Sayaw

25 1 0
                                    


Written by Gray w/ Haru

Noong unang panahon may isang puno at hangin.

Dumaan si Hangin kay Puno,na dahilan upang ito ay tumabingi.

Si Puno ay kinausap si Hangin. "Bakit mo ba ako inuugoy?" tanong nito.

Hangin: Alam mo namang hindi ko makontrol ang direksyon kung saan ako pupunta diba? Nakaharang ka saking daan!

Puno: Oo,alam ko,pero sa tingin mo mapipili ko kung saan ako tutubo? At sa tingin mo makakaalis ako dito upang hindi mo mabangga?

Hangin: Baka nakakalimutan mo na kung wala ako,wala ka!

Puno: Abat nanunumbat kana? Kung hindi dahil sakin wala kang kwenta!

Hangin: Talaga ba? Sige! Pustahan tayo,kung sino ang makakatagal nang wala ang isa,sya ang panalo. Ang matatalo ay kailangang sumayaw.

Puno: Hah! Siguradong ako ang mananalo,mwahahaha Humanda ka ng matalo!

Hangin: Tingnan natin.

---

Makalipas ang isang linggo muling nagkita si Hangin at Puno.

Puno: Ohh...Bakit ang itim mo? ....At ang baho mo! lumayo ka nga!

Hangin: Ehh bakit kulay dilaw at kayumanggi ka? Para kang Patay!

Puno: Kasalanan mo kung bakit wala akong pagkain!

Hangin: At dahil sayo kaya ako madumi at mabaho!

Puno: Ano? Nanalo ba ako?

Hangin: Walang nanalo,walang talo! Patas lamang ang naging resulta. Hindi mo ba nakikita ang ating kalagayan?

Puno: Nagtiis ako para lang manalo at ngayon! sinasabi mong ako'y natalo?

Hangin: Gusto mo bang mamatay?

Puno: Ayoko pang mamatay,marami pa kong gustong gawin,bata pa ako,gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko

Hangin: Ayoko ng maging bagay na walang kwenta,kaya kalimutan na natin ang nakaraan at magsimula na tayo uli.

Puno: Sige ba,wag na tayong mag-away muli.

Hangin: Deal!

Simula noon,hindi na nag-away pang muli ang Puno at Hangin. At napapasayaw lagi si Puno kapag dumadaan si Hangin.

KathaWhere stories live. Discover now