N/A

9 1 0
                                    


Simula bata palang si Ray ay mataas na ang ekspektasyon ng kanyang magulang para sa kanya.

Tanda nya pa ung mga panahon na tinuturuan sya ng kanyang Tatay na magbasa..... kapag nagkamali sya ay papagalitan sya at lagi syang napapalo sa kamay.

[Kahit mahigpit ang kanyang tatay na si Rosauro ay grateful sya dahil kung di strict si Rosauro ay baka hindi nya sineryoso ang kanyang pag-aaral.]

May pagkakataon din na pinarusahan sya at pinagbasa sya ng malakas ,ung maririnig daw ng tatay nya.... kaya nagbasa sya hanggang sa makatulog.... may kaunting malay pa sya noon kaya alam nyang kinuha ang librong hawak nya at naramdaman nyang binuhat sya ng tatay nya papuntang higaan upang hindi sumakit ang leeg dahil nakaupo sya ng makatulog.

[Nagtatampo sya dahil iniisip nya na hindi karapatdapat na pagbasahin sya ng malakas ,dahil mapapagod ang kanyang lalamunan. 'Pwede namang basahin ko nalang sa isip ko bat kailangang bigkasin ko pa?' pagtatanong ni Ray sa kanyang isip.
Pero kahit na ganoon ay nagbasa pa rin sya dahil utos un ni Rosauro.
Hindi sya nagpapanggap na nakatulog, nakatulog talaga sya at medyo namalayan ng buhatin sya kaya ng mailapag sya sa kama ay natulog muli sya. Medyo masaya sya dahil nag-aalala ang tatay nya para sa kanya,'Mahal,concerned, at nag cacare si Papa sakin,hihihihi' ang iniisip ni Ray.]

Ung panahong ayaw nyang pumunta sa skwelahan upang mag-aral dahil takot sya sa mga bagay na hindi sya pamilyar ,kaya kinaladkad sya  ng tatay nya papuntang skwelehan pero ayaw ni Ray kaya lumuhod sya at nagmamakaawa.... determinado ang tatay ni Ray kaya hindi nagbago ang isip nito at pinilit ang kanyang anak na pumasok sa paaralan.

[Ayaw ni Ray na umalis ng bahay at pumunta ng school dahil hindi nya pa ito nararanasan....natatakot sya,kaya ng nagmakaawa sya at hindi sya pinakinggan ay nakaramdam sya ng sama ng loob sa kanyang ama.

Ngunit ng makauwi sya mula paaralan ay masayang masaya sya dahil nakakuha sya ng bagong kaalaman at excited na syang pumasok muli, iyon ang unang araw ng pagpasok nya sa skwelahan.

Grateful sya sa ama nya dahil kung di pinilit ni Rosauro si Ray na pumasok ng paaralan ay baka hindi na nadiscover ni Ray ang saya na dulot ng pagpasok sa school.]

Naalala din nya ung mga panahon na ang nanay nya ang gumagawa ng kanyang mga takdang aralin dahil masyado pasyang bata, kahit busy ang nanay nya sa pagtitinda ay inaasikaso pa rin sya.

[Sobrang na touched si Ray dahil mahal na mahal nya ang nanay nya,laging inaasikaso ni Amelia ang mga kailangan ni Ray.]

Ung panahon na nakalimutan nyang gawin ung takdang aralin nya dahil puro laro lang ang ginawa nya pag-uwi at kahit sinubukan gawin nang nanay ni Ray ang mga ito ay kulang na sa panahon at masyado itong marami kaya napakakunti ng kanyang mga sagot.... Zero ang iba nyang takda.

Ito ay memorable kay Ray dahil nagsisi sya na puro laro lang ang kanyang ginawa at nakalimutang icheck kung may takdang aralin ba pagkauwi.

[Simula noon ay inuna na ni Ray ang kanyang mga studies kesa sa paglalaro dahil alam nyang malaki ang tsansa na pagsisihan na naman nya kung hindi sya mag aaral ng mabuti.]

Kahit na may sama ng loob si Ray sa kanyang ama dahil napakaistrikto nito at sa tingin nya ay para bang lagi itong galit sa kanya ay hindi pa rin sya tumitigil sa pag-aaral ng mabuti.

Dahil na rin sa ito ang nakasanayan nya at dahil ayaw nyang magalit sa kanya ang magulang nya. Dahilan din ang kagustuhan nyang kilalanin sya ng magulang nya,purihin at makita ang kanilang mga ngiti.

KathaWhere stories live. Discover now