06

295 5 0
                                    

[Warning: matured content]

KAIYA POV’S




“He's happy.” Nakangiting saas ni Tito Albert na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan.

Hapon na ako pumasok sa school dahil isang class lang ang papasukan ko samantala maghapon namin ang class ni Samuel kaya nasa school na sya ngayon. May mga subject kasing kinuha si Samuel na hindi pareha sakin kaya hindi kami pareho ng schedule.

Papasok ng trabaho ngayon si tito Albert , nakasalubong ko sya sa daan kaya inaya na nya akong sumabay.

“Po?” napalingon ako sa kaniya.

“Samuel was happy when he's with you. You make my son happier. Hindi ko nga lang akalain na may relasyon pala kayong dalawa. Natutuwa rin ako dahil hindi natuloy ang kasal na hindi nya nais.” Saglit syang tumingin sakin at ngumiti.

“He tell me a lot about you. He is really inlove with you, hija.” nakangiting aniya pa.

Nahihiya naman akong ngumiti. “I'm also in love with him, tito. Lakas kaya ng karismya ng anak nyo. kahit sinong bababe ma fafall talaga.” wika ko at tumawa.

Natatawang tumango siya bilang pagsang ayon. “Hindi malayo loob ko kay Samuel kahit na medyo may conflict sa pamilya namin. Natutuwa ako sa kung anong meron kayo. Please stay inlove.” aniya at tumango ako.

Mabilis lang din akong nakarating sa school. Nag paalam ako kay Tito Albert at pumasok na sa klase ko. Nag update lang ako saglit kay Samuel bago nakinig sa klase.




KASALUKUYAN akong nasa labas ng second gate ng university namin na syang nasa likod ng school. Katatapos lang ng klase namin at hinihintay ko ngayon si Samuel. Sinabi niya na dito nalang daw ako maghintay.

Napagplanohan kasi naming tutungo kami ngayon sa resort na sinasabi niya kahapon. Weekend na bukas at sa linggo na ang alis niya. Gusto niyang maligo kami ng dagat dahil iyon ang isa sa mga nais niyang gawin kasama ako.

Habang papalapit ng papalapit ang pag alis ni Samuel ay nalulungkot narin ako ngunit tinatago ko yon kay Samuel dahil ayokong makita nya akong malungkot dahil sa pag alis nya.

Habang naghihintay kay Samuel ay nakita ko si Honey na papalapit sa akin. Magulo ang damit niya at magang-maga ang mga mata niya. Mukhang nag iniyak siya ng subra kaya namaga ito.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinampal ng napakalakas lakas dahilan para mapaupo ako sa lupa. what the heck!?

"Napaka walang hiya mo! Alam mo ng ikakasal ‘yong tao! Inaagaw mo pa!" umiiyak na sigaw niya.

Tumayo naman ako at pinagpagan ang sarili ko. Matalim na tiningnan ko si Honey, aba! Nagkamali yata siya ng binangga niya.

Lumapit ako sa kaniya at sinampal din siya na mas malakas sa ginawad niya sa akin kanina.

"Hoy? Di ako bida sa story na iiyak kapag binubully! Lumaban ako sa taong tulad mo!" saad ko at sinampal pa siya sa kabila.

Galit na gulat siyang tumingin sa akin. Namumuno ang galit at pout sa mga maga nya. "Hindi mo siya pagmamay ari!" sigaw niya.

"Nah, He was always mine." diin kong sabi.

"Akin siya Iya! Akin siya!" sigaw niya.

Hindi ko alam na magiging baliw sya kay Samuel na ganito. Gosh! nauubusan ako ng pasensya sa kaniya!

Inis na lumapit ako sa kaniya at hinila ang buhok niya papalit sa mukha ko para ipamukha sa kaniya na ako na ang nagmamay ari kay Samuel.

"Look at my face, Honey!  'Yang mukha na 'yan ang nag mamay-ari kay Samuel." galit na sabi ko dahil sa pagkapikon sa pagiging baliw nya.

Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon