Oras na ba? Last Part

17 2 1
                                    


Si Aria At Ella ay laging nag-aaway, at ang dahilan?
Mga maliliit na bagay!

Ngunit kahit na ganoon ay palagi naman silang nagbabati, ewan ko nga ba kung bakit di pa sila naghihiwalay.

Tunay ba talaga ang friendship nila? Paano kaya kung may isang tao na susubukang sirain ang relasyon nila?

Magtatagumpay kaya ito o magiging isang instrumento lamang upang mas mapagtibay ang pagkakaibigan ng dalawa?

Ngunit hindi ko na siguro malalaman pa ang kasagutan sa tanong na iyan.

---
Sa huli! Bakasyon na!
Hindi na sila magkikita sa loob ng isang buwan.

Ano ang ibig sabihin nito? hindi sila mag-aaway sa harap ko! hindi ko na maririnig ang walang kwentang mga away nila na nagpapasakit saking ulo.

Madami na ngang problema sa buhay, dinadagdagan pa nila ng walang humpay!

Sinubukan ko naman silang awatin at pagbatiin sa mga pagkakataong tumitindi ang kanilang alitan,pero hindi rin nagtatagal ang kanilang pagmamabutihan.

Kaya hindi ko nalang sila pinapansin at pinababayaan ko nalang sila ,tutal magbabati rin naman sila.

Pero minsan di ko mapigil ang sarili ko na makinig sa kanila, napapatawa nga ko sa mga rason nila ehh. Pag di manalo ung isa ,mang-aasar nalang tas ung isa naman mali-mali na nga ung kinakatwiran ,ipagpipilitan pa.

Siguro gento talaga ung 'true friendship ' noh?

Sana makakilala rin ako ng taong magiging totoong kaibigan ko, medyo naiingit ako sa kanila pero minsan napapaisip ako na buti nalang wala akong ganoon na friend,kung hindi puro problema aabutin ko.

~THE END~

KathaWhere stories live. Discover now