Faith for Changes

37 3 0
                                    


Written by Roofvogel

Ano bang mangyayari kapag nawala na ang nagiisang ilaw na nagsisilbing liwanag ng pamilya? Pwede pa ba itong sindihan, palitan at gawan ng paraan?

Para kay Eloy wala nang silbi ang pagiging isang liwanag niya kung siya mismo ay naitataboy na agad ng kanyang sariling kadiliman. Ang kadiliman na kailanman ay tingin niya hindi na siya bibitawan pa.

Si Eloy ay ang nagiisang lalaking panganay sa kanilang limang magkakapatid. Isa sa pinaka-masalimuot na ala-ala para kay Eloy ay ang makitang nagpakamatay ang kanyang ina dahil sa utang at sa kabilang banda ay napatawan ng parusang pagkamatay ang kanyang ama dahil sa droga.

Isang gabi, pauwi na siya galing sa palengke. Nang makasalubong niya si Jepoy ang kababata niya na ngayon ay miserable na ang katawan dulot ng tuloy tuloy na paggamit niya ng ilegal na droga. At hindi inaasahan ni Eloy na aalukin siya ni Jepoy ng droga. Dahilan pa ni Jepoy ay kapag gumamit siya nito makakatakas siya sa kanyang mga problema. Alam niyang ang paggamit na ito ay makakadulot pa sa kanya ng mas matinding problema. Ngunit hindi na niya kayang harapin ito, nagdalawang isip man siya ngunit sa huli ay agad naman itong tinaggap ni Eloy.

---

Nagdaan ang mga buwan. Unti unting nagiging miserable ang buhay ni Eloy ,pati na rin ang buhay ng kanyang mga kapatid na babae ay nadadamay na rin. Pagkabaon sa utang, pagbaba ng mga marka ng kanyang mga kapatid at ang pagbabanta kay Eloy ng kanyang mga kapitbahay. Pero wala na iyon sa kanya at dinadaan nalang niya ito sa pagiinom.

Isang gabi pumunta siya sa may iskinita at nakipagkita kay Jepoy. Doon sila gumagamit tuwing gabi kung saan ay tulog na ang lahat. Pinaguusapan ang mga pangarap nila na nilamon ng kanilang kadiliman.
Ngunit hindi nila alam isang babae ang nakakita sa kanila at walang kung ano ano pa ay nagsumbong sa pulisya kinabukasan. Gabi umuwi si Eloy sa bahay. Inaasahan pa ng kanyang mga kapatid na may mailalagay siya sa hapag. Ngunit ang ipinakain niya sa kanila ay ang mga masasakit na salitang tatatak sa isipan ng kanyang mga kapatid na ngayon ay lingid pa sa kanila na gumagamit na pala ng droga ang kanilang kuya.

---

Hanggang sa dumating na ang araw na makapagpapabago sa buhay ng lima. May mga armadong pulis ang naglibot sa bangketa, nagsasagawa sila ng oplan tokhang. Hanggang sa napuntirya nila ang bahay ng magkakapatid. Pwersahan nila itong binuksan, gamit ang lakas ng tatlong kalalakihan hanggang buksan ito ni Gemma ang pangalawa sa lima. Natakot ang mga magkakapatid nang hablutin siya at ng kanyang magkakapatid ng mga armadong pulis. Hindi pa doon tumigil ang pulis na si Gio at nahuli niya si Eloy na takot na takot sa sulok ng kwarto habang nagkalat ang mga droga sa lapag. Inaresto siya. Labis labis ang pinaghalong takot at pangamba ang kanyang nadarama nang hindi niya makita ang kanyang mga kapatid.

---

Makaraan ng isang buwan, unti unting nagbago si Eloy. Nabawasan ang dilim sa kanyang buhay na noon ay tuluyan siyang sinasakop. Nakilala niya ang mga pulis na kumuha sa kanyang mga kapatid na sina Gio, Jade at Chris. Hindi niya parin alam kung nasaan na ang kanyang mga kapatid. Nang matapos na niya ang tatlong buwan sa rehabilitation center ay sinopresa siya ng saksi, na si Alyssa. Siya ang nag-alaga sa mga kapatid niya habang siya ay nasa rehabilitation center pa.

---

Lubos ang pagpapasalamat si Eloy kay Alyssa dahil nabantayan niya ang kanyang mga kapatid na muntik na niyang ipagtaboy at iwan noon. Nagsuhestyon si Alyssa na dumaan sila sa simbahan at magtapat si Eloy sa kumpisalan upang mapatawad siya ng panginoon. Naglaban ang kanyang puso at isip. Ang nasa puso ay nais ang pagkumpisal at ang sa utak niya ay natatakot siya baka hindi na siya patawarin ng diyos. Nakita niya din si Jepoy na naglilingkod na sa simbahan. Natatakot man siya ngunit para sa kanyang mga kapatid nagtapat na siya sa diyos. Sinabi niya kahit ang pinakamalalim at pinakamadilim niyang mga kasalanan. Nanghingi siya ng patawad sa diyos. Nagsisi siya ng husto sa kanyang mga pagkakamali. Hindi dapat siya nanaig sa kanyang sariling demonyo na nagpapahina sa kanyang pag-asang mabuhay pa.

At ngayon naayos na ang buhay niya, ang sagot niya sa katanungan ay baguhin ang kanyang sarili sapagkat sa kanya magsisimula ang lahat.

~~~
P.S

Matutong manghingi ng tawad sa diyos at sa kapwa upang mapatawad ka rin pabalik.

KathaWhere stories live. Discover now