KAIYA POV'SKasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ng silid ko habang yakap-yakap ang unan. Kanina ko parin pinipigilan ang sarili kong huwag umiyak dahil wala naman akong mapapala doon. Total para saan pa kung luluha ako kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ko talaga pagmamay-ari si Samuel.
Matapos ng malaman ko kanina ay tumakbo ako palayo at iniwan silang dalawa. Ayokong makitang nila akong umiiyak kaya minabuti kong makalayo na sa kanila. Alam ko na naman na sa sarili ko na may ponsibilidad na mangyari ‘to. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito dahil kung titingnan ay girlfriend lang ako ni Samuel sa pekeng mundo. Ngunit hindi ko naman masisisi ang sarili ko, dahil minahal ko na si Samuel hindi lang sa pekeng mundo.
Bwesit na rpw 'yan! Gusto ko lang namang magmahal e, Bakit ganito? May mga kakilala naman akong nagkakatuluyan sa tunay na mundo na nagkakilala sa mga rpw. Bakit sakin hindi pwede, huhu.
Iniisip ko kung dapat ko bang pagsisihan na hindi ko sinabi kaagad sa kaniya na ako si Amaliah, O dapat lang na hindi na dahil may babaeng nagmamayari naman na sa kaniya sa totoong buhay. Baka ako pa ang maging rason para magkahiwalay silang dalawa. Ayoko naman na mangyari ‘yon.
"Iya! Nasa labas si Samuel! Hinahanap ka!" sigaw ni mama mula sa pinto ng silid ko.
Samuel? Nasa labas?
Anong kailangan niya?
Bakit nandito sya?
"Sabihin mo tulog na ako!" sigaw ko pabalik.
"Tanga nandito na siya sa pinto ng kwarto mo, pinapasok ko na." narinig ko naman ang boses ni ate.
Takti naman oh! Kahit kelan talaga si ate e!
"Ikaw nanliligaw! ikaw pa may karapatan mag tampo, hoy! Umayos ka nga." sigaw ni ate.
Hindi ko po talaga ate yan! Ampon lang talaga ako, charot.
"Iya..."
Nagbabandya nanaman ang luha ko ng marinig ang boses niya. Two years tayo Samuel. Dalawang taon tayong mag magka in relationships sa rpw tapos malalaman kong may fiancè ka pala. Saan hustiya doon? Ipa-tulfo kita e. ( -,- )
"Iya, let's talk." saad uli ni Samuel.
Let's talk kada! Isa kang scam! Alam ko na yan!
"Tulog ako Samuel." hindi ko ba alam kung matatawa o maiinis ako sa sagot ko.
"I have something to tell you."
"Tigilan mo ako Samuel. Ibibigay ko nalang yung summarize ng report at iba pang naka a sign sa akin, bukas. And please, lubayan mo na ako! Wala kang ibang gagawin kundi tratohin akong kapitbahay slash kaklase mo. Wala ng mas hihigit pa doon. Kaya kung ano mang yan sasabihin mo please. H'wag mo ng ituloy. Umalis ka na. Pakiusap lang." saad ko at tinakpan ang unan ang pagmumukha ko para pigilan ang pag iyak.
"I'm sorry.... I miss you so much.." huling sabi niya bago ko narinig ang ilang hakbang papalayo. Hindi ko man maintindihan kung bakit nya sinabi ‘yon ngunit hindi ko na napigilan ang luha kong bumagsak uli ng walang tigil.
I miss you too.
Dalawang taon kong tiniis na hindi ka mayakap. Hindi ko marinig ang boses mo dahil iyon ang rules.
Minahal kita kahit alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Kahit alam kong may ponsibilidad na may tunay na nagmamayari sayo sa tunay na mundo. Ni-expect ko na mangyayari 'to, pero hindi ko inakala na mas masakit pa pala kapag nangyari na.
KINABUKASAN ay wala akong ganang bumangon. Kinuha ko nalang ang cell phone ko at minabuting gawin ang plano ko. I send a long message to Samuel before I deleted my rp account. Kung ipagpapatuloy pa namin ‘to. Pareho lang kaming masasaktan.
![](https://img.wattpad.com/cover/251558201-288-k809009.jpg)
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 )
Novela JuvenilHighest Rank : #1 - Roleplayworld 01/23/21 #1 - Rpworld 01/23/21 #1 - Rpier 06/13/21 #1 - rpw 02/15/23 Kilalanin si Kaiya na isang GRP na nagkaroon ng boyfriend sa RPW, sa hindi inaasahan ay nalaman niya na ang boyfriend niya sa RPW ang bagong lipa...