"Lumilipas ang Panahon"

20 1 0
                                    


Noong unang panahon, may isang tao na nagngangalang Juan.

Si Juan ay ubod ng katamaran kaya simula pagkabata hanggang sa tumuntong sya sa gulang na labing lima ay wala syang alam gawin.

Isang araw nagkasakit ang ina nya, wala syang makain dahil hindi makapagluto ang kanyang ina.

Hindi nya alam kung paano alagaan ang kanyang ina, wala rin silang pera upang magpatingin sa doktor kaya hinayaan lang ni Juan ang kanyang ina.

Makalipas ang isang araw ay gutom na gutom na si Juan kaya naman napagdesisyunan nyang kausapin ang kanyang ina.

Nang makita sya ng kanyang ina ay tinawag nito si Juan.

"Juan,anak ko...",lumapit si Juan at sinabi nang kanyang ina na "Diyos ko,tanging hiling ko po ay gabayan nyo ang aking anak na si Juan sa tamang landas. Wag sana syang magpatuloy na maging tamad dahil ubos na ang oras ko sa mundong ito,hindi ko na sya maaalagaan pa,
Salamat po."

Ito ang huling sinabi ng kanyang ina,iyak sya ng iyak. Inilibing nya ang kanyang ina at walang kung ano-ano ay may narinig syang boses "Juan, lagi kitang pinapanood, alam ko lahat ng iyong mga ginagawa. Narinig ko ang hiling ng iyong ina,ibibigay ko ito sa iyo upang malaman mo ang kahalagahan ng oras. Paglumipas na ang panahon ,hindi na ito maibabalik pa. Lahat ng tao ay may oras at kapag ito ay naubos na,wala ka nang magagawa pa."

Biglang may lumitaw na bagay sa kanyang kamay,may tatlong kamay at may numero mula isa hanggang labing dalawa.

Pinag-isipan ni Juan ang sinabi ng boses 'lagi kitang pinapanood'. Kaya napagdesisyunan nyang tawagin ang bagay na 'watch'.

Simula noon ay nagbago na si Juan,alam na nya ang kahalagahan ng oras at kung gaano ito kabilis lumipas.

KathaWhere stories live. Discover now