Matagal ng magkaibigan sina Ella at Aria,halos mag-iisang taon din ang kanilang pagkakaibigan.Ngunit isang araw ay bigla nalang hindi pinansin ni Ella si Aria,na dahilan upang mapaisip si Aria kung oras na ba... "oras na ba para kami ay maghiwalay? Siguro eto na ang simula."
Dahil sa pag-iisip ni Aria ng rason kung bakit di sya kinakausap ni Ella ay naging malungkot sya kaya hindi nya magawa ng maayos ang kanyang mga nararapat gawin.
Tingin sya ng tingin sa selpon nya kung magchachat ba si Ella sa kanya ngunit isang reply lamang ang natanggap nya mula rito.
Makalipas ang halos dalawang oras ay tinanggap nya na ang realidad. 'May mga tao talaga sa mundo na darating sa buhay mo at aalis,hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila para sayo,hindi mo sila makakasama hanggang mamatay ka. Maaaring may ilang matitira at laging nakasuporta sayo pero bibihira lamang iyon' ,ito ang napagtanto ni Aria.
"Marahil ay hindi ka kabilang sa iilan na iyon,Ella..." pagbubulay-bulay nya. Kahit wala sya sa mood gawin ang mga takdang araling dapat tapusin ay pinilit nya ang sarili upang hindi nya na maisip pa ang tungkol kay Ella. At para na rin hindi nya mapansin ang nararamdamang sakit sa kanyang dibdib.
---
Kinabukasan,nagkita uli silang dalawa at nag-usap gaya ng dati. Parang walang nangyari,kinalimutan na agad ni Aria ang naramdaman nya kagabi ng tanungin nya si Ella kung bakit di sya nagchachat sa kanya.Sinabi naman nitong busy sya kaya di sya nagchachat, "Bat di mo sinabi?" tanong ni Aria. At dun na natapos ang usapang yon.