KAIYA POV'S"Oh? Bakit ganyan ‘yang mukha mo? umiyak ka ba? " nag aalalang bungad na tanong ni ate Clea ng niluwal ako ng pinto ng condominium.
Nagulat pa ako ng makita siya dahil pagkakaalam ko ay sa sunod na araw pa ang uwi niya. Sumilip naman ako sa likodan niya, nakita ko ang kambal ko na may hawak na regalo. Si Zack naman ay may hawak na platito na may cake. Nakita ko rin si Ate Anchai na kumakain din ng cake. Mukhang nandito silang lahat.
"Mommy, are you okay?" nag-aalalang tanong rin ni Kyle.
Mabilis akong tumango at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Napuling ako kanina, may dumaan kasing truck na may kargang buhangin." palusot ko.
"Naku, maligo ka muna. Kakain pa naman tayo ng cake. Mamaya mag lasang buhangin yung kinakain na'tin." maarteng sabi ni Zack at ngumiwi pa.
Tumango naman ako, "Sige, mabuti pa nga." nakangiting sabi ko at pumasok sa kwarto ko. Inalis ko muna sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi maganda kung ipapakita ko ang malungkot kong mukha sa mga anak ko. Lalo lang silang mag aalala.
Nang matapos maligo ay kumain na kami ng cake na dala ni ate Clea at Anchai. Hindi rin natuloy ang pagluto ko ng dinner dahil nabusog na sila sa pagkain na inihanda nila sakin. Hindi ko rin naman inaasahan na bibista ngayon sila ate Clea.
Habang kumakain ay madami kaming napag-usapan at binuksan ko narin ang regalo sa akin ng kambal ko. Ang bigay ni Sandy sa akin ay isang Maroon coat na may name tag sa "My Mommy". Si Kyle naman ay lunchbox na may desenyong panda. Gusto niya daw akong laging paglutuan ng lunch, kung iisipin ay si Zack naman talaga ang nagluluto at tumutulong lang siya, haha.
Matapos kumain ay pinatulog na ni Ate Clea yung kambal. Nakaligo narin daw sila kaya hindi ko na kailangang paliguan.
Habang nasa kwarto si ate ay lumabas muna si Zack para bumili ng alak, gusto daw niyang uminom para mabilis siyang makatulog. Hindi narin ako umangal dahil gusto ko ring uminom. Total day off ko naman bukas. Ilalabas ko muna ang sakit na nararamdaman ko.
"Oy, Bukas pwede ka?" tanong ni ate Anchai. Kanina pa siya busy kakatipa sa cellphone niya.
"Ahm, Day off ko bukas. Bakit anong meron ate Anchai?" tanong ko.
Ngumiwi naman siya. "Anchai nalang, 'wag mo ng lagyan ng ate. Jusme! Nagmumukha akong matanda. Pero anyway, nangyaya yung kaibigan ko na si Kiarah sa Quince Club, tomorrow at 7pm. Engaged na kasi sila nung boyfriend niya na si Kyro kaya mag celebrate daw kami. Sinabi niya rin na mangyaya pa ako ng iba. So, ano? G?" madaldal na sabi niya.
Inisip ko muna kung may gagawin ba ako bukas ng gabi. Mabilis naman akong tumango ng mapagtanto na free ang time ko.
"Ayos, isasama ko rin si Clea at si Zack ang maiiwan."
"Anong ako maiiwan?" bungad na tanong ni Zack ng makapasok siya dala ang wine na binili niya.
"Maiwan ka dito, magbantay ka ng bata!" singhal ni at- este Anchai.
Agad naman nagpout si Zack, "Ang daya naman." parang batang sabi niya.
Nahiya naman ako kaya balak ko sanang sabihin na hindi nalang ako sasama para sabihin na ako nalang magbabantay sa mga bata.
"Ak—
"Sige, payag na ako! Basta pwede akong magpapasok ng mga girlfriend ko dito bukas?" ngisi ni Zack.
Sabay na ngumiwi kami ni Anchai sa sinabi niya. 'Mga?' wow! Ang dami naman nitong girlfriend. Narinig ko namang bumingisngis si Zack habang nag-aayos ng baso.
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 )
Ficção AdolescenteHighest Rank : #1 - Roleplayworld 01/23/21 #1 - Rpworld 01/23/21 #1 - Rpier 06/13/21 #1 - rpw 02/15/23 Kilalanin si Kaiya na isang GRP na nagkaroon ng boyfriend sa RPW, sa hindi inaasahan ay nalaman niya na ang boyfriend niya sa RPW ang bagong lipa...