Written by Gray, Haru and Crystal
~~~May isang taong hindi na makapaghintay na mamatay dahil bored na sya sa buhay.
Puro selpon sya araw-araw,minu-minuto,segu-segundo. Kain,tulog,selpon,yan ang ginagawa nya sa bawat araw.
Hanggang isang araw,nawala ang selpon nya... hindi nya ito mahanap kahit na anong gawin nya.
Sinabi nya ito sa magulang nya at tinanong kung pwede bang bilhan sya ng bagong selpon ngunit ang tinugon lang ng tatay nya ay "Alam kong alam mong mahal kita,pero... hindi kami laging nandito para sayo. Kaya kailangan mong matutong mamuhay mag-isa at di umasa sa iba. Simula ngayon may natitira kalang na 3 taon upang makasama mo pa kami."
Nagulat sya,gusto man nyang magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Niyakap sya ng tatay nya habang lumuluha.
Hindi sya nakatulog ng araw na iyon,marami syang pinag-iisipan. Sa huli ay napagdesisyonan nyang magbago. Kinabukasan sinimulan nyang mag-aral ng mabuti, iappreciate ang mga bagay na meron sya, at iwasang gumawa ng mga bagay na pagsisisihan nya.
Isang araw, nakasalubong nya si Miguel,ang best friend nya simula grade 6.
Nagkwentuhan sila,nalaman nyang mahilig si Miguel magdrawing. Pinakita ni Miguel ang mga larawan na kanyang naidrawing.
Namangha si Philip at agad nya itong nagustuhan. Pagkauwi nya,kumuha sya ng lapis,papel at pambura,sinubukan nyang magdrawing.
At napapaisip sya na para bang napakagaling nya. Ngunit hindi nya ito natapos dahil sa kanyang labis na pag-iisip ng biglang may kumatok sa kanilang bahay.
Ngunit siya ay mag-isa lamang sa kanilang tahanan, natakot sya kase ang kaniyang mga magulang ay sa isang araw pa dadating.
Ang kaniyang magulang ay pumunta sa business trip, pero baka ito ay order nya kaya dahan-dahan nya itong binuksan at nakita nya ang isang lalaki na nakangiti sa kanya na may dalang plato na may lamang pansit. Ito pala ay si Miguel!
Sila ay nagkakilala dahil sa kanilang pagtititigan sa isa't isa noong grade 6.
Ang kaniyang kaibigan ay bagong lipat pala sa tabi ng kanilang bahay,dinalhan nya si Philip at ang iba pa nyang kapitbahay ng pansit para magkamustahan at maging magkakilala.
At dahil dito napag-isipan ni Philip na magpaturo sa kanya ng mga technique sa pagdodrawing. Si Miguel naman ay handang tumulong rito.
At simula noon ay lagi silang nag-aaral na magdrawing, nalaman ni Miguel na may tinatagong talento si Philip kaya naman makalipas ang 2 taon ay naging expert na sya sa pag-isketch at pagpapaint.
Pinipilit sya ng mga magulang nya na magblind date dahil wala pa sya ni isang naging girlfriend sa buong buhay nya.
Pumayag sya,ng malapit na sya sa itinakdang lugar ay nabangga nya ang isang lalaki na nakamask at nakasuot ng itim na hoodie.
---
Nagkatama ang kanilang mga mata,nagkatitigan sila ng halos 3 segundo bago lumakad ng mabilis ang lalaki papalayo.Tumatak sa isipan ni Philip ang mga mata ng lalaki na tila para bang kasing dilim ng kalangitan,kasing kinang ng mga bituin, kasing lalim ng karagatan at mas maganda pa sa kahit anong bulaklak.
Makalipas ang 3 minuto ay naisip nya na may date pa syang pupuntahan kaya kahit hindi nya gusto ay pinilit nya pa rin ang sarili na pumunta sa itinakdang lugar.
Nang dumating sya sa restaurant ay wala pa ang kanyang date kaya naman umupo muna sya sa isang table at nag-order ng iced tea.
