Nagkukulay ako sa coloring book ko ng bigla nalang nawala ang ilaw,nagulat ako at namatay din ang electric fan , bumukas uli ang ilaw pero nawala rin agad.Akala ko brown out kasi umuulan at mahangin so normal lang naman un pero nagulat ako ng biglang may nakita akong babaeng puti ang mukha,pumasok sya sa kwarto ko(nakabukas ang pinto),at dahil gulat na gulat ako ay hindi ako makagalaw o makagawa man lang ng kahit anong ingay.
Sinabi nyang "Gusto ka nila..."
hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi.Tagaktak ang pawis ko habang humihinga ng malalim, panaginip lang pala ang lahat... mabuti na lang... tiningnan ko ang paligid ,nakatulog pala ako habang nagkukulay,at dahil natatakot pa rin ako sa napanaginipan ko ay pumunta ako sa labas ng kwarto ko at hinanap si mama,narinig kong parang may nagluluto kaya tumingin ako sa kusina,si diko lang pala,pangalawang lalaki saming magkakapatid,ang pangalan nya ay Kenneth.
"Anong niluluto mo?" tanong ko
"Pancit Canton,gusto mo?" sabi nya
"Sige ba! ano flavor nyan?" pag-sang ayon ko
"Calamansi"aniya
"San pala si mama?" tanong ko.Tumingin sya sakin na parang nababaliw na ko.
Ken: "Ano bang sinasabi mo?"
"Huh? nagtatanong lang naman ako ahh🙍♀️...."
"Nababaliw kana ba???? 😠"sigaw nya
"Ano nga kasing problema???"sigaw ko pabalik
Ken: 😤😶...
Hindi sya nagsalita,kaya hindi ko na rin sya kinausap.
Ken:"eto sayo"
Sabi nya sabay bigay sakin ng Pancit Canton na para sa akin.Kumuha ako ng tinidor at sinubo ang Pancit Canton,pero nang malasahan ko ay agad ko itong niluha,ubo ako ng ubo kaya binigyan ako ni diko ng tubig at ng ininom ko ito ay mas lalo akong nandiri,niluha ko ang tubig at pinunasan nalang ang bibig ko.
"Ano to?????😠"galit kong tanong
Ken: "Pancit Canton at tubig,ano sa tingin mo?"
"Bat gento lasa? parang...parang dugo.... "
Nakakasuka ang lasa kaya inamoy ko pero normal lang naman.... bat ganun nalasahan ko?
Ken:"Anong parang dugo?"
Sabay kain sa Pancit na kinainan ko at ininuman nya ung baso ko kanina."Ayos lang naman ahh.... tikman mo nga uli"
At tinikman ko uli pero this time hindi na un lasang dugo ,lasang Pancit Canton (calamansi) at tubig talaga un.
"😮,ok na ..." nagtataka ako bat ganun ...
Ken:"Kakapanood mo yan ng horror movies ehh... sabi ko naman sayong wag kang puro nood nun."
"Hindi naman ako palagi nanonood nun ehh..."Totoo namang hindi ako palagi nanonood nun,pinanood ko lang kasi inaya ako ng mga kaibigan kong manood kami ng sabay-sabay.
Natapos na rin kaming kumain,napakabilis kasi naming kumain.
Ken:"Sige na matutulog nako,wag kang magpupuyat ahh..."
"Sige lang"
Pumasok na ako sa kwarto ko para matulog,hindi ko na niligpit ang coloring book ko kasi gagamitin ko naman bukas.Nagising ako kasi naiihi ,tiningnan ko kung anong oras na,2:00 p.m na pala.
Pagkatapos kong gamitin ang banyo ay may narinig akong boses... kinilabutan ako dahil un ung boses ng babae sa panaginip ko,siguradong sigurado ako..."Mag-iingat ka.....wag mo silang gagalitin.... beh... " magkahalong takot,kaba,gulat,sakit at pag-aalala ang naramdaman ko ng makita ko ng mabuti ang mukha ng babaeng napanaginipan ko.... si ate May ,ang isa ko pang kapatid.
Apat kaming magkakapatid ,si Kuya Jake,Diko(Kenneth),si Ate May at ako.
Bigla nalang syang nawala.... ilang minuto ako sa loob ng banyo,multo na si ate? ibig ...ibig sabihin ....patay na sya?... kaninang umaga lang ay nagkita pa kami, bakit ngayon.....?pano,kelan,bakit?pinag-iisipan ko ang sinabi ni ate... sinong may gusto ....gusto nila kong patayin??? bakit sinabihan nya kong mag-ingat? hindi ako ligtas... sino ang hindi ko dapat galitin?.... nagiisip ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng banyo.
"Kenneth, ikaw ba yan?" sabi nito,base sa boses si Kuya Jake ang nagtatanong.
"Kuya,nasa loob ako" sabi ko
Jake:"ahh...ganun ba...sige,hintayin na lang kitang matapos...."Pagkasabi nya nun ay bigla akong natauhan,nag-alala ako dahil tulo ng tulo ang mga luha ko..... kailangang malaman nila kuya ang tungkol kay ate...lumabas ako ng banyo na umiiyak.
Jake: Bakit ka umiiyak? sinong nagpaiyak sayo???😡
kitang kita ko na sobrang galit si Kuya.....
" kuya... si.... si.... a.....ate ...wa...wala....na....sya...."
iyak ako ng iyak.....😭😭😭
Jake:Anong sinasabi mo?Bakas sa mukha nya ang pagtataka at pagkalito,niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya .....
Nag itim ang paningin ko,may naramdaman akong dumikit sa noo ko....pagkatapos ay may nag-uusap.... hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.