Written by Gray,Tutel and AisukiPapalapit na ang exam ngunit si Charlotte ay hindi pa nagrereview. Pinagsasabihan na sya ng kaibigan nyang si Kevin na mag-aral at magbasa-basa na pero hindi nakikinig si Charlotte kaya naman....
Sa pagdating ng pagsusulit ay lumilipad na ang kanyang pag iisip dahil hindi niya alam ang sagot sa bawat tanong na nakalagay sa kanyang papel. Lumipas ang ilang minuto ay mag papasahan na at ni isa ay wala syang naisulat na sagot.
Dumating sa punto na nag matang agila na sya pero kahit na ganoon ay hindi nya kinayang kopyahin ang lahat ng sagot ng kanyang katabi kaya naman hinulaan nya na lang ang mga multiple-choice questions.
Hindi nya alam na alam ng pinagkokopyahan nya na nangongopya sya pero hinayaan nya lang ito. Ngunit hindi nya pwedeng ipakopya lahat ng sagot nya dahil mahahalata kaya tinakpan nya ang kanyang sagutang papel.
Sa di malamang dahilan ay napangiti ang binata, kahit sa ganitong paraan ay matutulungan niya ang matagal na nyang sinisinta.
Sa kabilang banda naman ay lubos na kinakabahan ang dalaga. Paano na lamang kung nabisto siya? Mahahaluan ng baho ang iniingatan niyang pangalan. Napakamot na lamang ito sa ulo, paniguradong minus points nanaman sya rito.
