffrey papasok nako sa bahay ah”
“ah sege”
“ sege alis na rin kami hehe love you”
“haha iloveyou mo mukha mo haha btw ingat” saad ko saka umalis at ngayon ko lang napansin na nakatingin pala si Steven samin nakaupo ito sa may basketball court. Tinitigan ko ito at di ko nginitian patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa bahay namin.
“sophia” rinig kong boses nito at palapit ito saakin.
“b-bakit po?”
“s-sino yun?”
“ah k-kaibigan ko po”
“kaibigan ba talaga? Alam mo kung kaibigan mo yun hindi ka dapat nagpapahatid ron baka may masamang plano yun sayu”
“naku mabait po yun”
“nanliligaw ba yun sayu?”
“opo”
“Ano?! Sophia pumapayag kang may nanliligaw sayu! Sophia b-bata ka pa b-bak--”
“eh okay lang naman keyna mama na magkaboyfriend ako eh basta hindi lang maapektohan yung pag aaral ko”
YOU ARE READING
Love Me And Forget Your Age
RomanceDo you believe that age doesn't matter? Si Sophia ay isang batang babaeng 7 years old, dumating sa puntong kailangan ng magtrabaho ng nanay ni Sophia, at ang pinabantay rito ay ang isang lalaking si Steven,15 years old. at anak ng kaibigan ng nanay...