Kuwintas Ng Buwan Last Part

6 1 0
                                    


PART 2

Nang makauwi si Philip ay sabay namang pagchat ni Hazel.

"Kapartner ko si Jack,ung lalaking nakita mo na kausap ko kanina. May project kami sa P.E at pinag-uusapan namin kanina kung ano ang gagawin namin."
pagpapaliwanag ni Hazel.

Narealize ni Philip na nag-assume agad sya at di man lang nya inalam kung ano muna ang relasyon ni Jack kay Hazel.

Napagtanto nya rin na medyo controlling sya kahit di pa naman sila.

Nireplyan nya ito, "Ahh...Ganun ba?" Agad namang nagseen at nagreply si Hazel "sorry ahh... di ko agad inexplain kanina,nainis kasi ako sayo ehh... di pa naman kita boyfriend pero nagseselos kana..."

Nang mabasa ito ni Philip ay agad nyang tinanong, "Pwede ba kitang maging Gf?"

Ninenerbyos si Philip sa paghihintay na makita ni Hazel ang kanyang chat. "Ano kaya ang sasabihin nya?" tanong ni Philip sa sarili.

Sa wakas ay naseen ni Hazel ang kanyang chat,kinakabahan si Philip sa magiging sagot nito.

~~POV ni Philip~~

Lumipas ang isang minuto bago ako makareceive ng reply mula sa kanya.

"Kaya mo bang maghintay?" Nagtaka ako kung bakit nya iyon naitanong.

Sinusubukan nya bang baguhin ang topic? O baka naman tinetest nya lang kung tunay ang nararamdaman ko para sa kanya...

Kaya sinagot ko sya nang "Oo naman,basta para sayo ♥".

Hinintay kong makita nya ang sagot ko pero labing limang minuto na ang lumipas ay hindi pa nya ito naseseen.

Naisip ko na baka busy sya kaya hindi nya agad mabasa ang message ko.

Ginawa ko nalang ang mga dapat kong gawin ng araw na iyon habang nagpapatugtog.

Halos 3 araw ang lumipas bago ako makareceive ng reply mula sa kanya. "Payag ako pero baka hindi tayo makakapagkita ng madalas sa personal."

"Yes! Pangako,hindi kita sasaktan at tatratuhin kita ng maayos. Mamahalin kita gaya ng pagmamahal mo sakin❤️"

Napangiti si Hazel ng mabasa nya ang reply ni Philip. Naalala nya ang mga panahong nasaktan nya si Philip na naging dahilan ng kalungkutang nadarama nya ngayon.

'Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay kahit na mahirap. Maging masaya sana tayo sa mga oras na magkasama at nagmamahalan tayong dalawa.Marahil ay eto na ang huling pagkakataon natin ngunit sana lang kahit di na ako ang iyong kasama at minamahal ay maging masaya ka pa rin." Ito ang sinulat ni Hazel sa kanyang diary habang lumuluha.

Makalipas ang isang taon ay pumanaw ang mga magulang ni Philip.

Kasabay nito ang biglang pagkawala ni Hazel na nagdulot ng matinding sakit at pighati sa mga taong nagmamahal dito.

Sinubukang kalimutan ni Philip ang lahat ,ngunit patuloy sumusulpot sa kanyang isipan ang mga nangyari. Lahat ng memorya nila na magkasama't nagmamahalan... nagtatawanan,nagbibiruan. Na para bang nagpapaalala na kailanman hindi na sila muli pang magkikita.

Dahil dito, tumakas sya sa katotohanan. Lagi syang nakatulala at nag-iimagine ng kung ano-ano, maging sa panaginip ay kinokontrol nya ang mga nangyayari.

Nag-aalala ang kanyang kaibigan, kahit anong pangungumbinsi nito sa kanya na magbagong buhay na ,ay hindi sya nakikinig kaya sumuko na rin ito.

Lumipas ang halos apat na taon ,palala ng palala ang kanyang kalagayan. Hindi na nya naalagaan ang sarili dahil sa pagkahumaling sa mga senaryong nililikha nya sa kanyang isip.

Isang araw, habang sya ay naglalakad pauwi, mayroong isang lalaki ang humatak sa kanya at sinakal sya. Nagulat si Philip kaya sinubukan nyang tanggalin ang kamay na nagpapahirap sa kanyang huminga.

Ngunit nang makita nya ang mga mata nito ay nakaramdam sya ng déjà vu. Kinilabutan sya at napatulala, buti nalang at binitawan rin sya ng lalaki bago pa sya masuffocate.

Kitang-kita nya sa mga mata ng lalaki ang labis na kalungkutan at galit na tila ba nakadirekta sa kanya. Sya ay labis na nagtaka, may nagawa ba ako sa kanya para sya ay magkaganito? pagtatanong nya sa sarili.

Nang kumalma na ang lalaki ay tinitigan nya si Philip, tinanggal ang suot na mask, cap at sunglasses. Nanlaki ang mga mata ni Philip nang makita nya ang mukha ng lalaki. Napakagwapo nito na para bang hindi tao ang nasa harap nya.

Subalit hindi iyon ang dahilan kung bakit gulat na gulat si Philip. Ito ay dahil ang mukha ng lalaki ay kawangis ni Hazel.

Bago pa man sya makapagtanong sa lalaki ay binigyan sya nito ng kwintas na hugis buwan at saka iniwan syang nag-iisa sa landas na iyon.

~THE END~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KathaWhere stories live. Discover now