Ngunit 20 minuto na ang lumipas ay wala pa rin ito,aalis na sana sya ng biglang tumunog ang selpon nya, ang number nang kadate nya ang lumabas dito,sinagot nya ito at isang napakagandang tinig ang nagsabi ng "Hello."
Saglit syang natulala,nagsabi sya ng "He...Hello,san kana?". Nagsalita ang tumawag sa kanya "Nasa labas ako ng restaurant,papasok na."
Dumating ang isang babae na nakawhite t-shirt at black pants na para bang may hinahanap,may hawak itong selpon na nakatapat sa tenga nito.
Itinaas ni Philip ang kanang kamay nya at sinabing "Here". Naglakad papunta sa kanya ang babae,may suot itong salamin. Ngunit kahit na wala itong make-up at nakasalamin ay hindi pa rin maitago ang kagandahan nya.
Sabay nilang binaba ang kanilang selpon at ngumiti sa isa't isa. Binati ni Philip ang babae, "Good Afternoon! ,my name is Philip".
Nagpakilala naman ang babae ,"Afternoon ,my name is
Hazel",umupo si Hazel at nag-order ng milk tea. Nabighani si Philip ng marinig nya ang boses ni Hazel in person.Tinanong nila ang isa't isa upang magkakilala sila ng maigi. Nang maubos na ang kanilang mga inumin ay inaya ni Philip si Hazel na pumunta sa amusement park ngunit hindi ito pumayag, dahil may gagawin pa daw sya, kaya tinanong ni Philip kung kailan sya may free time.
Ichachat na lang daw ni Hazel si Philip dahil di nya pa alam kung kelan sya magkakaroon ng free time. Makalipas ang tatlong linggo,hindi pa rin sya chinachat ni Hazel kaya si Philip ang nagchat ngunit isang linggo na ang lumipas ay wala pa rin itong reply.
Kakalimutan na sana ni Philip si Hazel pero... Kinabukasan nang sya ay lumabas upang mag- milktea, nakita nya si Hazel sa cafe na may kausap.
Naghintay muna sya saglit at ng umalis na ang kausap ni Hazel ay kinausap sya ni Philip. "Hazel! Bakit mo ko iniignore? Hindi ka man lang nagchat,nagreply, o nagseen sa mga messages ko!" ang palasigaw na tanong ni Philip. Sumagot naman si Hazel sa tanong ni Philip.
---
"huh? Philip? .... Hindi kita iniignore,ano kasi ehh... sobrang busy ako... studyante pa kasi ako kaya wala kong time magselpon" sagot ni Hazel.Nahiya si Philip ng marinig nya ang paliwanag ni Hazel pero galit pa rin sya kaya tinanong nya "Wala kang time magselpon? pero may time kang makipagkita sa iba?".
Nainis si Hazel, "Ano naman kung makipagkita ako sa iba? May tayo ba?" tanong niya.
Nasaktan at nagulat si Philip, narealize nya na wala pa silang label kaya sinabi nya "Kung hindi mo ko gusto ay sabihin mo! hindi ung pinapaasa mo ako ng ganito! Ano? Gusto mo bang magkaroon tayo ng label?".
"Mahal kita! Matagal na!" malakas na sabi ni Hazel at ang mga luha nya ay sunod-sunod na pumatak.
Paulit-ulit na naririnig ng isip nya ang sinabi ni Hazel. Nauutal nyang sinabi "Ma...mahal mo a..ko? Kelan pa? Bat di ko alam?"
"Oo, pinagsisisihan kong pinili ko ang maling tao para sakin,sana ikaw nalang pero..." hindi na nya tinapos pa ang kanyang sasabihin at tumakbo sya papaalis.
Napakasakit ng puso nya ng makita nyang umiiyak si Hazel.
Naiwang mag-isa si Philip sa cafe at pinag-isipang mabuti ang sinabi ni Hazel.Ngunit kahit anong sikap nyang isipin kung kelan nangyari ang sinabi ni Hazel ay hindi nya ito maalala.
————
-pic is from google
