Written by Gray,Zen and XiachaSa tindahan ni Aling Susan, isang binata ang bumili, ito ay si Ash. Matapos bumili inabot ng tindera ang sukli ngunit nalaglag ito. Anong klaseng kamay ang mayroon? kahit piso di masalo.
Nang subukan nyang pulutin ang nahulog na piso,nagulat sya dahil may puting kamay syang nakita. Napakaganda ng kamay na iyon, at ng tiningnan nya kung sino ang may-ari ng kamay na iyon ay nakatagpo sya ng pares ng mga mata. Para syang nagayuma dahil di sya makagalaw ni makapagsalita,ngunit di rin nagtagal ,ang pagtititigan nila sa isa't isa ay natigil dahil inabot ng babae ang piso sa kanya.
Pagkatapos malagay ang piso sa kamay ni Ash ay umalis ang babae. Natauhan na rin si Ash at bumalik ang kanyang kakayahang mag-isip. Sa oras na iyon ay alam nya, na ang babae na iyon ang kanyang 'the one'. Hindi man sya naniniwala sa love at first sight pero ngayon, kumbinsido na sya.
Sa sumunod na mga araw ay tuliro sa pag-ibig si Ash. Hindi nya maalis sa isip nya ang nakakaakit na mga mata ng babaeng kanyang nakita,pati sa panaginip ay nakikita nya ang babaeng iyon.
Sinong mag aakala na sa simpleng piso, biglang sayo iikot ang mundo? Simula umaga hanggang gabi, paggising at pagtulog, naiisip ang una nating pagkikita.
Makalipas ang ilang araw ay nakita nya muli ang babae na nakaupo sa gilid ng kalsada. Umuulan ng araw na iyon at basang basa na si Myreen ngunit para bang wala syang pake kahit na magkasakit sya dahil sa ulan.
Bawat patak ng ulan,puso ko'y tumitibok,oras ay tumatakbo ngunit ikaw lang ang nakikita ko.
Lumapit si Ash kay Myreen at pinayungan nya ito. Nang magkatama ang kanilang mga mata ay naalala ni Ash ang nabasa nyang tula:
'Sa ating titigan mga mata mo ay tila bituin
Labis ang ningning
Di maalis Ang tingin'"Excuse me, kilala po ba kita?" pagtataka ni Myreen.