For my friends: Tsukii and Fiorisce~~~
Gabi-gabi ay nagpupuyat si Lierielle, normal na para sa kanya na matulog ng alas tres ng umaga at gumising ng alas dose ng hapon.
Buti na lamang ay panghapon ang klase nya kaya hindi sya sobrang late pumasok sa skwelahan. Madalas ay isang oras lamang syang huli sa klase na dahilan para lagi syang maparusahan ng mga guro.
Laging napapatawag ang kanyang mga magulang dahil sa pagiging tamad nyang mag-aral. Ngunit hindi sya inaasikaso ng kanyang mga magulang at pinababayaan lamang sya.
Lumipas ang ilang taon ay palaki ng palaki ang eyebags ni Lierielle. Umabot sa punto na kapag ang ibang tao ay nakakasalubong sya, iniisip nilang nakakita sila ng zombie.
Sinabihan na sya ng magulang nya na iwasang magkasakit para di sila gumastos ng pera.
---
Kinabukasan, may bagong transfer sa section nila. Maxine ang pangalan nito at sya ay napakagandang dalaga.Nang makita ni Lierielle si Maxine ay napatulala ito saglit, nakaramdam sya ng inggit at galit para kay Maxine dahil sa pagmumukha nito.
Naramdaman ni Maxine na may nakatingin sa kanya kaya napalingon sya at nagulat ng makita si Lierielle ,agad syang umiwas ng tingin.
Naitanong nya sa sarili kung bakit may taong napakapangit sa paningin. Kumuha sya ng salamin at pinagmasdan ang sariling mukha. 'Mabuti nalang at maganda ako' ang nasa isip nya.
---
"Lili! tara bili tayo sa canteen " ang pag-aya ni Jasmine kay Lierielle.
Si Jasmine ang nag-iisang kaibigan nya.Tumayo si Lierielle at nagpunta sila sa canteen, ngunit nagkakatulakan dahil matao rito na dahilan para mabangga ni Lierielle si Maxine at magkadikit ang kanilang mga labi.
Pagkagulat,galit at hiya ang naramdaman ni Maxine kaya sinampal nya si Lierielle at tumakbo palayo habang ang mga luha nya ay patuloy ang pagpatak.
Namumula ang pisngi at tenga ni Lierielle pero sa isip nya ay sinisisi nya ang sarili sa nangyari.
"Ayos ka lang?" pag-aalala ni Jasmine.
Hindi nagsalita si Lierielle at nauna nang bumalik sa silid-aralan nila.
Pagpasok ni Jasmine ay binigyan nya si Lierielle ng biscuits. "Mag-ingat ka nalang sa susunod..." ang payo nya sabay pagtapik sa balikat nito.
"Naguguilty ako...ano bang dapat kong gawin?" tanong nya.
"Uhmmm... I think you should apologize to her sincerely since ikaw naman ung may kasalanan" sagot ni Jasmine.
"Pano?"
" Papatawarin ka naman nya siguro, basta sincere ka...."
~~~
Kaya nag-apologize ako sa kanya pero ilang araw bago nya ako pinatawad. At dun nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Maxine.