Kumain si Mia at 8p.m at diretsong nahiga ,sumasakit ang tyan nya kaya umupo sya .... naramdaman nyang parang may bumabang tubig sa tyan nya ... un pala ung kinain nya .... pero sahalip na maghintay ng ilang oras bago matulog ay natulog sya agad-agad.....
Nagising sya ng mga 2:45 p.m ,sumasakit ang puso nya pati ang tyan nya.
Akala nya masakit ang puso nya dahil kulang lang sa ehersisyo ,napagdesisyunan nyang mamaya nalang mag-exercise at akala nya din na gutom lang sya kaya masakit ang tyan nya kaya kumain sya ,makalipas ang kalahating oras ay natulog na naman sya.
Nanaginip sya -masasamang mga panaginip (lahat ay possible sa panaginip).
Di nya gaano matandaan ang mga pangayayari sa panaginip pero ito ang ilan sa mga ito.....
In her Perspective: 1st POV
Walang kailaw-ilaw ang paligid pero nakakakita ako ngunit napakalabo,madilim at tila mga anino lang ng mga bagay-bagay ang aking naaaninag..... akala ko napakalabo na ng mata ko pero dark at cold na lugar iyon.....Nagbago ang eksena
Merong Apocalypse ,may mga zombie ,nasa kwarto ako pero may hawak na kutsilyo- hindi ko alam san nanggaling iyon pero basta nalang nasa kamay ko..... lumabas ako ng kwarto dahil hindi ako pwedeng matrapped sa kwartong iyon dahil magsisipasukan na ang mga zombie ... hindi ako makakasurvive dahil walang pagkain sa kwarto ko, may isang zombie ang sumugod sakin.... mabagal at mahina ito pero ang hirap nitong patayin dahil napakahina ko ... pababa na sana ako ng hagdan (nasa 2nd floor ako) ng makita ko sa bintana na napakadaming zombie ang nasa gate namin na pilit sinisira ito at papasok na ang iba,may iba naring nkapasok ..... kaya pumunta ako sa balcony ..... may ilang dumdaan sa daan na zombie rin .... balak ko sanang tumalon sa balcony papuntang kalsada pero nagbago na naman ung lugar.....Di ko gaano matandaan tong isang to + di rin maayos tong panaginip nato kasi ung pagkakasunod-sunod ay walang sense.
May Apocalypse din toh, nasa school siguro ako kasi nandun mga kaklase ko at pamilya ko.... Sa parking lot kung san nakaparada ung bike at mga motor ,sumakay ako sa bike na ung upuan pang motor....(🤣) tas biglang nasa labas ako ng room kasama ung mga kaklase ko... may ibang taong nag-aassist samin para pumasok ,akala ko mag-eexam kami kahit may apocalypse na ehh... un pala may ififill-out na form .... by 2 daw ,naging kagroup ko si leya tas may invisible creature na tumitingin sa papel ni leya ,tinulak ko un papalayo samin .... tsaka ko lang nalamang invisible talaga yun at ako lang ang nakakakita ... pero may hinala na ako nung nakita ko un..... Scene changed, nasa country side ako (alam nyo ung sa panaginip,hindi mo alam kung nasan ka pero may idea at feeling na nasa partikular na lugar ka) Kasama si Mama at Papa ,Nagtatanim daw ako ng mushroom ,may powers daw akong palakihin ung mga halaman .....
Next dream
Nalate daw ako sa pagpasok sa school..... at pumasok daw ako sa room ng ibang section ng di kumakatok at nag-eexcuse me .... dahil lang may kukunin ata ako(?)At itong last scene ang nagbago sakin ng tuluyan...
Madilim ,nakahiga ako sa kama ,natutulog.... ng may marinig akong mga ingay ,may nag-uusap pero hindi ko naintindihan ang kanilang pinag-uusapan... iminulat ko ang aking mata .. kasabay ng pagkakita ko sa anino ang paglamig ng mga paa ko ,shadow pero puti ang mga mata nya .. parang may taong nakaluhod sa likod nya .... nakalingon sya sa akin ng minulat ko ang aking mata.
3rd POV
Nagising sya ,pero nakahiga pa rin sya at iniisip ang mga napanaginipan ,lalo na ung huli.... nangako sya sa sarili na mag-eehersisyo na sya regularly, mag-aaral ng mabuti - hindi sya malalate kung di kailangan,mag-eexcuse pag may sasabihin/gagawin sa room ng ibang section at matutulog na sya ng maaga at sa tamang oras.
≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈
P.S
Indigestion can be pain or discomfort in your upper abdomen (dyspepsia) or burning pain behind the breastbone (heartburn). Dyspepsia and heartburn may occur together or on their own. Symptoms usually appear soon after eating or drinking. Common associated symptoms include: feeling full or bloated.
Indigestion in tagalog
Ahito, impatso, indihestiyon ,hindi natunawan,hindi pagkatunaw ng pagkain