02

1.9K 108 6
                                    


KAIYA POV'S





"Amaliah?" paninigurado ko.

"Yes, Amaliah Lxn."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi maaari 'to! Bakit? Bakit siya? Oo, gwapo siya pero suplado. almost perfect na nga. Pero...

Nakatakot ako! Paano kapag nalaman niyang ako si Amaliah? Paano kapag nalaman niya ako ang girlfriend niya sa rp? Paano kung hindi ako pasok sa standard nya?  Paniguradong maghihinayang siya kasi ganito lang ako. Hindi ako bagay sa kaniya.

He doesn't deserve me.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pinasok sa bag ko. Nagtatakang pinanood naman niya ako.

"Hey? Bakit nagmamadali k—

"Nakalimutan ko namatay pala yung alaga kong pusa kaya kailangan ko siyang lutuin este ilibing! kasi baka langgamin." napapikit ako sa palusot na sinabi ko. Wtf self?

"Pusa? May alaga kang pusa?"

"Oo, tas namatay kaya kailangan ko ng umuwi." saad ko bago tumakbo palabas ng library. Naramdaman ko namang mabilis na sumunod si Samuel.

"Hey! Iya!" pagtawag niya pero tuloy-tuloy parin ako sa pagtakbo.

Nang makalabas ng school ay mabilis akong sumakay sa tricycle na pinara ko. Sinubukan pa akong tawagin ni Samuel pero mabilis ring nakalayo ang tricycle sa gate.

Bumuntong hininga ako, Karapatan ba nyang malaman na ako ang girlfriend nya sa rpw? Ngunit ayokong maramdaman na paghinangayan ng taong mahal ko. Mahal ko sya habang sa totoong mundo. Ngunit ganun kaya sya? o hanggang sa pekeng mundo lang talaga ako?

Nang makarating sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni ate pero 'di ko siya pinansin. Ni-lock ko ang pinto at agad na humiga sa kama.

Hindi!

Bakit! Bakit siya?

Anong gagawin ko?

Sasabihin ko bang ako si Amaliah?

Hohoho

( TT__TT )

Ano bang gagawin ko!

Paano kapag break-kan niya ako dahil ako si Amaliah? Pano kapag na turn off siya sa akin dahil ako ito? Ito lang ako!

Magdamag akong nag inisip ng dapat kong gawin. Kaya kinabukasan ay mukha na akong panda. Matamlay na naglakad ako papunta sa banyo. Ngunit natigilan ako dahil may nag sisitsit sa'kin.

Tumingin ako sa kanan pero wala. Tumingin din naman ako sa kaliwa, wala nam—

( O__O )

Dali-daling hinarang ko ang kamay ko sa dibdib ko ng makita si Samuel sa teresa niya na katapat lang ng teresa ko.

Gosh! Wala akong bra! Buti nalang naiharang ko kaagad yung kamay ko! Kundi— wateber!

"Good morning." nakangiting bati niya.

Wait, take note! NAKANGITI!

Himala! Maganda yata gising niya at hindi siya nagsusuplado ngayon.

"Ano kailangan mo?" sigang tanong ko.

"Ikaw." saad niya na may ngisi sa labi.

Ako? Kailangan niya? Leh enebe!

"H'wag kang kiligin! Ikaw ang kailangan ko dahil may gagawin tayong report." supladong saad niya.

Parang gusto ko namang humawak ng vase at ibato sa kaniya. Kahit kailan talaga! Kinikilig na nga yung tao e. Tsk!

( –,– )

Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon